Axen P.O.V
Ding!Dong!
Pindot ko sa doorbell pero wala paring bumubukas ng pinto.
-_-
Isa akong pizza delivery girl. Actually summer job ko lang toh! Sa hirap ng buhay no! Tss.....kailangan ko pa kasi mag-ipon ng tuition para next year.
Back to topic...kanina pa ako dito naghihintay. Nagdedelivery ako ngayon sa isang costomer. Costomer na sinasayang oras ko.
May narinig akong pag-aaway sa loob. Oh my! Nag-aaway ang isang babae at isang lalaki! Paano ko nalaman? Napakingan ko bosses nila.
Mas inuna pa talaga ang pag-aaway kaysa sa kunin ang pizza na hawak ko? Nakakapagod kaya tumunga-nga dito sa may pinto.
-_-
Pagkatok ko bumukas bigla ang pinto at........
.
.
.
nahakan ko ang abs ng lalaking topless. Na siyang nagbukad ng pinto! What the! Nakakahiya! Inalis ko agad ang kamay ko.Pero guys! 6 pack ah! Ay ano ba tong pinagsasabi ko! Mamaya ka na lumandi Axen! Nasa awkward stage tayo.
A....ah s...sorry,p...pizza delivery here!,bakit ngayong ka pa na tameme! Mas naging awkward tuloy.
Pero di ako makiawas ng tinggin sa abs guys! Pandesal nato! Sige na...malandi na ako! Eh ano magagawa ko? Nasa harap kp ang 6 pack na abs at nahawakan ko pa kanina! Sinong hindi matatameme doon? Papatayin ko! Joke lang good girl po ako.
(Author: wag kayong maniwala jan hahahah)
Oh ano tinitingin-tingin mo sa abs ko? Baka laway mo tumulo,sabi niya with sarcastic voice. Sungit! Purket may abs! Che!
May abs nga sungit naman...tss,pabulong kong sabi. Pabulong lang syempre. Kung marinig niya edi patay ako. Kaya pabulong nalang.
Anong sabi mo?,tiningnan niya ako ng walang emosyon. Tao ba toh? Badboy lang ang peg? Ganon?
Sabi ko nga wala. Pizza mo! Bayad mo!,sabi ko sabay abot sa kanya. Kanina pa kasi di kinukuha. Pagod na ako!
Tss...maghintay ka!,kinuha niya ang pizza at sinirado ang pintuan ng malakas. Bastos!
Binuksan niya ang pinto at ibinato ang pera. Really? Ganoon talaga ako tratohin?
-_-
Alis ka na! Nag-aaway pa kami! Kung ayaw mong madamay, syempre ako kumaripas na ng takbo! Ayoko madamay no!.
Pinaandar ko na ang motor dahil may eh de-deliver pa ako na naantala dahil sa gagong yun.
Pagkatapos ng trabaho umuwi na ako. Kapagod! Tss...kung mayaman lang ako di ko na kailangan gawin to!
Pag-uwi ko sa bahay nakita ko ang kuya Ethan kung nakahilata at kumakain,oo nakahiga habang kumakain. Sarap ng buhay.
Baka mabilaukan ka,tumawa naman siya. Tss..
Di noh!,bigla nalang umubo. Yan na nga bang sinasabi ko eh.
Yan kasi eh,ubo parin siya ng ubo. Syempre nagpanic na si ako. Sa sobrang panic ko,sinuntok ko nalang siya sa tiyan. Yung malakas talaga. Hindi ba yun ang ginagawa?
Aray! Nagbibiro lang naman ako. Mamatay pa siguro ang taong ililigtas mo dahil sa suntok,nagbibiro lang siya?! Halos himatayin na kaya ako sa kaba!
Yan napapala ng mga manloloko,ngumisi naman siya ng nakakaloko habang ako pokerface.
Bigla namang dumating sila mama at Alliyah. Kasama rin nila si tita. Bakit kaya?
Ma si Axen humugot! Yan daw napapala ng manloloko,tiningnan ko naman siya ng nakakatakot.
Kuya gusto mo isugod sa ospital ngayon?,nagpeace sign naman siya. Ganyan talaga kami,pamilya baliw hahahha joke lang.
Wag mo na yang asarin ang kapatid mo. Sige ka marunong ng martial arts yan,nagtawanan naman sila mama at tita.
Marunong talaga ako ng martial arts. Tinuruan ako ni papa noong buhay pa siya. Shit naalala ko na naman.
May sasabihin pala ako sa inyo,tumingin naman kami ni kuya kay tita.
Ako na ang magpapa-aral sa inyo,may ngiting gumuhit sa mga mukha namin. Im so happy!!!
Kaso lang mga anak. Doon kayo titira kasi may dorm doon,ang mga ngiti ay napalitan ng lungkot.
Wag kayong malungkot para naman sa inyo toh eh. Di na kayo lalabas sa school na yun dahil may mall,restaurant at mga cafe doon. Bukas kailangan niyo na pumunta doon. Dahil sa monday klasi na,sabado ngayon kaya sunday na bukas. Tumango naman kami. I guess this is the best for us.
-----------------
Kinabukasan~
Gising na Axen! Maya-maya nandiyan na si tita,I need more beauty sleep! Ugh! Umikot ikot ako hanggang sa...
Boom!
Hulog ako sa higaan. Nagtawanan naman sila. Tumayo naman ako. Sakit ng balakang ko. Katangahan ko talaga!
I do my morning routine. Pagkatapos dumating na si tita. Its time to say goodbye.
Umalis kami ng maluha-luha,ay hindi pala umiiyak talaga kami.
Pinagdrive kami ni tita. Sumakay din kami ng barko. Pagmamay-ari daw ang barkong yun ng may-ari ng school.
Nasa isang pribadong isla daw ang paaralan namin. Oo isla!
Nasa isla na kami. Isa lang ang masasabi ko paraiso! White sand,blue beach and sariwang hangin.
Nilakad namin papuntang DHS University. Yan daw ang bago naming paaralan. Puro puno lang ang nakikita ko.
Sa wakas! Natagpuan na rin. Napakataas ng bakod at pagpasok namin black and white ang theme pero hindi pa luma ang mga gusali para nga itong bago pa eh. Nakakatakot lang dahil black and white ang theme.
Kayo na ba ang transferee?,tumango naman kami. Isang napakagandang babae ang nasa harap namin ngayon. Hiya ako sa itsura ko bess.
Sila po. Iiwan ko na po sila sa inyo,umalis na si tita at kami naman papuntang principal office. Bitbit namin ang mga bagahi namin.
Pagpasok namin sa principal office umupo na kami. Di ko alam kung matatakot ako o magagandahan ako sa kwartong ito.
Hi Im Miss Kate,ako ang principal dito. Let's talk about the rules. Rule 1 bawal magpost tungkol sa school. Pangawala wala kayong sasabihan ng nangyayari dito sa school. Pangatlo Bawal lumabas ng school hanggang hindi nag-end ang school year. Yan lang muna,tumango naman kami.
Binigay niya sa amin ang uniform namin at susi sa dorm. May limang tao daw kada kwarto. Masaya naman ako atleast hindi malungkot. Lumabas na kami ng principal office.
Kuya Ethan,ikaw na maghahatid kay alliyah sa dorm niya?kahit daw preschool palang at elementary ay may dorm na. May nagbabantay at nag-aalaga daw doon sa kanila.
Oo ako na. Pumunta ka na sa dorm mo,tumango naman ako. Wala pang masyadong estudyanting naglalakad. Sabi ni Miss Kate nasa mga dorm pa daw sila.
Bingyan din kami kanina ng pera ni tita for the whole school year.
Habang papunta na ako sa dorm nasira ang zipper ng maleta ko.
-_-
Matagal na kasi to,mga seven years na siguro tong hindi nagagamit. Actually kay papa to kaso di na nagamit simula ng namatay siya. Nung buhay pa kasi siya lipat kami ng lipat ng bahay. Ewan ko ba kung bakit.
Back to the topic. Binubuhat ko nalang ang maleta ko pero habang naglalakad ako may bumanga sa akin. At yun nabitawan at natapon ko ang maleta ko.
Seriously?!
Lumipad ang mga laman ng maleta ko and worst is nandoon ang mga panloob na kasootan ko. In short ang mga bra at panty ko nagkalat sa daan. Buti nalang wala pang estudyanting naglalakad.
-_-
YOU ARE READING
A BLOODY LOVE STORY
Mystery / ThrillerA normal school in the morning but when the sun is. The demon is awake and the school becomes bloody