Chapter 3

2 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. 5 am na pala, tumayo na ako at naligo, nag ayos ng sarili. Paulit-ulit na ginagawa ng mga pangkaraniwang estudyante. Bumaba na ako pero hindi ko nakita si Mom and Dad. Pero may pagkain na naka handa at may note sa itaas

"Baby girl, we need to leave early. Sorry kung di kami nakapag paalam sayo kagabi. Biglaan! Don't forget your vitamins and lunchbox. Love Mom and Dad"

Si Mom talaga. Kumain na ko at dali daling inayos ang pinagkainan ng marinig ko ang busina sa labas. Andon na ang van nila Chelsea. Kumaripas na ako ng takbo.

"Goodmorningggggg!!" Sabay yakap. So ganon? Ang lakas ng tama. Anong meron? Alive na alive hays.

"Goodmorning, ingay mo!  Agad namang napawi ang malapad na ngiti sa kanyang labi at biglang tumalikod. Pikon talaga hahahaha! Eto talaga yung gusto ko, asarin siya.
Niyakap ko siya at kiniliti. Di siya matagal magtampo. Konting keme lang okay na agad. Yun talaga nagustuhan ko sa ugali niya! Hays

"Tara na nga. Lakas mo talaga mambwusit tas ikaw din mangungulit. Hahahaha"

Katulad ng pangkaraniwang araw. Bumaba kami sa van ng madaming nagkalat ma estudyante. Dumiretso na agad kami sa classroom. Wala pa ganong tao, medyo napa aga ata kami.

"Chelsea, pssst!"

"Oh?"
Napansin kong nagsisidatingan na ang mga kaklase namin at unti-unti ng napupuno ang classroom.

"Nakalimutan ko yung lunchbox ko. Para wala lang naman sakanya.

"Edi sa canteen tayo kakain. Tsss! Hirap talaga niya kausapin pag nagbabasa ng libro.

"Pati vitamis ko. Sabay simangot. Don ko nakuha ang atensyon niya mukang nagulat at kumunot ang noo.

"Whaaaaat?! Sa dami ng pwedeng kalimutan. Bat vitamins pa? Halata sa boses niya ang pagka irita.

"Eh kasi pagka dating mo nagmamadali na ako. Diba? Diba?! Saka vitamis lang naman yon eh. Pwede naman pagkauwi ko. Wala naman akong sakit. Maaga nalang ako uuwi. Napaka o.a hays!

"Sabihin mo pag sumama pakiramdam mo. Okay! Seryoso niyang sabi.

Hindi ko na ganong pinansin yung huli niyang sinabi kasi andiyan na yung propesor namin.
Turo, turo, konting kaalaman. At kaboooom! Break na, minsan naiisip ko. Pumapasok lang ako para maexcite sa break hahahaha. Tumayo na ako kaagad. Nagpaalam ako kay Chelsea na mag pupunta muna sa  cr at mauna na siya.

Tumango naman siya, at sinabing bilisan ko lang.
Lumabas na ako dumiretso sa cr. Paglabas ko hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa maliit na garden. Ang ganda! Hmmm, pinikit ko ang mga mata ko ng biglang narinig ko ang isang pamilyar na boses. Ikinagulat ko yung mga sinabi niya.

"Yes, akong bahala sakaniya. Bro, Wag kang mag alala, alalahanin mo yung kalagayan mo. Magpagaling ka" halata sa boses niya ang pag aalala.

Tinitigan ko siya. Matangos ang ilong niya, May pagka kulot ang buhok na nagniningning kapag natatamaan ng araw. May pagka kulay dilaw pala ito. May hikaw na kulay itim sa kabilang niyang tenga. Bawal yan ah? Mukang adik ew.
Tumayo siya ng nakapamulsa. Nakasuot ng itim na pants at puting polo. Aba't kinulang ng isang botones ang damit. Napa irap nalang ako. Matangkad pala siya hmmm. Pero biglang napatingin siya sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas. Taeng yan!! Paktay na. Lalakad na sana ako palayo ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Wait"
Aba't ang kapal ng muka. Wala siyang karapatan na hawakan  ako tsss.

"Anong problema mo?! Bitawan mo nga ko. Masasampal kita"
Hindi ko alam pero bigla siyang natawa. Nakakainis! Pero cute, ohhhhh. No no no!!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 29, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The NotesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora