Leisha

23 1 0
                                    

Leisha

Fourth Year HighSchool.

My last school year dito sa skwelahan na ito.

Busy ako lage sa pag-aaral dahil gusto ko makakuha ng honor kapag ga-graduate na ako.

I want my parents be proud of me.

Kaya naman ginugul ko lahat sa pag-aaral. Hindi na ako masyadong namamasiyal.

Kahit gusto ko man sumama sa mga kaibigan ko hindi ko naman mapapayag ang utak ko.

Ako si Leisha na simpleng babae lang. Im not nerd pero mahilig ako mag-aral. And syempre sabi daw nila ay "Gorgeous" daw ako. Hindi ako mapiling huh. Talagang sinabi nila yun.

Andito ako ngayon sa hallway naglalakad papunta ng room. At nang nakarating ako sa room ay binati ko lang ang mga kaibigan ko ng "Hi" and then umupo na rin sa aking upuan.

Hindi kame magkakatabi ng mga kaibigan ko dahil sa sitting arrangement. Ang katabi ko ay isang lalaki na napakakulit.

Tatlong taon ko na siya nakasama at ang malala e naging katabi din. Alphabetical orders kase lagi ang sitting arrangement namen e. Tapos hindi pa napapalitan yung mga classmate ko pero may dumadagdag naman kada year.

Para ko na rin siyang boybestfriend. Baket?

Minsan kase sa kaniya ko na nasasabi ang mga problem ko. Nagbibigay naman siya ng matinung advice.

Kilala na rin niya ako sa mga bagay bagay at pati ako kilala ko na rin siya. Ultimo mga favorites and hates niya alam ko e, ganun din naman siya sa aken kaso hindi lahat. May mga secrets pa din ako no.

And minsan din ay naiinis na ako sa kaniya.

Walang ginawa kundi kulit-kulitin ako. Minsan hindi ko nalang siya pinapansin dahil nakukulitan ako sa kaniya.

Pero kahit makulit siya e mabait naman siya saken. Siya lang ang kaibigan kong lalaki dahil halos lahat babae. Minsan nga naiisip ko "Baka may gusto to saken."

Baket ko naiisip?

Kase naman ang over protective niya saken. Kapag may lalapit na lalaki saken e titignan niya ng masama kaya ayun natatakot umaalis.

Tas minsan naman yung mga salita niya minsan may kahulugan iyon.

Tas minsan rin ay tinutulungan niya ako sa mga gawain ko. O kaya naman e papakainin niya ako at bubusugin.

Sabi nga nila...

Action speaks louder than words.

Pero syempre diko naman inaapprove iyong kilos niya na iyon hangga't di siya umaamin saken.

Ayoko mag-assume.

Gwapo siya? Oo. At hindi malabo na magkagusto ako sa taong to. Napakabait ba naman tas pogi pa. San kapa diba?

Nung dumating na ang prof ay nagconcentrate ako sa new lesson niya. Madali lang siya kung makikinig ka talaga ng maayos.

At sa wakas dumating na ang recess. Kakain na ulit ako.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lalabas na sana ng may humapit sa braso ko at sinabing "Sabay na tayo" at saka ako hinila papuntang canteen.

At sino pa ba ieexpect niyong maghihila saken. Malamang yung katabi kong sobrang kulit.

Pagdating namen sa canteen ay umorder na siya nang kakainin namen. And as usal ililibre nanaman niya ako.

Hindi na ako umangal dahil alam ko naman na kahit umangal ako e hindi naman siya magpapatalo kaya sa huli ako ang susuko.

The Man Behind My Back [Completed] (OneShot)Where stories live. Discover now