Christmas Eve 2011, 9:30 PM (SHARING)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
August 30, 2011. Unang beses kong chineck yung breast ko. Nakaramadam kase ako ng pananakit. Pagkapa ko, may bukol sa right breast ko. Ang una kong ginawa, umiyak ako. Gabi na rin kase nun at matutulog na 'ko. Umiyak ako nang umiyak. Kinausap ko si God. Hindi ko Siya kinuwestyon. Hindi ako nagtanong kung bakit ako pa, kung ano ba talagang sakit ko. Pero ipinagdasal ko noong gabi na yon na sana mawala na yung bukol ko, pero tatanggapin ko pa rin kung anong plano sken ni God. Hindi ko agad sinabe kay Mama at Papa kung anong nararamdaman ko. Unang-una sa lahat, ayokong dumagdag sa mga iniisip ni Mama. Nalulungkot at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang namomroblema. Yung tipong wala ng nangyayari sa buhay namin kundi mga problema. Minsan ko lang makita si Mama na masaya. Kapag naman umaga, hindi ko rin mabanggit sa kanila kasi minsan, tulog ulit si Mama at busy naman si Papa. Sinolo ko yung problema hanggang sa sinabi ko kay Ate Flores. Kapag umuuwi namna ako galing school, never ko rin naisip na i-open kina Mama. Pag naiisip ko kasi na problema na naman, binabalewala ko na lang. Hanggang sa nalaman na nila Mama na may bukol ako. Nagalit sila at nagulat. Bakit daw di ko sinabe agad. Di na ako nakasagot. Nagpagamot ako sa albularyo. Sabe sa akin, baka raw nasiko o nauntog kaya nagkabukol. Ang dami-dami niyang ipinagbawal sken na kainin. Pakiramdam ko, sobrang nangayayat ako nun. Nagpacheck-up din ako sa ospital. Kahit ayoko pero kailangan. Gastos ulit. Ilang beses kami nagpabalik-balik ni Mama sa ospital. Sa tinagal-tagal at hinaba-haba ng pila namen, THANKS, GOD! ;) Hindi cancerous ang bukol sa breast ko. Pagkatapos ng ultrasound at biopsy, positive namna ang resulta. Positive kase hindi na kailangan pa ng mga operations. Sabe ng doctor, maghintay daw ng 6 months, titingnan kung lumaki o nawala yung bukol. Pinagppray ko na sana hindi cancerous. Pagkatapos ng pinagdaaanan kong 'to, mas lumalim yung faith ko kay God.
Sinimulan ko Siyang kilalanin. Paano? Nagconfess ako, nangumpisal. Humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko, maliit man o malaki. Sa loob ng halos dalawang taon na pagseserve ko sa simbahan ilang choir member, at sa pagsali ko sa mga seminar, sobrang dame kong natutunan. Maswerte pa ako kase sa catholic school ako nag-aaral. Gusto kong i-share sa inyo lahat ng natutunan at naexperience ko. Tahimik lang ako pero nagmamasid ako kung paano tayo nananampalataya sa Diyos.
Tuwing Linggo, nagsisimba ako. Nagseserve ako sa simbahan. Minsan, nalulungkot ako kase mag-isa lang ako. Kahit ilang beses sa isang araw pa ako magsimba, okay lang kase sobrang dame kong natututunan na sana gusto ko ring malaman niyo. Kapag nakikinig ako sa homily ng pari, sobrang dami kong nalalaman at mas napapalapit ako sa Diyos. Kapag naman umuuwi ako sa bahay, at nakakita ng mga away, tampuhan at mga problema, nalulungkot ako. Minsan, iniisip ko bakit wala akong lakas na ibahagi kung ano ang natututunan ko sa simbahan. Kapag nakakakita ako ng mga negative feelings, pinagdarasal ko na lang. Itinataas ko lang lahat sa Diyos kase alam ko na magiging okay din ang lahat. Gusto kong ipaalam na kapag hinayaan niyo ang Diyos na gumbay at mamuno sa buhay niyo, walang imposible na mangyayare. Minsan nga naiiyak ako kapag hindi man lang namin magawang magrosaryo bilang pamilya. Ang tagal-tagal na ni Mama Mary sa bahay na 'to pero parang hindi rin siya napapansin. Pag inuutusan ako ni Mama na dasalan siya, lage akong nagtatanong na bakit ako lang? Ako lang ba ang marunong magdasal? Hindi ba pwedeng sabay-sabay kaming pamilya na manalangin? Ang naging epekto sken, naging responsibilidad ko ang magdasal ng rosaryo kay Mama Mary. Isang beses na inutusan ako ni Mama, umiyak ako. Umiyak ako kase humihingi ako ng sorry kay Mama Mary na hindi man lang namen siya madasalan nang sabya-sabay. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako. :(
Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga oras na halos makalimutan na nating magdasal at tumawag sa Diyos. Sa isang linggo, may 168 na oras. Bakit hindi natin magawang magsimba tuwing Linggo? ISANG ORAS LANG ANG HINIHINGI NG DIYOS SA ATIN. Maswerte nga tayo at katoliko tayo. Yung ibang religion, halos buong araw nasa simbahan. Tayo pa kayang isang oras na lang diba? Anong excuse? Kasi busy, may gagawin ako, manonood na lang ako sa TV, aalis kai, mamasyal. Bakit sa ibang bagay, napakarami nating oras na nilalaan? Nagagawa nating magpuyat. HIndi kalooban ng Diyos na sumakit ang ulo natin sa pagpupuyat. Isa sa mga regalo na ibinigay sa atin ng Diyos ay ang kakayahang mamili at magdesisyon para sa sarili natin. Hindi NIya tayo inutusan magpuyat, ginusto natin yun diba? Kung marami man tayong problema na kinakaharap, huwag na huwag nating kikwestyunin ang Diyos, dahil ang nangayayare sa buhay natin ay bunga ng ,ga desisyong pinili nating gawin. Lahat ng tao may problema. Walang taong walang problema. Lahat tayo may kanya-kanyang krus na pinapasan araw-araw. Lagi lang natin tatandaan na lahat ng problema, may solusyon. Sabi nga sa Math, hindi magagamit sa praktikal na pamumuhay ang mga subjects tulad ng Algebra, Calculus, Geometry at iba pa. Pero may isang aral na tinuturo ang Math-- na lahat ng problem solving, may solutions. Kung bibigyan ako ng teacher ko ng problem solving activity, alam kong meron at meron yung solution.
Bakit di natin isipin lahat ng positibong bagay kesa sa negatibo? Bukod sa nakakasama sa kalusugan, mas napapalayo tayo kay God. Lagyan naten ng sapce si God sa puso natin kase kapag Siya ang naging laman ng puso natin, wala tayong ibang mararamdaman kundi pang-unawa, pagpapatawad at pagmamahal.
Malapit nang duating si Jesus. Maraming nagsisimbang-gabi, bakit? Kasi yung iba, gusto nila magwish. Yung iba naman, humihingi ng kapatawaran at nagpapasalamat tayo kay God. Ang simbang-gabi, sabi ni Father ay sakripisyo at pagpapakita ng pagmamahal natin kay God. Alam nating lahat na sobrang laki ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Sino ba ang magbibigay at mag-aalay ng sarili niyang anak para sa kaligtasan nating lahat? Sino tayo para iligtas Niya diba? Kapag sinimulan nating bugyan ng puwang si God sa buhay natin, doon lang tayo magiging masaya at doon lang natin makakamit anuman ang minimithi natin.
Ngayon, para sa inyo, ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng Pasko?
Ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi importante ang dami at halaga ng mga nakahain para sa noche buena. Hindi mahalaga na bago ang mga suot nating damit at sapatos. Hindi karangyaan ang Pasko. Ito ay pagsalubong natin kay Jesus na tagapagligtas natin at ang Bugtong na Anak ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano karaming pera ang matatanggap natin. SUbukan nating tayo ang magbigay kesa tayo ang tumanggap, mas maluwag at mas masaya sa kalooban, bakit? Kase makita mo lang ang mga ngiti at tuwa na naibigay mo sa iba, walang katumbas yon na halaga. Sabe nga sa kanta, "It's in giving that we receive. " Sa pagbibigay natin at pagbabahagi sa kapwa natin, doon natin matatanggap ang pagpapala ng Panginoon.
Sa mga pagsisimbang-gabi ko, maraming-marami akong natutunan. At ilan ito sa mga iyon:
1. Count your blessings.
2. Don't be materialistic. Help and donate.
3. Learn how to forgive and ask for forgiveness
4. Be one with others, with loved ones
5. Don't forget to thank God and don't complain
6. OPEN YOUR HEART TO GOD
(Read Col 3:12-17)
Ang saya maging masaya kung gugustuhun natin. Sana matandaan natin lahat ng napag-usapan natin ngayon, at sana isabuhay natin hindi lang ngayong Pasko, pero sa araw-araw na buhay natin. Maging open tayo sa lahat. Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo at tayo ay magdarasal. Sabe nga nila, "A family that prays together, stays together." <3 (spontaneous prayer)