33 ♥ Kidnapped

5.3K 116 11
                                    

Author's Note: 2 chapters na lang then Epilogue na! O.O ;">

VOTE & COMMENT tayo!~ :D

_____________________________________________________


Chloe's POV


Namimili ako ng isusuot ko sa dinner mamaya. Medyo sosyal pa man din yung napili kong restaurant nakakahiya naman kasi kay Congressman! Kinuha ko yung peach dress ko. Pero dahil di ko talaga keri mag heels kaya nag sneakers na lang ako. Astig yan! xD


Sinuot ko rin yung angel halo pendant na regalo sakin ni Ryker. Napangiti ako pag tingin sa salamin. Just perfect! ;)


Naabutan ko pa si ate Cassie sa may garden. Inirapan lang nya ko sabay bumulong dun sa kausap nya sa phone.


Halos dalawang linggo na rin kami hindi nag-uusap at nagpapansinan. Wala akong ginawa kundi habulin sya para makipag-ayos pero galit na galit sya sakin. Siguro tamang bigyan ko na lang sya ng sapat na panahon para makapagpalamig. Sana huwag syang tuluyan mabulag ng galit at makita nya yung side namin.


Buo na ang desisyon ko. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin. Sa totoo lang.. Kayang-kaya ko i-sacrifice ang sarili kong kaligayahan para sa kapatid ko. Ngunit ang ipagkait kay Ryker ang pagkakataon na maging masaya ng tunay at lubos sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya? Isusumpa ko na ang sarili ko kung magiging dahilan pa ko ng pagiging miserable nya.


Mahal na mahal ko si Ryker. Hawak-kamay malalampasan namin ang mga pagsubok. Naniniwala ako nakatadhana kami sa isa't isa.


Lumabas ako ng gate at naglakad palabas ng village namin. Supposedly, 6pm pa kami magkikita ni Ryker pero magkita na daw kami ng 4pm may surpresa daw sya sakin! Excited na kinakabahan ako sa kanya eh. Kahapon dinala nya ko sa sementeryo ngayon kaya saan?? O.O Napaka unpredictable pa man din ng taong yun!


Huminto yung kotse ni Ryker sa harapan ko. Nag-intay ako ng mga ilang segundo pero hindi talaga sya bumaba para pagbuksan ako ng pinto! Wala talaga sa vocabulary nito ang pagiging gentleman! Pero ewan ko ba kahit ganun gustong-gusto ko sya.


"Hey." Nakakunot yung noo nyang bumati sakin. "Bakit ang tagal mo pumasok?"


Napaikot na lang ako ng mata. "Wala!" Kinabit ko yung seatbelt ko. Sinamaan ko sya ng tingin. "Saan mo ba ko balak dalhin ha?"


Ryker just answered me with a mischievous smile. Ang tamad talaga nito magsalita! Dapat nung bata si Ryker pinakain sya nung ano ng baboy! Bwahaha.



Bumaba kami ng kotse. Tiningnan ko yung paligid. Tama ba tong napuntahan namin?


Nilingon ako ni Ryker. "Are you coming or what?!"


Nasa unahan kami ng isang RECORDING STUDIO.


I gave him a confused expression. "Anong ginagawa natin dito?"


My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon