May gusto ka pa? Kukuha ako sa baba.
Tanong sakin ni Bryon habang kumakain kami sa lapag.
Wala kaming malaking lamesa at tanging coffee table lang ang meron na kakasya lang ang dalawang tasa ng kape.Wala na. Salamat.
Sagot ko sa kanya saka ako sumubo ng pagkain.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil mag kaharap kami kumain at nakaindian sit sya.
Kita sa kanya na hirap syang kumain ng maayos dahil narin sa pagkakaupo nya.
Hinahabol nya ang kutsara sa bawat dakot ng kanin para lang maisubo.Pasensya kana pala Bryon huh. Hindi ka sana nahihirapan jan kung hindi ako nag iinarte.
Sabi ko nalang sa kanya.
Hindi ko sasabihin sa kanila ang mga pinag usapan namin ni Daemon kanina dahil alam kong panibagong issue nanaman yun.
At ngayon ay nag sisimula nanaman mahati ang isip ko sa kung paano ako mag dedesisyon.Sasama ba ako sa tatlo at titira sa isang mansion?
O pipiliin ko nalang n umalis at mag karoon ng bagong buhay para bumalik sila sa normal nilang turingan?Okey lang. Wala rin naman akong kasabay eh
Sagot nya sakin.
Tumingin lang ako sa kanya sandali saka ako muling bumalik sa pagkain.Nga pala. Yung tungkol dun sa pag tira natin sa iisang bahay tingin mo magandang idea ba talaga yun?
Tanong ko sa kanya.
Hindi sa sinasabi ko na pangit ang ganung idea pero magulo lang talaga ang isip ko at walang positive things sa umiikot sa utak ko.Okey lang. Dipende naman yan sa makakasama mo.
Tutal kaming tatlo naman ang kasama mo at kilala mo naman kami saka nanliligaw kami sa'yo okey lang siguro.
Pero at the same time pangit parin dahil nag iisa kang babae tapos titira ka sa mansion na lalaki lang ang kasama.
Ikaw ba? Nasayo naman ang desisyon na yan.
Kung ayaw mo, edi mag sama sama tayo para narin mag katrabaho ka.Paliwanag nya sakin.
Hati rin pala ang desisiyon mo.
Sabi ko nalang sa kanya.
Bakit? Ganun ka rin ba?
Tanong nya naman sakin.
Napatingin ako sa kanya saka ako umiling.
Hindi nya nalang ginawang mag salita dahil narin siguro sa ayaw nyang mabuksan ang topic tungkol dun.Gusto kong makausap si Alexus. Nasa kwarto kaya sya?
Tanong ko kay Bryon na natapos ng kumain at uminom na ng tubig.
Nandyan.
Sagot nya sakin.
Gusto ko na talaga syang kausapin pero nahihiya ako at siguradong umiiwas din sya sakin.Bakit?
Tanong ni Bryon sa akin.
Gusto ko lang malaman kung kamusta na sya.
Sagot ko.
Blanko lang syang nakatingin ng diretso sa akin habang nag liligpit ako at nilalagay sa tray ang platong ginamit namin.Laging okey si Alexus. Ikaw? Okey kalang ba?
Napatingin ako kay Bryon na halatang nag antay ng sagot ko.
Oo naman. Bakit?
Tanong ko sa kanya.
Mas inuuna mo kasing ayusin ang problema ng iba kaya naiiwan yung sarili mong problema.
Paminsan minsan nga tanungin mo naman ang sarili mo kung okey kalang.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...