Alam niyo na ba yung feeling na minahal kayo ng taong mahal mo? Hindi ba ang saya? Yung paggising sa umaga siya na agad ang hinahanap mo. Siya na agad ang gusto mong mayakap at mahalikan. Yan ang pagibig, laging ito ang bumubuo nang mga araw mo. Yung feeling din na nagpapalitan kayo ng mga sweet words tuwing pagtulog at paggising. Hindi nawawala yung, "I love you" "I miss you" "Mwuaaah" "Forever, you'll be in my heart".
"DJ, gising ka na, maaga tayong aalis diba?"
Hi. Ako nga pala si Daniel John Ford Padilla, pero mas sanay ako DJ ang tinatawag nila sa akin. At eto na nga ako, kagigising ko lang. Pagkatapos kong maligo at kumain sumakaya na agad kami sa van. Habang nakaupo sa van, nakikinig ng love song. Nakakaiyak naman yung tugtog. Hep! Baka sabihin niyo nababading ako ha? Hahaha.
Pero, ayun na nga. Habang nakaupo ako, mayroon akong naaalala. Napangiti ako, dahil naalala ko yung girlfriend ko, si Kathryn Bernardo. Sa kanila nga kami pupunta nagayon e. Ang tawag ko sa kanya "Beb". Napakaganda niyang babae. Mabait. Matalino. Caring. Thoughtful. Friendly. Nasa kanya na nga ata lahat eh. Kaya sobra akong nainlove sa kanya. Pero hindi naman yun yung mga dahilan kung bakit minahal ko siya. I just love her, for no reason. And I'm sure, I will love her for the rest of my life.
*flashbacks*
"Krriiiiiing! Kriiiiinggggg!" nagising ako bigla dun ah. "Hello?" halatang bagong gising pa yung boses ko.
"Hi Beb! Nagising ba kita? Just wanna say, Happy 3rd anniversary! I love you so much! ♡" ang sweet talaga ng gf ko. And yes, 3 years na kami. Tagal na noh?
"Happy Anniversary din Beb! Hindi mo naman ako nagising. Sweet mo talaga. Wala man lang ba akong kiss? :))"
"Si beb talaga oh." nagbu-blush naman siguro yun. Haha.
"Sige beb. I'm hanging up. 7pm. ******* Garden. Love you." yes! may date kami kanina. may surprise ako sa kanya.
"Bye beb. Love you too".
Having her is the greatest gift I've received from God.
She gave me all her love and loyalty.
She's the only girl I want to get married.
She's my life.
And she's mine. And I'm hers. Forever and ever.
Nagready na ako para sa surprise anniversary gift ko for her. Nagbihis ako ng maayos. Nakaformal attire ako. At naitext ko naman na pati sa kanya na magformal dress din siya ngayon. Para maganda. Pero kahit ano namang suot niya maganda siya e. Para partner lang talaga kami ngayon. Hahaha.
"Excuse me, is everything set na ba?" tanong ko sa mga nirentahan ko para sa ocassion na ito.
"Yes, sir. Don't worry. Everything will be perfect tonight. Goodluck po." sabi sa akin. Actually cousin ko yung may idea nito e. Haha.
"Lights off na po sir ha?" sabi nung isang girl.
"Okay then." sabi ko. Ang formal ko noh. Haha.