Prologue

3 0 0
                                    

"Bakit kaba kasi nandito ha? Magpapabida kana naman. Lahat nalang talaga nang pagpapapansin ginagawa mo na e noh! Sana mamatay kana lang para masaya na'ko , para ako nalang. Ako naman. Lagi nalang ikaw! Sana mamatay kana!!"

"Klareeeee!!"
"Nanaginip kana naman." Napatingin ako sa gawing kanan ko. Panaginip lang? Bakit parang totoo? Napahilamos ako sa mukha ko.
"Tungkol saan?" Tiningnan ko si Mama ng nakakunot noo.
"Yung panaginip mo. Tungkol saan or kanino?" Bumangon ako sa pagkakaupo at kumuha ng damit , gusto kong maligo nakaka panibago e. Napansin kong ang linis ng kwarto ko. Kaya pala nandito Siya ng ganitong oras.
"Ngapala. Tumawag si Klare kanina. Nagtatanong kung tuloy daw ba kayo mamaya." Napahinto ako pagkuha kung ano ba dapat ang susuotin ko.
"Pakisabi nalang po na marami akong gagawin. Hindi ako makakapuntan." Wika ko n'ong makapili na ako ng damit. Papasok na sana ako sa cr ng bigla siyang nagsalita.
"Galit ka parin ba sa kaibigan mo? Alam mo naman na wala siyang kasalanan diba? Naniniwala ka na--"
"Pakisabi nalang na hindi ako makakapunta." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina bago tuluyang pumasok sa cr. Ayaw kong marinig ang sasabihin niya. Paulit-ulit nalang. Gusto kong maniwala pero paano?

- - -

*Maghihintay ako kahit alam kong dika darating. Pero umaasa ako. Kaibigan mo ako kaya nandito lang ako. Gusto kong malaman mo na mahal kita, mahal kita kahit alam ko...ramdam kong hindi ka naniniwala. Nandito lang ako , hihintayin kita.*

Napahiga ako sa kama ko sa txt niya. Sa txt ni Klare. Kahit kailan ang kulit niya. Bahala siya maghintay sa wala.

Lumabas nalang ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Nagugutom ako. Pagkatapos kong kumain ay balak kong hugasan ang pinggan na ginamit ko kaya kinuha ko na isa-isa at nilagay sa lababo. Hindi ko ugaling gawin to at ewan ko ba kung bakit pumasok ito sa isip ko. Siguro ay dahil kay Klare. Ayaw kong isipin siya na naghihintay doon. Nakakainis. Bakit ba kasi ang kulit niya?

Nagulat ako ng biglang nag ring yung phone dahilan para malaglag yung basong nahawi ng siko ko. Nagpunas ako ng kamay at saktong sasagutin na sana ang phone ng biglang natigil ang pag ring nito. Bumalik nalang ako sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina at niligpit ang nabasag na baso.

Pagkatapos kong maghugas ay bumalik ako sa kwarto ko , kinuha ko ang loptop ko at binuksan ang fb account ko. Ayaw kong pumunta sa usapan mamin ni Klare kaya ito ang gagawin ko maghapon. Pero...

Napahinto ako sa pag-scroll. Napako ang atensyon ko sa isang litrato. Maraming tao. Pero kita ko yung mga dugo. Hindi ko kita ang mukha pero alam kong siya 'to.

Maraming nag-message sakin sa fb, nag-post sa timeline ko. Tiningnan ko ang cp ko at doon na tumulo ang luha ko. Sa txt niya. Bago siya nawala. Bago niya ko iwan.

"Maghihintay ako ,hindi kita iiwan."

-

Loisa Andalio as Klare Coros
Maris Racal as Loraine Sandoval

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon