Chapter Six

480 20 4
                                    

Natasha's POV

Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga... Nakakaiyak naman this life!

Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga magkakaibigan na kakakita lang, yung iba pumila para makuha ang mga I.Ds nila, may ibang mga loner sa gilid at marami pang iba na makikita mo tuwing pasukan.

"This is tiring." Sambit ko sa sarili. Nakaramdam naman agad ako nang batok kaya ay agad kong sinamaan nang tingin ang BESTFRIEND kong si Bianca.

"First day na first day, pagod agad? Hindi pa nga tayo nakapagsimula! Kakapasok lang natin sa school girrrl." Natatawang sabi ni Bianca.

Yes, balik-aral na naman! Kaiyak, T_T

"Gusto ko nang matapos to." Sambit ko at napa-shrug nalang. 

"Girl, college students na tayo! I'm zooo exzited." Bianca at napa-squeeze sa braso kong may fats.

"I'm sure easy peasy lang 'to." Confident kong sabi sa sarili. "Tara na nga sa first class natin." Dagdag ko at kinaladkad ang kaibigan kong maingay.

"ARAY!" Sigaw pa niya.


Dumating na kami sa classroom namin na hingal na hingal.

"Potek, di ko yun inexpect ah." Bianca nang nakarecover na siya.

"A-Ako rin." Hingal na hingal kong sabi at kumalma. 

Amazing first day! As in, I'm so happy na nag stairs lang kami papunta sa sixth floor nang Engineering building! Healthy living kasi kami. *insert sarcasm

"I wish na makaka-access na tayo sa elevator." Bianca at napaupo sa isang arm chair.

"May sakit ka ba?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Wala e." Sagot niya naman at napaayos sa buhok niya.

"Edi no chance tayo niyan! Pasalamat nalang tayo na healthy tayong dalawa." Kalmado kong sabi at napatingin sa unahan nang classroom.

Nasa pinakalikuran kasi kami umupo, sa kabilang pinto kasi kami pumasok. Yung mga kaklase namin ay busy sa pagchikahan ang iba naman nanahimik.

"Ba't sa engineering building pa yung first class natin?" Inis na tanong ni Bianca.

Hindi kami engineering students. Arts and sciences kami na belong pero dahil malas kami...

"Math yung unang subject natin e." Sagot ko naman at nilabas ang maliit kong notebook para sa mga requirements.

"Nooo~" O.A niyang sambit at inalog pa ako.

"Huwag kang O.A!" Inis kong sabi sabay palo nang maliit kong notebook sa ulo niya. "Ang aga-aga nag O-O.A kana!" Dagdag ko nang tumigil siya at napahawak sa parteng pinalo ko.

"Sus, mukha naman hindi na sanay!" Sabi niya at umirap.

"Kunin ko kaya yang eyeballs mo." Seryoso kong sabi.

Siya naman yung pumalo sakin gamit yung notebook ko kaya agad ko siyang sinamaan nang tingin.

"Ang aga-aga! Umaandar na yang pagkabrutal mo!" 

"Ewan ko sayo, hmmp!" Sambit ko sabay napacross-arms at inilayo ang tingin ko sa kanya.

Ginaya rin niya ang ginawa ko at nanatiling tahimik. Gayagaya, puto maya! But at least, peaceful kami, para sa ngayon.

"Nate, scholar ka no?" Dinig kong sabi nang isang lalake habang pumasok sila sa silid namin.

"Oo, buti nga e, pumasa ako sa scholarship." Sagot naman nung isa.

Nakita ko silang umupo sa unahan pero yung likod lang yung nakikita ko. 

Hahaay~ Nate, miss ko na naman ulit yung kambal ko! For sure, full scholar yun ngayon. Matalinong bata yun e!

"Girl, may polbo ka?" Biglang tanong ni Bianca.

Napatingin naman ako sa kanya at agad napahawak sa bandang puso ko.

"Muntik naman akong ma heart attack sayo." Relieved kong sabi.

Aba magmukhang tanga 'tong bestfriend ko! Inilugay niya yung buhok niya at ginamit iyon pantago sa mukha niya. Magmukha siyang si Samara e!

"Polbo mo, bilis." Taranta niyang sabi.

"Huwag dito, sa CR nga tayo!" Inis kong sambit.

"Good idea." Sabi niya at kinaladkad ako papunta sa CR.

Nasa pinakagilid yung CR, every floor iyon kaya madali lang kaming nakapunta.

"Ba't bigla ka namang nagpaganda?" Takang tanong ko habang hinahanap ang polbo sa bag ko. Nang mahanap ko ito agad ko namang ibinigay sa kanya.

"Yung crush kasi nang pinsan ko, kaklase natin!" Explain niya habang nag-aapply sa polbo.

"What?! Crush nang pinsan mo yon! Ba't ka naman magpaganda?! Don't tell me aagawin mo yon!"

Binatukan niya naman ako. "Gaga! Hindi yun ang motive ko! Ang sakin lang baka ma e-compare niya kaming dalawa." 

"Eh bakit? Kilala ka ba niya?" Tanong ko habang nakahalukipkip.

Napatigil naman siya at tumingin sakin. Napairap ako at binatukan siya.

"Gaga ka rin naman pala e!" Inis kong sabi.

"Oo nga no? Ba't di ko yun naisip?" Sabi niya.

Kumulo lalo yung dugo ko sa mga katangahang ginagawa niya. Ang sarap niyang e lunod sa bowl! Promise!

"HMMMM! Sarap mong lunurin!" Panggigigil ko at nagwalk out bago ko masabunutan yung best friend ko.

"Sorna!" Sigaw niya na nasunod nang tawa.



Fake Relationship With My Kambal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon