CHAPTER 44

1.2K 84 59
                                    

CHAPTER 44

Tumakbo agad ako palabas ng CR nung narinig ko yung pag-iyak ni Yoonji. Buti na lang at tapos na ako magsabon pero basang basa pa rin ako. Tinignan ko sya sa crib at nakita kong nagwawala yung anak ko.

"Ssh. Wait lang Yoonji." Sabi ko na para bang maiintindihan ako ng anak ko. Natataranta na ako sa paghahanap nung bola nya nung napadaan ako sa salamin at nakita kong wala akong suot na damit kaya bumalik agad ako sa CR.

Nag-towel muna ako bago lumabas ulit ng CR. Nahanap ko na yung bola na nasa ilalim ng crib ni Yoonji at binigay ko na yon sa kanya pero hindi sya tumitigil sa pag-iyak, "Anong problema, Yoonji? Gutom ka na ba?" Tanong ko.

Binuhat ko si Yoonji at bumaba kami para pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas nya saka binigay sa kanya, "Malapit ka na mag-1 year old. Do you want to see her?" I asked Yoonji. Natahimik si Yoonji nung binigay ko na yung gatas nya.

Napangiti ako, "You want to see your mom."

Kumuha ako ng damit pampalit ni Yoonji pati na rin yung diaper nya. Binalik ko sya sa crib at nagbihis na ako ng damit.

Sa sobrang gusto kong maging mabuting ama, nakita na ako ng anak ko na hubo't hubad.

Naglagay ako sa isang bag ng mga gamit ni Yoonji. Kinarga ko na sya papunta sa kotse at dumiretso kami sa sementeryo para dalawin si Seulgi.

Bumili muna ako ng bulaklak na gustong gusto ni Seulgi bago ako pumunta sa kanya kasama yung anak namin.

Umupo ako para maayos ko yung mga bulaklak. Binaba ko si Yoonji para hayaan syang maglakad pero umupo sya sa lap ko para tignan yung mommy nya.

Kinuha ko yung kamay ni Yoonji at winave ko yon para kunwari ay kumakaway sya kay Seulgi, "Hi, mommy." Sabi ko.

"Nakikita mo ba yung anak natin ngayon? Malapit na syang mag-isang taon. Nakapagsalita na rin sya. Tinawag na nya akong dada." Sabi ko at bahagyang tumawa nung naalala ko yung oras na yon, "Pero nung sinabi nya yung salitang mama, bigla akong nalungkot. Siguro sobrang saya mo kapag narinig mong tinawag ka ni Yoonji na mama."

"Hindi ko nasabi sayo at nagsisisi akong hindi ko nasabi sayo to noon... I consider you as my daughter's mom. Hindi ko lang sya anak, anak mo rin sya. At pinapangako ko sayo na magiging mabuti akong ama kay Yoonji."

Nag-stay muna kami ni Yoonji saglit sa sementeryo bago kami dumiretso sa bahay nila Jin hyung. Si Namjoon hyung lang kasi yung pumunta sa resort kaya nasa bahay lang si hyung kasama si Mingyu.

Pagpasok ko sa gate nila, nakita ko agad si Jin hyung na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo sa garden nila samantalang si Mingyu naman, nagsi-swimming.

"Hyung!" Pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin at agad na napangiti nung nakita nya si Yoonji.

"Yoonji!" Narinig ko namang sigaw ni Mingyu. Umalis sya sa pool at tumakbo papunta sa amin ni Yoonji at yayakapin nya sana yung anak ko kaya hinawakan ko yung mukha ni Mingyu.

"Mababasa anak ko. Lumayo layo ka ha!" Sabi ko. Napanguso naman si Mingyu sa sinabi ko. Lumapit na ako kay Jin hyung at iniabot sa kanya si Yoonji. Binigay ko rin sa kanya yung mga gamit ng anak ko.

"May pupuntahan lang ako, hyung. Susunduin ko na lang mamaya dito yung anak ko." Sabi ko. Tumango naman si Jin hyung at nagsimula na syang makipaglaro sa anak ko.

Umalis na ako sa bahay nila Jin hyung at dumiretso sa kulungan kung saan nakakulong si Adrian. Simula nung namatay si Seulgi, si Adrian na mismo yung lumapit sa mga pulis at inamin nya yung kasalanang nagawa nya. Ngayon ko pa lang sya dadalawin dahil marami akong gustong malaman.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon