Makakaya ko pa bang mag hold on? Or let go na?

45 0 0
                                    

January 1, 2011

Napansin ni mama na ang tamlay tamlay ko simula pa kagabi. Ni hindi ako nakisama sa saya sa pagsalubong sa bagong taon. Pagkagising ko:

Mama: Bat di ka na nagpupunta kila Richard? 

Aileen: Wala lang.

Mama: Bakit nga? Break na kayo?

Aileen: Hindi. Kami pa.

Mama: E bat ganun? Di ko na kayo napapansing nagkakasama?

Aileen: Ewan ko ba sa lalaking yun!

Mama: Punta ka kaya mamaya?

Aileen: Huh? Bakit? Ayoko nga.

Mama: Ay. Wag pala mamaya. Baka may magputukan pa. Bukas, punta ka sakanila.

Aileen: Ayoko nga e. Tinatamad ako.

Mama: Dali na. May ipapabigay din ako para kila Tracy at Ryan (Parents ni Richard. )

Aileen: Ano yun?

Mama: Basta. Bukas, ipadala ko sayo. Para din sumaya ka ulit.

Aileen: Suss. Oo na nga, sige na.

January 2, 2010

At yun nga, nagpunta ako sakanila. Sa pamilya nya, okay kami. Kwentuhan padin kami ng parents nya nun. At maya maya kami na lang ni Richard magkasama. Alam ko sa sarili kong masakit na pero nagawa ko pading sumaya dahil kasama ko sya nung mga panahong yun. Nanonood sya ng Harry Potter nun, ako hindi, di kasi talaga ko mahilig manood pag hindi sa sinehan. Tapos,  nakaupo kami pareho nun pero magkahiwalay. Hanggang sa di ko namalayang naghaharutan na pala kami. Bilis ng pangyayari. O baka nawala ako sa srili ko kasi kinikilig nanaman ako. =))) . Hanggang sa nakahiga ako saknya, at nasasaktan na sya kaya tinigil na nya. Nilambing na lang nya ko para di na ko mangulit. Di nanaman namalayan pero pwesto naming nakaupo tapos nakaupo ako sa harapan nya, nasa likuran ko sya at nakasandal ako sknya. Nakacross mga kamay namin at magkaholding hands. Ang awkward lang nung pwesto namin kasi nakaupo kami sa gitna ng kama at ganun yung pwesto at hindi pa kasandal sa wall. Tapos maya maya nanlambing na ulit syaaaa. ( :-*   :-*    :-*   ) Parang wala kaming naging problema ni Richard nun at parang perfect nanaman.

January 2011

Pasukan nanamaaaaan! Magiging masaya nanaman. Napagusapan at napagdesisyunan na yung candidates sa bawat room. At pinilit ako ng teacher kong ako na lang daw. Dami kong dinahilan nun kasi ayoko talaga. Nakakahiya. Hanggang sa ganun na nga nangyari. May nakapagsabi sakin na candidate din daw si Richard pero tinanggi nya. 

Richard: Sinong candidate nyo?

Aileen: Si Gabby sa lalaki. Sa babae, di ko kilala. (Syempre nahihiya ako kaya ayoko sabihin sakanya.)

Richard: Ah. 

Aileen: E sainyo?

Richard: Sa babae si, Noreen. Sa lalaki di pa alam e.

(Naglokohan lang pala kami! Niloko namin yung isa't isa. Pareho pala kaming candidate nun at parehong nagsinungaling! Ang baliw laaang! =)))) )

Hanggang sa nalaman nga namin na kami candidates. =))

January 12, 2011

Monthsary nanaman namin. 11 months na kami. (Kung napapansin nyo, di uso samin yung magregaluhan at magcelebrate. Di na din ako nag aabalang magregalo kasi napaka walang kwenta naman nyang boyfriend. HAHAHAHA! Joke! :P )

Pagkagising ko nun, tinext ko sya at binati padin pa rin ng "Happy monthsary baby."

Nung pumasok na sa school, pinatawag mga candidates nun at may paguusapan daw. At ayun, nagkasama kami. Di kami magkatabi. Parang di magkakilala. E 11th month na nga namin yun. At nung tapos na, nauna akong bumaba pero inantay ko sya. Nagsabay na kami maglakad pababa pabalik sa mga classroom namin.

Aileen: Monthsary natin, di mo man lang ako binati. >:(

Richard: Happy monthsary. :) (Suss. Wala na! Late ka na e! Di ko na nafeel. Napilitan ka lang e. Napaka walang kwenta talagaaaa! >:P )

At ayun nakaraos naman at di padin kami nagbreak ng January. Pinipilit kong kayanin e. Kahit na yung mga kaibigan ko pinagsasabihan na ko.

...Next month, February naaaaa! February kasi month namin yung ng baby kooo.

Igniting the Flame of Love (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon