CHAPTER 21

64 22 10
                                    

"Darling.. calm down,"

"Calm down?! That's bullshit!"

Napapikit ako at hinayaan'g bumagsak ang mga luha sa aking pisngi. Kanina pa ako hindi makapag-salita, lahat ng sinasabi ni Daddy tinatanggap ko lang, lahat ng sampal niya tinatanggap ko lang, Wala ako'ng ginagawa. Nakatayo lang ako.

"Ano'ng nangyayare sa kukote mo, Queenie?! Nasaan ang talino mo?! Now look, nag-dala ka ng lalaki dito, pinasok kayo, kinuha ka, at ang gulo-gulo dito! Are you even thinking, huh queenie!??" Binalot ng mga bulyaw ni daddy ang buong unit ko, nakakatakot. Wala ako'ng magawa kung hindi ang manginig.

"Saan mo napulot ang lalaki'ng yun? Sumagot ka!!"

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya sa harap ko, kumikibot ang mga labi ko at hindi ako makapag-salita sa takot. Napapalunok ako ng paulit-ulit at hindi kaya'ng tignan ang mga mata ni Daddy, tila isang halimaw ang nasa harap ko ngayon.

"Darling natatakot ang anak mo, Please calm down.."

"H'wag ka'ng mangealam, Fiona!" Bulalas ni Daddy kay Mommy na siya'ng natigilan nalang.

"Pero pde mo naman siya'ng kausapin ng hindi sumisigaw, Xander!"

"Yan? Madadaan mo sa ganon? I doubt. Eh matigas ang ulo niyan'g anak mo!"

Lalo ako'ng naiyak. I feel like I'm the most terrible person in earth. Ngayon alam ko na kung bakit gumaganyan si Daddy.. It's because nalaman niya'ng may pinapatuloy ako rito.

Bigla ay nagulat ako na'ng may tumama sa bandang paa ko na mabigat na bagay, Napahikbi ako sa sakit nito. Nakita ko ang isang plato na nabasag sa paanan ko at ang balat ko'ng dumudugo.

"Xander ano ba?! What are you doing?!" Sigaw ni mommy.

Lumapit si daddy sakin at hinila ako sa braso at pinasalampak ng upo sa sofa, Tahimik lang ako'ng umiiyak. Wala ako'ng Laban. Si Daddy ito'ng kaharap ko.

"Where did you get that boy?!" Madiin'g tanong nito habang nakaduro sakin. Umiling ako. Si Lindon.. Lalo ako'ng naiyak.

"Where in the hell did you get him?! Sumagot ka Queenie!" Muling sigaw nito. Dahan-dahan ako'ng nag-angat ng tingin, Pakiramdam ko namumugto na ang mga mata ko kaiiyak, nanghihina pa ako. "He's a.. good boy.. Dad.." Humihikbing sabi ko na lalo niya'ng kinainis.

"A good boy? Sige Paano mo nasabi?"

"Daddy.. parang kapatid ko na siya.. H-Hindi siya masama'ng tao!" Sabi ko kahit na deep inside, Wala na ako'ng maibubuga'ng lakas.

Mariin'g pumikit si daddy at namewang Tska muling tumitig ng Masama sakin, "Maliwanag naman ang lahat diba? Sinabi ko'ng wala ka'ng sasamahan'g iba kundi si Cassidy lang! Nakakausap mo naman ang mga tao mo sa shop pero kumuha ka pa rin! You know what's worst? Yung pinapatira mo yung lalaki'ng yun dito at pinasok mo pa sa shop without our permission! Ganon ka katiwala don?! Well that's a bullshits of yours, Queenie!"

"Daddy malaki na ako! Bakit ba sinasakal niyo ako?! Hindi ko 'to matanggap.. buong buhay ko kayo ang sinusunod ko, buong buhay ko kayo na ang nag-desisyon. Masama ba'ng maging kaibigan si Lindon? Wala ako'ng nakikita'ng mali doon! Wala na siya'ng pamilya kaya gusto ko ako ang tumayo'ng ate niya na tutulong sa kanya!" Umiiyak na bulalas ko. I swear I can't take it. Hinang-hina na ako..

Sarkastiko naman ito'ng natawa, "Great. So are you a hero now? Alam mo ba'ng natagpuan namin siya dito na duguan at wala'ng malay? Kung hindi lang dumating si Cassidy, wala ako'ng balak na ipa-ospital siya."

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now