Gwen's POV
Ngayon ang araw ng anniversary nila Caleb. Halos 7 years narin silang nagsasama. Ngayon din ang araw na mag popropose ito sa kaniya. Sa hinaba haba ng panahon ng pagsasama nila ay marami na silang pagsubok na pinagdaanan. High school pa lang sila noon ng mag umpisang maging mag kasintahan ay pinatunayan na sa kaniya ng binata ang totoong pagmamahal nito.
Hindi niya mapigilang mapatili sa higaan. Nasa edad bente dos na siya pero pakiramdam niya ay parang isa parin siyang teenager.
Kaagad siyang bumangon sa higaan at dumiretso sa banyo. Sa sobrang excited ay mabilis siyang natapos sa pag-aayos sa sarili. Nang bumaba siya sa sala ay kaagad niyang hinanap si Caleb.
Baka mamaya may surprise lang ito-- naisaisip niya tsaka napangiti. Mahilig kasi sa surprise ang binata.
"Manang?" Tawag niya sa katulong. Mabilis namang lumapit sa kaniya si Manang Seli na may dalang walis.
"Bakit hija?" Nakakunot na tanong nito.
"Nasan ho si Caleb?" Nakangiting tanong ko.
"May pinaiwan lang siyang sulat doon sa kusina. Kukunin ko ba?" tanong ni Manang at aktong aalis. Mabilis ko naman siyang napigilan.
"Naku! Ako na ho ang kukuha." Masayang saad ko tsaka nauna ng tinungo yung kusina. Sa lamesa ay nakita ko agad ang sulat na tinutukoy ni Manang. Napangiti naman agad ako habang binubuksan yung sulat.
Babe, Happy Anniversary. Sorry kung hindi ako nakauwi sa bahay. Medyo busy kasi ako sa office but i promise na babawi ako. Don't worry about me, i love you.
pagkabasa ko nun ay parang nalungkot ako konti. Feeling ko kasi hindi siya mag popropose sakin. Isa pa, pwede naman siyang tumawag sakin. Napabuntong hininga nalang ako at nagpunta ulit sa sala.
"Hija, may tumawag kanina sa telepono. Ang sabi nasa apartment daw si Caleb." Biglang sabi ni Manang sa likuran ko. Napakunot agad ang noo ko
"Ganun ho ba? Sige ho at pupunta nalang ako dun." Sabi ko naman at nagmadali tinungo ang garahe. Pagkasakay ko sa kotse ay pinaandar ko na agad ito. Habang tinatahak ang daan ay hindi ko mapigilang mapaisip.
Ano kayang ginagawa ni Caleb sa apartment niya?
Mabuti nalang at tatlong subdivision lang ang pagitan nung apartment niya sa bahay namin kaya mabilis akong nakarating.
Pagkapark ko palang ng kotse ko ay kaagad kong tinungo yung apartment ni Caleb. Excited narin akong surpresahin siya. Mabuti nalang din at may susi ako ng apartment niya. Pagkapasok ko loob ay tuloy tuloy ako sa kwarto niya. Dahil narin sa excitement ko ay hindi ko na kinatok ang pinto ng kwarto niya at dire-diretso lang na binuksan. Pero nawala ang ngiti sa labi ko sa nasaksihan. Naramdaman ko agad ang panghihina ng tuhod ko at ang namumuong galit sa loob ko. Naibagsak ko yung hawak kong bag kasabay ng luhang pumatak sa mga mata ko. Nang maalimpungatan sila ay parehas silang nagulat ng makita ako.
"G-gwen... Uhmm.. l-let me explain." Nag-aalalang sabi niya.
"Fuck?! Explain?? Ano pang i-eexplain e kitang kita ko na!? Sa best friend ko pa!? Mga walang hiya! Manloloko ka! Ako pa naman sana ang magsusurprise pero ako pa ang nasurprise niyo! I HATE YOU! MAGSAMA KAYONG DALAWA!!" sa sobrang galit na naramdaman ko ay mabilis akong tumakbo palabas ng apartment niya. Mga walanghiya! Manloloko! Punyeta sila!
"GWEN!" narinig ko pang tawag ni Caleb sa akin pero hindi ko na pinansin. Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar. Hindi ko alintana ang luhang sumasagabal sa mukha ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit,Sakit at lungkot.
Biruin mo nga naman. Lolokohin ka nalang tinaon pa sa Anniversary niyo? Nakakagago diba?
Sa isang kalsad hininto ko yung kotse ko. Bumaba ako doon habang patuloy parin sa paghagulhol.
S-sana hindi ko nalang binigay lahat ng pagmamahal ko kung alam ko naman na masasaktan lang ako ng ganito! Kung pwede lang maitama ko ang lahat.... kung pwede lang bumalik sa nakaraan...
Bigla akong napahinto ng may isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sakin. A-anong nangyayari?
*SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEETCH*
*BOOOOOOOOOOOOGSSSHHHHH*
---
BINABASA MO ANG
Broken Past (On-Hold)
Teen FictionThey said pag nagmahal ka dapat sobra. Totoo ba? Gwen once believe in fairy tail when he met Caleb. Minahal niya ito ng sobra at halos ibigay na niya ang lahat para dito pero sabi nga nila walang 'forever'. Nawasak ang lahat ng pantasya niya ng ma...