Astrid's POV
3 days na rin mula nang lumipat kami rito sa Austria.
Ang totoo para akong alien dito.I have no idea about their language, majority of the people here speak German, tss! Malay ko ba sa German language?!
Anak ng tukwa at patatas naman! Paano ako mabubuhay dito?!
Tss! Talagang lumipat pa kami dito para maging mga weirdong Asyano na hindi marunong magsalita ng German! Nakakainis!
Ang totoo...
Wala akong masyadong naaalalang magandang nangyari sakin sa Pilipinas...
Nihindi ko nga maalala kung nagkaroon ba ako ng college friends dun?
Tss! Napakaweird ng utak ko! Hindi pa nga kami nag-iisang linggo dito limut ko na agad ang buhay ko sa Pilipinas?
Hayyyst!
...
Nakaupo ako ngayon sa dining table habang nasa harap ko ang pagkain nasa kabilang seat sina mama at papa.
Tinititigan ko lang sila habang kumakain.
Nilibot ko paningin sa buong bahay.
Ang totoo nakakapanibago.
Akalain mo yun?
Mayaman pala kami?!
"Anak? Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ni papa.
"Ahhh? Hindi pa po ako sanay sa Austrian food... Hihihi" palusot ko.
"Anak hindi naman Austrian food yan eh" sabi ni mama.
Tinignan ko naman kaagad ang pagkain na nasa plato ko.
Tss! Amp. ako kumuha nito pero di ko man lang napansin na adobo pala to?
"Ay?... Adobo pala to? Akala ko kasi something?..... Ewan" sabi ko. Sabay subo ng pagkain sa bunganga.
Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko! I feel so strange. Ang weird ng pakiramdam ko!
Yun bang parang may gusto kang alalahanin pero di mo maalala?
Yung feeling na parang may kulang?
Parang may hinahanap ka?
Na may parteng nawala sa'yo?
Pero?...
Di mo alam kung ANO?
Siguro naninibago lang ako sa lugar. Baka namimiss ko lang ang Pilipinas.
"Anak... Be reminded that you're going to school tomorrow." Sabi ni papa.
"Ah?! Yeah" I know.
"Napadala ko na ang mga gamit mo dun" sabi ni mama.
Hayyyst! Wala na talagang atrasan to!
I'll be starting school tomorrow. Hayyyst! Ang totoo hindi ko pa nakikita ang school na papasokan ko.
Basta ang sabi lang ni papa exclusive school for foreign students daw.
Buti naman kung ganun, ibigsabihin nag eEnglish ang mga tao.
Sinabi din ni papa na dun rin daw nag-aaral ang mga pinsan ko.
'Mga pinsan ko?'
'May iba pa ba akong pinsan bukod kay Agatha?'
Sinabi niya rin na kailangan ko daw umattend ng 'Special Classes' hindi niya naman sinabi kung ano.
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...