Six.

215 12 7
                                    

The years passed by quickly. Nalimutan ko lahat ng mga nangyari. Hindi ko na nararamdaman yung sakit.

Naka-graduate na din ako at tinuloy ko ang pagiging character actress ko.

"Bes may theater show daw kayo sa Laguna ah?" 

sabi ni Cathy sakin habang ako ito, nag ta-type na naman sa laptop. Matagal tagal na din kasi simula nung nag type ako siguro nag tataka kayo kung ano nga ba yung tinatype ko haha pero soon malalaman niyo din!

"Oo nga daw bes this Saturday 'yun sa may Colegio De San Agustin daw." 

Sagot ko naman sa kanya habang nag ta-type sa laptop, kain nang kain 'tong Cathy na 'to ubos na naman stock ng pagkain dito sa bahay.


"Ngayon ka nalang ulit makakatapak ng Laguna ha? Handa ka na ba? Haha" 

Oo nga, ngayon nalang ulit. Alam ko namang hindi ko siya makikita dun eh. Sobrang daming manunuod dun panigurado at alam kong hindi niya malalaman yun. Hindi siya nanunuod ng mga ganung bagay. Well, as far as I remember.

"Oo nga e. Ano ba, syempre lagi naman kaming handa kapag may show."

At tumayo na ako dala dala ang laptop ko para lumipat ng kwarto sobrang daldal ni Cathy hindi ako makapag focus sa ginagawa ko. Nakakaloka.

At ito na, dumating na ang araw na muli akong nakatapak ng Laguna. Wala naman akong nararamdaman. Dahil wala naman kaming memories sa lugar na'to. Haha. Maraming tao. Nandito kami sa backstage nag-aayos at nagmi-make up. May mga teachers na lumapit sakin.

"Hello po, pwedeng mag pa-picture?" tumayo naman ako habang inaayusan ako

"Sure po! Tara po."

Maraming shots din tapos bumalik na ako sa kinauupuan ko nang tinawag na kami para mag simula ang show.

"Grabe bes sobrang daming nanuod sainyo nakakaloka! Halos malaglag ka na sa stage habang nakikipag picture sa mga nanuod na estudyante." 

Tapos na ang show at nakabalik na din kami ng Manila, Grabe sobrang napagod ako dun! Parang naputol mga braso ko kakahila nung mga batang nanuod.

"Sobra nga bes. Nakakaloka napagod ako hindi sa play, kundi sa picture taking keme."

Hinanap ko kagad ang laptop ko para i-check yung mga batang nanuod.

87 Tagged you in a post

84 messages received

104 Tagged you in a photo

3 Friend requests

"hI Ate AleX pwedE po BanG pa-AdD hinDi kaNa Po kci Na-aDd ThnX po"

"Hi ate alex ako po yung lumapit sainyo kanina tapos hinug niyo bait niyo po!"

"Ate ang galing niyo po kanina! BaliK po kayo Ulit pls"

"Alex! Congrats sa Show niyo! Balita ko maraming nanuod"

"Ate Alex crush na po kita!"

"Hi alex! It's me. Apollo, nakita kita sa picture ng co-faculty ko nanuod ng show ninyo. Kamusta ka na? Ang tagal na din, Sana okay ka lang. Ingat!"

"Hi ate ang galing niyo pong lahat kanina"

Bigla akong napahinto habang nag babasa ng mga messages ng may nabasa akong familiar na name..

"Hi alex! It's me.. Apollo, nakita kita sa picture ng co-faculty ko nanuod ng show ninyo. Kamusta ka na? Ang tagal na din, Sana okay kalang. Ingat!"

Pinindot ko yung name nung taong nag message sakin.. Apollo Vasquez

Siya nga..

Apollo Vasquez

Apollo Vasquez

A P O L L O V A S Q U E Z

Bakit nag paramdam ka nanaman?

Gusto mo nanaman ako saktan kahit hindi mo alam.

Tinignan ko yung profile niya at biglang tumulo yung luha sa mga mata ko nakita ko yung picture niya na kasama yung babaeng ipinalit niya sakin at may hawak hawak silang baby.

Mukhang masayang-masaya ka na Apollo. Bakit kailangan mo pa kong i-message. Sinusubukan na kitang kalimutan pero bakit parang nananadya ka na huwag kong gawin? Habang sa ganitong pagkakataon, sinasaktan mo na naman ako.





AN://

Hello mga mars!

very very short update hehe

It's me!! your author ;)

Maraming salamat po sa mga nag babasa nito haha!

Tsaka sa mga nag vovote and like and share

Ilang araw din akong hindi nag update haha.

Puro sakit nanaman tong mababasa niyo sorry haha!

Pero sana, nag eenjoy kayo huhu.

Salamat pala kay @ann_dia na ang sipag mag comment haha!
Wag kayo mahiya mag comment ha?

(FIRST TIME WRITER HERE)

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon