Chapter 11 - Her Party ComebackNANDITO na kami sa party and sobrang awkward lang dahil muntikan nang may mangyari saamin kung hindi lang ako sinundo ni Kobe dito sa bahay.
Hindi sa nakita niya kami. Tumawag siya sa home phone pero hindi namin nasagot ni Gregg kaya naman nagleave siya ng voice call at nalaman namin na nasa harapan na siya ng bahay.
Walang choice si Gregg kundi itigil ang ginagawa namin na hindi ko naman ginusto. Promise hindi talaga. Tapos na ang meron saamin ni Gregg kahit na walang meron noon ay pinutol ko na ang connection namin. Si Dylan nalang ang mahalaga dito.
Nakaupo lang ako sa table dito malapit sa pool habang kinakain yung niready saakin ni Kobe. Si Gregg naman ay busy sa kakaentertain sa ibang visitors na close niya. Si Kobe naman ay busy din kausap ang ibang bisita.
Dapat siguro ay hindi nalang ako pumunta. Wala naman akong kaclose dito eh. Kinain ko nalang ang salad sa table ko at iniinom yung kaunting binigay saakin na Tequila ni Kobe. Hindi naman ako palainom so hindi ko talaga type yung lasa.
Sobrang ingay dahil sa music na nagmumula sa dalawang speaker na malaki at mga nagkakasiyahang mga bisita nila. May ibang nagiinuman, nagtatawanan, nagkakamustahan, naguusap at syempre nagaanohan hindi yung anuhan. Naghahalikan lang ganon.
Kinuha ko ang phone ko dahil nagring ito.
Message from Chad Carter
Binuksan ko ito.
I saw you. Stay there I'm coming.
Nagulat naman ako kaya tinignan ko ang paligid wala naman si Chad. Hindi naman kami sobrang close nito pero feeling ko ay magkakasundo kami.
"Hey, I was at your back" He sat down in my front table. Tinignan ko siya may hawak siyang alcohol.
Binaba niya ang alcohol na hawak niya at nilagay ang kanyang braso sa table habang nakatingin saakin.
"Do you need anything?" Tanong ko. Ang awkward kasi.
"Nothing. I just want to see what he likes about you" Out of nowhere. Parang nakalimutan ng puso ko magskip.
"Who?" Tanong ko pero alam ko na kung sino ang tinutuloy niya.
"I don't know why we both likes the same all over again. But this time he got it first. Damn it" Sumandal siya sa upuan niya. Isa pa ay naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Ang hula ko ay Si Gregg ang kanyang tinutukoy.
Bago pa ako magtanong uli ay may tumawag ng attention ng lahat sa isang microphone na tumunog.
"Hello. Hello" Sabi nito. Babae siya na nakadress na silver.
"Thank you everyone for giving your time tonight to celebrate my comeback. I really appreciate it. I hope everyone is having a great time. This night is for us" Sabay nagpalakpakan ang lahat. Pati na din ako syempre.
"She was the one" Nagulat ako kay Chad na ngayon at nakatingin saakin. Sino bang tinutukoy nitong she was the one? Yung babae ba na nagsalita?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Naguguluhan ako eh.
"Her name is Denise. You want to hear the story?" Alok niya saakin. Tinignan ko yung Denise na ngayon ay nakalapit kay Gregg. Medyo madilim kaya hindi ko gaano kita ang mukha ni Gregg. Siy si Denise? Siya nga siguro yung Denise Gomez na pinagsisigawan nung isang araw sa school.
"No thanks. Wala naman akong pakielam dyan" Sabi ko tatayo na sana ako pero binagsak niya ang kamay niya sa table kaya napaupo uli ako.
"10 years ago. We both liked her DONE" sobrang interesting ng kwento niya. Ngumiti ako at tumawa.

BINABASA MO ANG
Cassanova's Heredity (SullixChanyeol)
RomanceWe did... Kahit na wala siyang nararamdaman sakin. Pero ako puno ng pagmamahal ang namagitan sakin. Pero siya? Saya lang ang gusto niya. At nagbunga ang maling nangyari saamin. Now. He need to take responsiblity to his son kahit na wala siyang puso...