Gwen's POV
"GWEN!"
"Hey!"
"GWEEEEEN!"
Bigla akong napabalikwas ng bangon ng maramdaman yung pagalog sa katawan ko. Kaagad kong nilibot ang tingin sa paligid. Napakunot ang noo ko sa nasaksihan.
"Where am i?" Takang tanong ko.
"Omg!? Nabuang kana ba girl? Natamaan ka lang ng bola napraning kana." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Naparoll eyes ito. Bigla akong napaatras ng makita si Abby na nakasuot ng uniform.
"Bakit ganyan suot mo?" Tanong ko agad sa kaniya. Ang weird. Ang tanda na niya feeling teenager parin nakita kong nangunot ang noo niya.
"Seriously Gwen? Nagkaroon ba ng diperensya yang utak mo? Malamang nasa school tayo kaya naka uniform." Litong turan niya. Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-anong nangyayari? Teka! Bakit ganun? Wala akong maalala?
Nangunot lalo ang noo ko dahil sa pilit kong inaalala ang nangyari sa akin. shit! Now i remember! Niloko ako ni Caleb at Monique! Pero bakit? Anong ginagawa ko dito? Nanaginip ba ako? Bakit naging high school ulit ako!?
"HOY GWEN!!" Natigil lang ako sa pagiisip ng bigla akong hampasin ni Abby. Tinitigan ko siya ng masama.
"Ano bang problema mo? Bigla ka nalang nanghahampas!" Sita ko sa kaniya. Tinaas niya lang yung kilay niya.
"Hello? Sino kayang buang ang tumanganga diyan na parang ewan." Sabi naman niya. Muli kong nilibot ang tingin ko tsaka tumayo sa kama. Nasa clinic yata ako.
Ilang sandali lang ay may biglang pumasok na babae at dalawang lalaki sa loob. Dinambahan agad ako ng yakap nung babae.
"Gwen! Im so worried about you. Kamusta kana? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang saad nito. Nangunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar niyang boses. Nang marealize ko kung sino siya ay agad ko siyang tinulak at masamang tinitigan. Nagtataka naman niya akong tinignan.
"Ang kapal ng mukha mo! Nagawa mo pang magpakita sakin matapos niyo akong pagtaksilan!" Gigil na sigaw ko. Natulala naman siya sa sinabi ko. Napatingin naman ako dun sa dalawang lalaki at halos manginig ang buong katawan ko ng makita si Caleb. Pinulot ko naman agad ang bag na nasa gilid ko at binato kay Caleb. Sapol ito sa tiyan.
"Isa ka pa! Manloloko kang hayup ka! Nagawa mo akong ipagpalit at sa best friend ko pa! ASSHOLE!" hindi ko na napigilan ang galit na naramdaman ko. Parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko.
"Gwen? Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Monique sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa biglang may humampas sa ulo ko.
"Aray!" Daing ko ng maramdaman yung bag na humampas sa ulo ko.
"Gwen malala kana! Ano bang nangyari sayo? Naalog ba yang utak mo at kung ano-ano na yang pinagsasabi mo?" Kunot noong turan ni Abby. Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya.
Oo nga pala... nasa past ako ngayon kaya wala silang alam.
Kinalma ko muna ang sarili ko at bumuga ng hangin.
"Sino bang nagbato ng bola sa ulo ko?" Pag-iiba ko ng tanong. Mukha namang nagbago yung atmosphere sa paligid. Napatingin ako kay Monique. Iba ang ayos niya kumpara sa Monique na kilala ko. Napailing nalang ako.
"Nahimasmasan kana ba?" Tanong pa ni Abby. Napatango naman ako.
"Akala ko kung napaano kana. Sorry Gwen kung may nagawa akong kasalanan sayo." Naluluhang turan ni Monique at lumapit sakin. Ngumiti lang ako ng pilit at tinap siya sa balikat.
"Sorry din." Sabi ko nalang. Napatingin naman ako sa direksyon ni Caleb.
"Sorry din." Sabi ko kay Caleb. Tumingin naman siya sakin at ngumiti pero iniwas ko agad ang tingin ko. Nasasaktan paren kasi ako.
"Pero tanong lang... anong year na tayo?" Tanong ko na ikinabigla nila.
---
Caleb's POV
Bigla kaming nagulat sa tanong niya. Natawa naman si Dwight sa tabi ko. Ang galing kasing mag jowk ni Gwen.
"Naku teh! Okay ka lang ba talaga? Gusto mo pa check-up ka na namin?" Pilosopong turan ni Abby sa kaibigan. Napatawa naman si Monique. Napatingin lang ako kay Gwen. Ang weird niya kasi ngayon. Nagulat nga ako kanina nung itulak niya si Monique tapos sa sinabi niya. Pati narin sa ginawa niya sakin. Parang may nangyari sa kaniya na ewan.
"Grade 10 na tayo." Sabi ni Dwight sa tabi ko. Napatingin naman sa kaniya si Gwen habang nakakunot ang noo.
"Who's that?" Takang tanong nito. Nagkatinginan naman kami nila Dwight at Abby. Iba na to. Parang totoo na.
'G-gwen... nagka amnesia kaba?" Gulat na tanong ko. Napatingin naman siya sakin pero kaagad din siyang nagbawi ng tingin. May nagawa ba ako? Napansin ko lang kasi na lagi niya akong iniiwasan.
"Monique, tawagan mo nga si Tito Mike para masundo tong si Gwen. Baka mamaya mabuang lalo." Biglang turan ni Abby kay Monique. Pero bago pa kuhain ni Monique yung phone niya ay nagsalita si Gwen.
"Wait! Si mommy nalang!" Sabi ni Gwen na kinagulat namin.
"A-akala ba namin ayaw mo sa mommy mo?" Nag-aalalang saad ni Monique. Napakunot ulit ang noo ni Gwen. Parang may mali talaga.
"Dibale na nga." pagkasabi niya nun ay humiga na ulit siya sa kama ng clinic.
"Can you leave me alone for a while. I need time to think." Mahinahong turan niya. tumingin muna kami sa kaniya bago tumango. Nauna na akong lumabas kasunod sila Dwight at Abby.
Pagkalabas ng clinic ay agad na nagsalita si Abby.
"Ito kasing si Dwight! Mukhang napalakas yung bato ng bola sa ulo ni Gwen. Yan tuloy na damage!" Sisi ni Abby kay Dwight. Si Dwight naman ay natigilan at maang na tinignan si Abby. Napabuntong hininga nalang ako.
"But actually, there's something wrong with her. She's not joking." Seryosong saad ko. Napatingin lang sila sa akin. Sabay-sabay kaming napabuntong hininga.
Ano kayang nangyari kay Gwen?
---
BINABASA MO ANG
Broken Past (On-Hold)
JugendliteraturThey said pag nagmahal ka dapat sobra. Totoo ba? Gwen once believe in fairy tail when he met Caleb. Minahal niya ito ng sobra at halos ibigay na niya ang lahat para dito pero sabi nga nila walang 'forever'. Nawasak ang lahat ng pantasya niya ng ma...