PANIMULA

6 0 0
                                    


         Naramdaman ko ang paghigpit ng panali sa aking buhok habang nakatingin sa salamin at sa babaeng kasalukuyang may hawak ng aking buhok na pinaghugpong. Nakikita ko ang mga kamay nyang inuugat na marahil sa pagtatrabaho, ang kanyang mukang may makinis at maputing balat na palaging may nakangiting labi at maitim na mata.

"Ingat ka sa pagpasok"

"Opo, mama." Sabay halik sa kanyang pisngi.

Masigla akong pumasok sa pampublikong eskwelahan sa aming lugar at nakipaglaro sa aking mga kaklase habang bakante ang oras namin.

                                                                             RINGGGGGGGGGG...

Hudyat na tapos na aming klase at oras na para kami ay magsiuwian. Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang mga batang sinusundo ng kanilang mga magulang. Dumiretso na ako sa tricycle na naghahatid sa akin pauwi pagtapos ng aming klase.

"Ma?"

Tahimik ang buong bahay, marahil ay nagpunta na ito sa kanyang clinic sa kalapit na lugar. Binuksan ko ang pagkaing nakahain sa lamesa at nagsimula nang maghain para makakain na. Habang naghuhugas, nadinig ko ang pagbukas ng aming gate at pagbukas ng pintuan.

"Pahingi nga akong pagkain" sabi ng lalaking pumasok na nakasuot pa ng asul na polo na nakabukas ang lahat ng butones at mayroong putting sando sa ilalim nito.

"Saglit lang po" tugon ko

Habang naghahain ako para sa kanya "Nasan ang mama mo?" tanong nya

"Hindi ko po sya inabutan nung paguwi ko, siguro po ay nasa kanyang clinic"

Hindi na sya nagbigay pa ng anumang komento sa aking sagot. Nang matapos syang kumain ay nakita ko syang dumiretso sa banyo bitbit ang isang putting tuwalya. Sinimulan ko ng linisin ang hapag at muling nagtungo sa kusina upang maghugas at ipagpatuloy ang paglilinis ng aming maliit na kusina na nabasa ng tulo ng tubig ng ulan kaninang umaga.

"Aalis lang ako saglit, babalik ako mamaya."

"Saan po ang punta nyo?"

"Basta, bakit ba ang dami mong tanong?"

"Baka po kasi itanong kayo ni mama pagkauwi nya."

"Dyan lang ako, uuwi din ako."

"Sige po, ingat kayo."

             Nagising ako sa isang kalabog at boses na nagmumula sa kwartong katabi ng aking tinutulugan.

"Saan ka nanggaling, ha?!" nadinig kong sigaw ni mama

"Bakit ba ang kulit mo?! Sinabi ko nang umalis lang ako saglit!!"

"Hindi yun ang tanong ko sa'yo!"

"Bakit ba pakielamera ka?!" kasabay ng pagkabasag ng marahil ay isang vase

Isang hikbi ang nadinig ko na nagmumula kay mama

"Akala mo ba hindi ko malalaman?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Alam ko ang tungkol sa babaeng kinakasama mo! Akala mo hindi makakarating sa akin ang kawalang hiyaan ninyong dalawa?!"

Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata sa nadinig at parang pinupunit ang aking dibdib sa sakit ng nadinig mula kay mama. Tuloy tuloy ang buhos ng mga luha sa aking mata at tahimik akong umiiyak sa likod ng pintuan ng aking kwarto.

"Napaka-kapal naman ng mukha mong mambabae! Akala mo ba ikaw lang ang napapagod sa buhay na meron tayo?!" sambit ni mama na punong puno ng pagkamuhi

"Edi lumabas din sayo!!! Na walang kwenta ang tingin mo sakin!!" nadinig kong sagot ni Papa

Wala akong magawa, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Nasasaktan ako na madinig ang lahat ng ito sa kanila. Hindi naman ako humiling pa ng sobra bukod sa maging masaya lang kaming pamilya.

"Wala akong sinabing ganyan!! Bakit?! Ano bang nagging pagkukulang ko sayo?! Ha? Para gawin mo samin ito ng anak mo?!"

"Pagod na ako sa ganitong klaseng buhay!! Bahala ka na sa buhay mo!!"

Bigla akong nabahala sa katahimikang namayani sa aking paligid at naglakas loob akong buksan ang pintuan ng aking kwarto. Para lang makita si papa na bumababa ng hagdanan bitbit ang isang malaking bag. "Papa?" lumingon sya sa aking kinaroroonan, nakita ako ang lungkot at pangungulila ngunit bigla iyong nawala at nagpatuloy syang bumaba ng hagdanan. Lumingon ako kay mama upang humingi ng kasagutan sa lahat ng tanong na nabubuo sa aking isipan ngunit sa kanyang kalagayan nong mga oras na yun ay maging sya'y walang kasagutan.

Iyon na siguro ang pinakamasakit na tagpo na aking nasilayan, dumaan ang mga araw na walang Papa ang nagiiwan ng gate na hindi nakasarado, hindi ko man masabi na malapit ang aking loob sa kanya sapagkat parati syang wala, masakit parin para sakin ang nangyare, dahil akala ko sapat na kami upang mapasaya naming ang isa't isa.


Amarantine YearningWhere stories live. Discover now