Magising Sa Kwarto Ng Iba

0 0 0
                                    

Kriiinnng!!! Kriiinnggg!!

Nagising si Makoy sa pamilyar na tunog ng kanyang alarm. Ngunit hindi nya agad iminulat ang kanyang mata. Ninamnam nya muna ang lambot at bango ng kama. Iniisip nya kung gaano kasarap matulog sa kamang tulad nito araw-araw. At sa huling naisip ay biglang iminulat nya ang kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.

Flashback

Makoy sige na please! Pamimilit ni Brenna sa kanya. Kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan at gusto syang isama sa lakad nito mamaya. "I will consider this as your birthday gift!" Mistula itong bata na nag pout pa habang nag puppy eyes. Malapit sya sa  babae dahil ito ang unang naging kaibigan nya nang mag-aral sya ng kolehiyo. Alam nyang hindi magiging madali lalo na at ang paaralang kanyang pinasukan ay kilala bilang skwelahan ng mga mayayaman pero sya ay naging mapalad lamang na natanggap sa pamamagitan ng scholarship. Inasahan na nya makakatanggap sya ng klase-klaseng pambu-bully mula sa mga spioled na mga ka eskwela at yun nga ay nangyari. Ngunit mabait talaga ang Panginoon at nakilala nya si Brenna. Sariwa pa din sa kanyang alaala ang unang araw na naging magkaibigan sila. Lunch break noon at kumakain sya ng fishball at bitbit nya ang kanyang bote ng Nature's Spring na nere-refill nya lang ng tubig mula sa ATM(automatic tubig machine). Akala nyo sosyal no? Natawa sya sa kanyang naisip.
"Di naman sa kuripot ako pero gusto kung makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng recycling. Echoos! Wala talaga akong pera." Yan ang palagi nyang sinasabi sa sarili na para bang pampalakas loob. Pinatapatawa nya ang kanyang sarili para makayanan nya ang hirap ng buhay. Habang ngumunguya ay nakasanayan na din nyang mag daydream. Tumatakbo sa kanyang isip na makakatagpo din sya ng  taong magmamahal sa kanya at tatanggapin kung ano sya. Oo. Hindi kayo nagkakamali ng hinala. Si Makoy ay bakla. Ngunit sya ang tipo na mahiyain at lalaki kung kumilos. Wala syang choice dahil lumaki sya na nagbabanat ng buto dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ang sinabi lang sa kanya ay naaksidente ang mga ito. Ang kanyang Lola Seding na lamang ang nagpalaki sa kanya.
Habang nakatulala at ngumunguya ay di nya napansin ang pagdating ng isang babae. Kasalukuyan na nasa ilalim ng puno sa na medyo tago sa karamihan. Gusto nya doon dahil ayaw nyang mapansin na naman sya ng ibang estudyante na fishball at tubig lamang ang kanyang pananghalian.
Halata sa babae na may pinagtataguan ito dahil panay ang silip nito sa pinang-galingan habang nagkukubli sa puno dahilan upang hindi nya makita si Makoy. Nakita ng babae ang humahabol sa kanya kaya bigla syang nagkubli agad sa likod ng puno. Dahil dito nasagi nya ang kamay ni Makoy na may hawak na fishball at nalaglag ito.
Nang marealize ni Brenna ang nangyari ay agad syang humingi ng tawad. "OMG! I am really sorry!" Turan ni Brenna. Dahilan upang mahimasmasan si Makoy at mapatingin sa dahilan ng kanyang kamalasan. Gutom pa naman sya at yun na lamang ang natitirang budget nya para sa araw na yun. Magsisimula na sana syang awayin ang bruhang sumayang sa pananghalian nya nang mamukhaan nya ito. Isa ito sa kanyang  kaklase sa kurso nya at narinig nya sa chismis ng ibang estudyante na anak sya ng isa sa mga pinakamayaman na businessman sa buong Asia. Bigla nawala ang tapang nya at walang lumabas na salita sa kanyang mga labi. Mas lalo syang nanliit dahil mas maganda pala ito sa malapitan at amoy nya ang manahaling pabango nito.
Ah-eh....okay lang" ang mga nasabi nya.
Naisip nya na hindi magandang ideya ang awayin ang anak mayaman na bruhang ito baka ipakulong pa sya ng mga magulang nito. Ngunit nagulat sya nang magsalita ito ulit. "Let's go babe!" At hinila sya nito papunta sa parte ng campus kung saan nakahilera ang mga restaurants.
Anong gagawin natin dito? Tanong ni Makoy.
"Kakain syempre" ani Brenna
I mean wala akong pera pambayad. Ang nahihiyang pag amin niya.
"Dont worry babe. It's on me. Para naman makabawi ako sa pag ruin ko ng lunch mo" ang mahabang paliwanag nito.

Wala nang nagawa si Makoy at nagpaubaya na lamang. Nalaman nyang Brenna ang pangalan ng babae dahil nagpakilala ito habang naghihintay sa mga order nito. Nalaman din nya kung gaano ka-talkative ang babae dahil simula ng magsalita ito ay hindi na ito tumigil. Patango-tango lamang sya at kung minsan ay sumasagot sa mga pagkakataong tinatanong sya. Higit sa lahat napagtanto nya kung gaano kabait at ka down to earth ang dalaga. Alam nya dahil nakita nya kung paano tratuhin ni Brenna ang mga waiters. Sabi nga nila malalaman mo kung anong klaseng ugali mayroon ang isang tao base sa pagtrato nito sa mga waiters/waitresses. Mula noon ay nagkagaanan na sila ng loob at palagi nang magkadikit. Alam din nya na may ideya na ang kanyang kaibigan sa kanyang kasarian ngunit hindi naman ito nagtatanong. Hinayaan na lang din nya ito. Kung magtatanong man ito ay aaminin din naman nya ito sa kanyang kaibigan.

End of flashback

Shit!
Napabalikwas si Makoy mula sa pagkakahiga. Inilibot nya ang paningin sa loob ng kwarto.

Infairness ang ganda.  Sa isip nya.
Natulala sya sa karangyaan na nasa harapan nya. Ngunit nahimasmasan sya ng maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Sumama sya sa party ni Brenna sa isang mamahaling club. Napilit sya ng kanyang kaibigan dahil kaarawan nga nito. Napilit din sya nitong uminom. Hindi sya masyadong sanay uminom kaya naman ilang shots palang ay natamaan na sya ng alak. Naalala nyang hinila sya ni Brenna at ipinakilala sa pinsan nito. Dahil nakainom ay medyo kumapal ang kanyang mukha at nakipagkamay sya sa pinsan nito  ng medyo matagal at sinabayan pa nya ng isang nang-aakit na ngiti. Ang huli nyang naalala ay hinila sya nito at isinakay sa kotse matapos nyang dilaan ang tainga nito.

Oh shiiiittttt!!!! Sigaw nya sa isip.

Naalala nyang imbes na sagutin nya ang tanong nito kung ano ulit ang pangalan nya dahil hindi sya nito narinig sa lakas ng music ay dinilaan nya ito.

Itinaas nya ang kumot na nakabalot sa katawan nya at nakumpirma nyang hubo't hubad sya. At lalong nakumpirma nya ang kanyang hinala ng maramdaman nyang masakit pa ang bewang at lagusan nya. Nakakita din sya ng mantsa ng dugo sa kama. Biglang sumakit ang ulo nya sa realisasyon. Sa kalasingan nya ay di na masyadong matandaan ang mukha ng pinsan ni Brenna.  Pinilit nyang bumangon at hinagilap ang kanyang kasuotan ngunit sa kasamaang palad ay di nya makita. Naisip nya na baka nasa ilalim ng kama kaya dumapa sya na medyo patuwad upang silipin. Nasa ganoong ayos sya nang bumukas ang pinto.

May narinig syang nagsalita. "If you are looking for your clothes they are still drying it."

Dahil sa medyo masakit pa ang kanyang katawan ay nahihirapan ang ekspresyon sa kanyang mukha nang lumingon  sya sa nagsalita. Napansin nya na kakaiba ang emosyon sa mata ng lalaki. Umiba din ang ekspresyon ng mukha nito.

Tinitigan nya ang lalaking nagsalita. Naka suot lamang ito ng sweat pants at sando na itim. Kitang kita ang kakisigang taglay ng lalaki. Di maikakaila na nagwo-workout ito. Bakas din sa sweat pants nito ang bukol ng pagkalalaki nito. Malaki ito kahit hindi pa gising. Napalunik si Makoy sa kanyang naisip. Napadapo naman ang kanyang tingin sa mukha nito. Halatang may halo ang lahi ng lalaki. Prominente ang tangis ng ilong nito at halata sa tangkad at kaputian ng balat. Matangkad na sya sa 5'7 nyang height ngunit sa tingin nya ay nasa mga 6' ang lalaking kaharap.

Napukaw sya sa kanyang pagkatulala ng tumikhim ang lalaki at nagsalita. "You like what you are seeing so far?" Sabay bitiw ng napaka charming na ngiti. Napansin nya na may hawig kay Ian Veneracion ang lalaki. Napakagwapo nito at ang  perfect ng ngiti. Mas lalo syang naglaway sa lalaki.

"Ah...ahhmmm...." utal na sabi nya. Walang lumalabas na salita sa kanya. Di nya alam kung ito ba ay dahil sa kagwapohan at kakisigan ng kaharap o sa katotohanang ito ang kumuha sa kanyang pagka birhen.

Itutuloy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Minsan Sa Isang PanaginipWhere stories live. Discover now