Gwen's POV
Nakakaasar talaga. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin at kung papaano ako napunta dito sa past ko. Pero ang huli ko lang naalala ay yung nasagasaan ako ng kotse. tama! Siguro nga namatay na ako at nag reincarnate! Oo, yun nga siguro!
Ginulo ko yung buhok ko dahil sa pagkairita. Mababaliw na talaga ako sa nangyayari sa akin. Siguro nga binigyan lang talaga ako ng pagkakataon na baguhin yung nakaraan ko para hindi maulit yung nangyari. Ayaw pa siguro akong mamatay ni lord. Napabuntong hininga nalang ako tsaka tumayo sa kama. Wala namang tao sa clinic kaya naisipan ko ng umalis.
Pagkalabas ko ng clinic ay naglakad lakad ako habang nagmamasid sa paligid. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may nagbago sa past ko. Dati naman kasi wala yung Dwight na yun. Hindi ko nga kilala kung sino yun. Tapos nagulat pa ako ng sabihin nila Abby sakin na ayaw ko kay Mommy. Sobrang close ko kaya yun!
Sa pinakadulo ng hallway ay may nakita akong room. Bigla akong napangiti ng marealize na Club room namin yun. Mabilis naman akong nagtungo sa loob. Walang tao doon pero kumpleto parin yung mga gamit. Music Club ang sinalihan ko nun. Mahilig kasi akong kumanta at ako rin ang guitarist nila. Umupo ako sa gilid kung saan naroon ang guitara ko. Kinuha ko iyon at ini-strum. Medyo okay parin ang tono kay naisipan kong tumugtog.
"Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
oohh, di mo ba pansinNa ikaw at ako ohhh oh ohhh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako ohhh oh ohhhh
Di na muling magkakalayo." Kanta ko habang nagi-i-strum ng gitara."Sa tuwing kasama kita
wala ng kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisaIkaw at ako ohhh oh ohhh
tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako ohhh oh ohhh
Di na muling magkakalayo." Bigla ko naman tuloy naalala si Caleb habang kumakanta. Ito kasi yung kantang tinutugtog ko sa kaniya nun pag nagbobonding kami."Unos sa buhay natin
Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituinIkaw at ako ohhh oh ohhh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako ohhh oh ohhh
di na muling magkakalayoIkaw at ako ohhh oh ohhh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako ohhh oh ohh
Di na muling magkakalayo." Huminto na ako sa pag-gigitara ng matapos ko yung kanta. Napasimagot lang ako dahil masyado akong nadala. Ngunit natigilan ako ng may biglang pumalakpak sa likuran. Pagkalingon ko dun ay nakita ko si Caleb na nakangiti."Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong ko.
"Natutulog. Pero nung narinig ko yung kumanta nagising na ako. Ikaw lang pala yun." Nakangiti niyang saad. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Bolero talaga, tsk!
Hindi nalang ako umimik at binaba yung gitara tsaka naglakad paalis. Pero mabilis niya akong pinigilan at hinarangan yung pinto. Napataas lang ang kilay ko.
"May problema kaba sakin? Napansin ko kasing iniiwasan mo ako." Nagtatakang tanong niya.
"Bakit? Close ba tayo?" Pagtataray ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko at hindi siya nakaimik.
"Ang weird mo ngayon. Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya. Bigla naman akong nakaramdam ng inis.
"Hindi ako okay at pwede ba tumabi ka diyan sa daanan." Iritang sabi ko. Ngunit hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya.
"Ano ba!" Inis kong turan pero hindi parin siya umalis at seryosong nakatingin sakin. Kapag tinitignan niya ako ng ganun naaalala ko lang yung mukhang hinaharap niya sakin pag seryoso siya. Napabuntong hininga nalang ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Ang hirap parin kalimutan nung nangyari. Kapag kasi nakikita ko siya bumabalik lahat ng sakit. Kahit na sabihing nasa past kami at hindi niya alam yung ginawa niyang panloloko ay hindi ko parin maiwasang masaktan. Nanlulumong umupo nalang ako sa upuan at yumuko para hindi makita ang mukha niya.
"Gwen?" Narinig kong tawag niya sa pangalan ko. Naramdaman ko agad ang paglapit niya sa akin kaya agad akong nagsalita.
"Don't come near me." Pagbabanta ko sa kaniya gamit ang malamig kong tono. Naramdaman ko naman ang paghinto niya.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lumayo sayo. Sa totoo lang gusto kitang saktan sa tuwing makikita ko yang pagmumukha mo." Tinaas ko naman yung tingin ko sa kaniya habang sinasabi yun. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Pero don't worry. Wala ka namang ginawang masama sakin ngayon..... sa future oo kaya hindi kita mapapatawad." Mahinang sabi ko. Tahimik lang siyang nakikinig sakin.
"Sana... sana lang talaga. Huwag mong ulitin yun. Kung gusto mo si Monique aminin mo na agad sakin hanngang maaga pa." Sabi ko pa. Natigilan naman siya at lumapit sakin.
"Gwen. Hindi ko alam kung anong nangyari pero wag kang mag-alala. Kaibigan lang ang tingin ko kay Monique. Isa pa si Dwight ang gusto ni Monique, nakalimutan mo na ba?" Takang sabi niya. Ako naman ang napakunot ang noo.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko. Seriously? Nasa past pa ba ako?
---
BINABASA MO ANG
Broken Past (On-Hold)
Teen FictionThey said pag nagmahal ka dapat sobra. Totoo ba? Gwen once believe in fairy tail when he met Caleb. Minahal niya ito ng sobra at halos ibigay na niya ang lahat para dito pero sabi nga nila walang 'forever'. Nawasak ang lahat ng pantasya niya ng ma...