We will seek the truth and will endure the consequences. – Charles Seymour.
Ellie's POVKompleto kami ngayon. Gaya ng dati dun pa rin kami sa aming favorite hideout.
"Truth or consequence tayo" ang yaya ni Mike.
Hindi ko alam kung bakit ayon naman ang naisipan niyang laruin. Patay ako nito baka hindi na ako makalusot ngayon. Baka ito na ang araw na mububuking na ang sekreto ko. Huwag naman sana.
"Okay gusto ko rin yan" ang sabi naman ni Rea.
"Sige sandali lang kukuha lang ako ng bote." Lumabas si Kristoff para kumuha ng bote.
Umupo na kaming lima sa sahig na nakapaikot. Magkatabi si Mike at Andrew. Ako naman sa gitna ni Rea at Katie. Pumasok na si Kristoff dala-dala ang bote ng softdrinks. Umupo sya sa gitna ni Andrew at Katie.
"Okay, game na tayo ha? Ako na ang mag papaikot ng bote" ang sabi ni Kristoff. Pinaikot niya nang malakas ang bote.
Kinakabahan ako. Sana wag sa akin tumapat ang bote. Unti-unti nang humihina ang pag-ikot ng bote.
Naku po, please, please lang wag po sa akin. Kung truth ang pipiliin ko baka itanong sa akin kung sinong crush ko. Hayyyy....hindi yun pwede mangyari. Kung consequence naman baka pasayawin nila ako. Siguradong pagtatawanan din nila ako dahil para akong tuod kung sumayaw. Ayan na hihinto na ang bote. Tatapat pa yata sa akin....waaaggg...waaaagggg. At huminto sa tapat ni Rea. Hay, salamat. Nakaligtas ako ngayon.
"Truth or consequence?" tanong ni Mike.
"Truth!" ang nakangiting sagot ni Rea.
"Ako magtatanong" ang sabi ni Kristoff kay Mike.
"Sige, anong tanong mo Kris?" ang tanong ni Mike.
"Sinong crush mo dito, Rea?" ang tanong ni Kristoff kay Rea.
Hawak-hawak ni Mike yung kamay ni Rea na magka-cross ang mga daliri. Unti-unti niyang pinisil ang kamay ni Rea.
"Si Mike!" ang sagot ni Rea.
Binitawan ni Mike ang kamay ni Rea.
"Ano ba yan? Wala man lang paligoy-ligoy sagot agad" napakamot sa ulo si Kristoff.
Nagtawanan kaming lahat.
"Patatagalin ko pa ba yun e crush ko naman talaga si Mike" kinikilig na sagot ni Rea kay Kristoff.
BINABASA MO ANG
They Called It Puppy Love
Teen Fiction"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie Magkababata, magkalaro, at mag best frien...