Chapter 2

9 1 0
                                    

Sydney POV:

0///////-////////0
Kyaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!

May manyak na nangyakap sa akin

"ARAY!"

Napasigaw siya

"ANO BA MALIYA, ANG HILIG MONG MANIPA SA ARI NG IBANG TAO!" Sigaw niya sa akinANO BA MALIYA, ANG HILIG MONG MANIPA SA ARI NG IBANG TAO!" Sigaw niya sa akin

Aba siya pa talaga ang may ganang magreklamo. Ehh ang hangin din nman pala ng mokong na ito.

"Miss ginugulo ka ba ng lalaking ito?"

Tanong sa akin ng isang lalaking lumapit.

Napatingin ako sa kanya.

Oh la la... ang pogi niya 😍

Siya na ba ang prince charming na matagal ko ng hinihintay? Kyaaahhh!!! Kinikilig ako

"Opo. Hindi ko nga po siya kilala. Baka mamaya rapist yan, o kaya serial killer, o baka nman serial rapist. Huhu." Syempre kailangan kong magpaawa effect. Parang damsel in distress kuno.

"Bakit mo siya ginugulo?" Sabi ng lalaki kay mokong.

"Ano bang pake m- ... teka? Laksan? Ikaw ba yan?" Sabi naman ni mokong

"Sinong laksan?" Tanong ng lalaki, "Nababaliw ka na siguro. Alam mo bang labag sa batas ang ginawa mong pagyakap sa kanya? Pwede kang makasuhan ng harrasment." Wow naman mukhng matalino c guy..

😍😍😍😍😍

"Te-teka? D kita maintindihan? Anong sabi mo? Ha-ra? Ano yun?" Takang takang tanong ni mokong

-_- yung totoo? Saang mundo ba siya galing?

"Ako ba pinagloloko mo?" Sabi nman ni Cutie pie kay mokong mukhang napoprovoke na. "Gusto mo bang ipakulong kita? At isa pa anong klaseng kasuotan ba yan? Baka kailangan kang dalhin sa mental hindi sa kulungan." Dagdag niya.

"A-ano? Pareho kayo ni Maliya na kakaiba ang sinasabi! Wala akong pake sayo Laksan! Si Maliya ang ipinunta ko dito!" Sabi ni mokong sabay hawak sa kamay ko

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Pagpupimiglas ko

"Hindi! Hindi ko alam kung anong nangyari sa yo at kung papaano ako nakapunta dito ngunit kasama na uli kita kaya hindi kita bibitawa-"

Napatigil siya nung cnuntok siya ni Cutie pie.

"ANO BA!" Sabi ni mokong sabay ganti ng suntok sa kanya.

Marami ng nakapapansin sa pangyayaring ito. At maya maya ay may dumating na mga pulis.

"Anong kaguluhan to?!" Tanong ng isa.

Inawat nila sina cutie pie at mokong.

"Yang lalaking iyan! Hinaharass ang babaeng ito." Sabi ni cutie pie na nagdudugo pa ung labi.

"Totoo ba yun?" Tanong ng isang pulis kay Mokong, " Bakit ganyan ang kasuotan mo? At ano itong dala dala mo?"

"BITAWAN NIYO AKO! SINO BA KAYO?! BAT ANDAMI NIYONG TANONG?!" sigaw naman ni mokong sa mga pulis yung totoo? Saang planeta ba ito galing?

"Mga pulis kami." Sabi ng kasama niya habang pinoposasan si Magiting. " Sumama ka sa amin sa presinto."

Sapilitang isinakay nila si Mokong.

"Ayos ka lang ba?" Tanong n cutie pie sa akin.

Nakita ko ang mukha nia. Nagdudugo ang labi niya.

Ang Maharlika at Ang Dilag-3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon