Chapter 1

12 1 0
                                    

Lyden's POV


"CONGRATULATIONS,LYDEN!" sigaw nilang lahat.Sina Erol,Benjo,Ronica,Rodeza,Cedric,Kyle at Arjay.Mga kaibigan ko sila.Nagulat nga ako sa surprise nila eh!Akala ko kung saan na ako dadalhin ni Cedric.Yun pala dito rin lang sa bahay.


Ako kasi ang nanalo sa Science Fest sa school.Ayan!Bilang Proud Bestfriends,sinurprise nila ako. Hindi ko nga akalain na malalaman nila, ang balak ko pa naman ay sila ang isu-surprise ko.


"Langya ka,Cedric!Akala ko kikidnapin mo na ako!Muntik na akong mahimatay!" Sabi ko at binatukan naman siya. Napatawa na lang si Cedric at nakipag-high five kila Erol at Kyle.


Nakita ko namang napangisi si Kevin, "Ikaw naman,Lyden!Hindi ka pa nasanay diyan sa nognog na yan!Alam mo namang HOBO [baliw] yan eh!" Sabi ni Kevin at ginulo ang buhok ko. Nagsitawanan naman kaming lahat maliban lang kay Benjo. Ano kayang problema ng gagong to? Parang kanina pa ata tahimik.


"Hoy,Bennie!Ano bang problema mo?Bakit para kang halimaw na hindi nakahanap ng kakainin!" Sabi ni Ronica at hinagisan siya ng Party Poppers.Nabalik naman sa realidad si Benjo. Natawa naman kaming lahat sa ginawa ni Ronica. Mortal na kaaway kasi nila ang isa't isa. Kaya para silang aso't pusa.


"Ha?W-wala.Nag-break na kasi si Ningning atsaka si Onyok" sabi niya nang nakapamulsa.Nagtinginan naman kaming lahat.


"Sino naman si Ningning atsaka si Onyok?" Tanong ni Rodeza


"TANGE!Mga aso nila yun!" Sabi ni Arjay at nilantakan ang spaghetti.


"BALIW KA TALAGA!LUMAYAS KA NA NGA DUN ARJAY!SUBUKAN MONG MAGPAKITA SA AKIN HAHAMPASIN KITANG APARADOR!" Sabi ni Kyle at hinampas hampas siya ng tsinelas.


"NAPAKATAKAW MO ARJAY! LINTEK KA!" Sigaw ni Rodeza at hinampas si Arjay ng stick ng lobo.


"Ang bitter niyo naman.Nagsasabi lang naman ng impormasyon eh!" Sabi ni Arjay at nagkamot ng ulo.Nagsitawanan naman kaming lahat.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay biglang may pumasok sa isip ko.


"A-ahh oo nga pala,brad!N-nasaan sina Mama?Pati sina Ate?" Medyo nauutal at malungkot kong saad.Bigla namang nabitawan ni Ronica yung kutsarang hawak niya habang nahulog naman ni Erol yung basong hawak niya.


A-alam ko na ang sagot.


"W-wala na naman ba sila?O-okay lang.Sanay naman akong wala sila eh" sabi ko at yumuko.Napailing naman si Rodeza at nilapitan ako


"Wag ka ng malungkot,Lyden.Nandito naman kami eh.Papasayahin ka namin forever and for always!" Sabi ni Rodeza at nag thumbs up sa harapan ko.


"Oo nga,Lyden!Kami ang sasama sayo habang buhay." Sabi ni Erol at inakbayan si Cedric.


"Tropa-tropa tayo.Walang iwanan." Sabi ni Cedric at nakipag-high five kay Ronica. Ngumiti naman si Ronica sa akin at tumango.


"Oo!Walang iwanan hanggang sa mamatay si Arjay!" Sabi ni Kyle at pumalpak. Tinignan naman siya ng masama ni Arjay at binatukan. Nagtawanan ang lahat maliban lang kay Arjay.


"WALANGHIYA KA!LUMAYAS KA NA BAGO KA PA MAUNA!" Sabi ni Arjay at hinampas si Kyle ng walis tambo


"Edi shing!" Sabi ni Kyle at ginulo-gulo ang buhok ni Arjay.Nagsilapitan naman na sila dun at nag-rambulan na.Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila.


Sila ang mga kaibigan ko.Sila ang na ang kasama ko since birth.Sabay-sabay kaming pinanganak.Sila yung kasama ko simula noon.Hanggang ngayon na malapit na kaming gumraduate.Hindi nila ako iniwan kahit na..............mabigat ang mga problema niyan.Akalain niyo nga naman!Kung sino ang masayahin,sila pa ang may mabibigat na problema.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko.


Ako si Lyden.Lyden Chloe Cambe.Sabihin na nating mayaman ako.OO!Mayaman ako.Pero kahit katiting na atenseyon mula sa kay mama at sa mga kapatid ko,napakahirap ko.


Minsan nga naiisip ko,tinadhana ba talaga ng Diyos na pagtagpuin kaming magkakaibigan dahil pare-parehas kaming galing sa broken family?O sadyang pinlano lang ang lahat dahil sa huli,kami ang mga talunan.


Kaya nga mahal na mahal ko sila eh!Dahil sila na ang tumayong pamilya ko.Sila.Si Rodeza?Akala mo lang wala yang problema.Pero sa likod ng mga ngiti niyang yan,may mabigat na problemang dinadala yan.Si Benjo?Sus!Akala niyo siguro masaya siya lagi noh?Pwes nagkakamali kayo.Pinalayas yan sa kanila at walang matitirhan ngayon.Si Cedric,Kyle at Ronica?Oo!Sila ang pinakamasayahing tatlo sa Grupo,pero kung alam niyo lang.Pare-parehas na ampon yang mga yan.Kung nakikita niyo lang at alam niyo lang ang trato sa kanila ng pamilya nila,baka malunod kayo sa sarili niyong luha.Si Arjay?Hayy nako!Masaya lang yan dahil ayaw niyang makitang malungkot kami at gusto niyang kalimutan ang oag-iwan sa kanya ng nanay at tatay niya.


"Hayy! Osha tama na nga yan! Kumain na tayo!" Parang tatay na sabi ni Benjo, siya kasi ang pinakamatanda sa amin, kaya siya rin ang tumatayong tatay o kuya ng barkada.


"Opo itay" loko lokong sabi ni Kevin.


Hay.......sana ganito na lang kami habang buhay, yung tipong walang problema at walang gulo. Sana hanggang sa huli kami-kami pa rin ang magkakasama.


Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone ko.


Tinignan ko iyon at nakita kong number lang ito. Sino naman kaya itong nagtetext sa akin? Isang linggo na tong nanggugulo eh.


From: Unknown


Humanda ka, sisirain ko kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lethal Bullets [Action]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon