Lory's Pov!Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko simula ng umalis si Xander at si dad naman bumalik sa trabaho niya. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi ako kinausap ni Dad.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa kwarto ko. 6:02 na ibig sabihin darating na sila mama. Ano ang sasabihin ko?
Lumapit ako sa laptop ko na nakabukas. Gusto ko sanang tingnan kung ano ang mga balita tungkol sa kalokohan ni Xander pero natatakot ako dahil alam ko na mga kasinungalingan na naman ang iba dun at ayoko ng makarinig pa ng mga ganoong bagay.
May nagpop out na mga messages sa account ko.
'Lory what was the news all about? Tell me it's not true.' parang lumuwa ang mata ko. Nalaman kaagad ni kuya ang balita? 'I'm gonna call you now and answer my call.'
Nalipat ang tingin ko sa tumutunog na phone ko. Foreign number ang tumatawag at walang iba kundi si Kuya.
"Huwag mong sasagutin Lory. Sasabihin ko nalang nasa trabaho pa ako pero baka sinabi na ni dad na nasa bahay na ako." napaisip ako ng pwede kong maging excuse. "Ah alam ko nakatulog ako. Nakatulog ako Kuya."
Napatay na ang tawag pero ilang minuto pa tumunog ulit ito pero hindi ko pa rin sinasagot. Tumunog ulit ito at ng sasagutin ko na sana ito bigla na lang itong napatay at may nagpop out ulit na message para sakin.
'Are you ignoring my calls?'
'Then I'm gonna book for a flight.'
"Ano? Tumawag ka na lang ulit Kuya basta huwag ka lang umuwi."
Nireply ko ang message niya.
'Pasensiya na Kuya nakatulog ako. Nabasa ko pa lang message mo. Huwag kang mag.alala kuya hindi totoo ang balita na yun.'
Wala siyang reply.
'Kuya tawag ka na.' wala pa rin.
'Kuya huwag ka na lang kayang umuwi. Promise hindi totoo yung narinig mong balita.'
"Reply ka na Kuya."
'Base on your messages it says that the news was true. Don't you want to see me or are you hiding something for me? Whatever it is I will find it. Got'ta go.'
Kilala ko si Kuya. Kahit ano pang sabihin ko sa kanya hindi na siya magpapapigil kung gusto niyang umuwi.
"Anong gagawin ko? Kasalanan mo to Xander Buenodicto!"
************
Nakayuko lang ako habang nakatingin sakin ang parents ko. Pakiramdam ko nasa harap ako ng korte at wala ako sa sala ng bahay. Ng dahil sa pagsigaw ko kanina hindi na ako nakapagkunwari na tulog dahil narinig na nila akong sumigaw. Nagkakandaleche.leche ang araw ko kapag nababanggit ko ang pangalan ng Xander na yan. Akala ko nakaligtas na ako kay dad hindi pa rin pala.
"Lory ano bang iniisip mo?" tanong sakin ni mommy.
"Mom kasi...maniwala ka sakin mom wala akong alam sa nangyari kanina."
"Lory you don't need to deny it. Sinabi na ng dad mo ang lahat sakin." dinaanan ko ng tingin si dad pero blangko lang mukha niya. "Anak we are your parents and we're always telling you this that you can talk with us any time para naman hindi kami nabibigla sa mga nangyayari sayo."
"Mom I'm sorry. Palagi na lang sakit ng ulo ang binibigay ko sainyo." naluluha na ako. Ngayon lang ako hindi pinaniwalaan ni mommy.
"Don't think that. Ang akin lang sana naman pinaalam mo muna samin yung tungkol sainyo ni Xander hindi yung bigla na lang namin malalaman na engaged ka na kasi ikaw lang naman ang iniisip namin. Kakagaling mo pa lang sa break up tapos pumasok na naman sa isang relasyon at naengaged ka na baka masaktan ka na naman." hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Isa.isa na itong tumulo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
Roman d'amourI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...