Chapter 10: Saved

40 1 0
                                    

Lisa's Point of View

"Can I dance with you?" Napatigil ako sa pagkain nang may marinig akong nagsalita sa likod ko. Nagulat ako nang mamataan ko si Nam Joo Hyuk, ay mali, si Xander pala, sa likod ko at matamang nakangiti sa akin.

Napatingin sakin sila Duanne at tumango.

"Hindi kasi ako marunong sumayaw." Syempre, dalagang pilipina kaya't kailangan pachoosy tayo.

"Don't worry. I'll teach you." Saad ni Xander at hinila na ako papuntang dance floor.

Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya at nilagay naman niya ang kamay niya sa bewang ko.

"You're blushing." Napahawak ako sa pisngi ko. Waaaah!

Sumasabay lang ako sa sayaw niya habang nakangiti.

Napatigil ang lahat nang may marinig kaming putok ng baril.
Napatingin ako kay Xander na nagbago ang ekspresyon ng mukha.

Yung sweet na ngiti niya kanina naging evil green.

Kasunod nito ang pagtusok niya ng kung ano sa balikat ko at ang paglabo ng paningin ko.

Bumigat ang katawan ko.

Hanggang sa unti-unti na itong dumilim.

Jaimee Cast's Point of View

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makarating ako sa loob ng auditorium. Kasunod kong tumakbo si Laimher.

Naabutan kong humihikbi si Duanne at mamula mula ang mata ni Maureen.

"Where's Lisa?" Nagpapanic kong tanong sa kanila.

"We don't *sniff* know, *sniff* where she is. Basta *sniff* ang alam ko *sniff* si Xander ang huli *sniff* niyang kasama. *huhuhu*" kahit nahihirapan. Sinagot pa rin ni Duanne ang tanong ko.

Sinasabi ko na nga ba e. Kalaban si Xander. Una pa lang, naamoy ko na siya.

"Sinundan na siya ni Ken." Utas ni Maureen.

"What? Masyadong delikado." Sagot ko.

Napansin kong humahangos na papunta si Cristal sa amin.

"Satana, tumawag na ako sa HQ. Nagsimula na silang maghanap kay Lisa." Saad ni Cristal pero hindi pa rin ako panatag. Baka kung ano ang gawin nila kay Lisa.

"Kailangan ko pa rin siyang mahanap." Inis na sagot ko. Naiinis ako sa sarili ko. Dapat hindi kosiya iniwan.

"Pero paano?" Maging si Cristal ay kinakabahan din.

"I have an idea! Itrace natin ang GPS ng phone niya." Saad ni Maureen at kinuha ang cellphone niya at nagsimulang magpipindot.

"Gotcha! Nakuhakona ang location niya." Anunsyo ni Maureen.

"Tara na. Hanapin na natin si Mellisah." Saad ni Duanne na inihahanda ang sarili.

"No, you can't. Masyadong delikado. Dito na lang kayo." Saad ko pero agad na tumutol si Duanne.

"Bakit ikaw? Pareho lang naman tayo ah? Huwag ka ngang magmagaling." Galit na saad ni Duanne. Nakita kong hinigpitan ni Maureen ang kapit niya kay Duanne. Kumalma naman si Duanne at nakita kong may binulong sa kaniya si Maureen.
My dear Duanne. Hindi niyo pa ako kilala. Hindibniyo pa alam ang kaya kong gawin.

"Let's go Tala." Saad ko at tumakbo papuntang parking lot.

Masyadong kumplikado kapag nagkotse pa kami kaya sa Big bike na lamang ni Cristal kami sumakay.

"Ako na magmamaneho. Ituro mo na lang." Saad ni Cristal at binuksan ang makina.

Tinuro ko sa kanya kung saan papunta ang red dot sa phone na hawak ko.

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon