February naaaa! :"> Love month. Month na namin.

52 0 0
                                    

February 2011

February nanaman. School fair na ulit. :) February 7-11 yung school fair nun. 1 year na kami sa Sabado, Feb. 12.

May napagusapan usapan kami ni Richard kung anong araw papasok.

Monday(Feb.7) - Ako, absent. Sya, papasok para friends nya sasamahan nya.

Tuesday(Feb.8) - Pareho kaming aabsent.

 Wedensday (Feb.9) - Ako, papasok para sa friends ko ako sasama. Sya, absent.

Thursday and Friday - Pareho kaming papasok para kaming dalawa magkasama.

Naging okay naman ang Monday to Thursday.

Pero.. Nung Friday, Feb.11 yung araw na kinabukasan anniversary na namin, nag away kami. Pikon na pikon ako sakanya nung araw na to. Para akong punung puno. Hanggang sa nakaupo na lang kami at napaiyak na ko sa sobrang inis.

Richard: Bakit?...

Aileen: Wala. Wag na. 

Richard: Bakit nga?...

Aileen: Wag na. Kalimutan na lang natin. Pag sinabi ko pa, maiinis lang ulit ako.

(At niyakap ko na lang sya nun para mawala yung galit ko.)

Pero.. Kinukulit padin nya ko at gustong malaman yung dahilan. Hanggang sa nainis nga ulit ako at umiyak na.

*Riiiiiing! Riiiing!*

Nagbell na. Halos yun na lang inaantay ng lahat ng estudyante. Na magbell na at makalabas na.

Si Richard at ako nakaupo padin. Tumayo ako, tinignan ko sya. Di padin sya tumayo kaya nagwalkout na ko. Lumabas na ko. Inis na inis ako nuuuun! GRABE! Pero nung patawid na ko. Gulat na gulat yung mukha nung nakita ko syaaa! Sinundan pala ako. At sabay kami naglakad papuntang sakayan.

Normally kasi, mabagal ako maglakad. Pero nung time na yun, ang bilis ko talaga maglakad.

Other students na nakasalubong namin: Happy anniversary sainyo! :)

Pero ako, mabilis pa ding naglalakad.

Richard: Wait lang. Wag kang magmadali. (Samantalang pag naglalakad kami, kulang na lang itulak nya ko para bumilis ako maglakad. Laging nasa likod ko kamay nya para bumilis ako maglakad. Pero nung araw na yun, pinabagal pa nya ko.)

Nung may nakita na kong jeep, sumakay na ko bigla ng walang pasabi sakanya.

Tapos pagkauwi ko. May nagtext:

Ellie: Aileen. Sunduin ka namin dyan sainyo. 

Aileen: Huh? Bakit? San punta?

Ellie: Punta tayo kila Tyler, nandun si Richard. Pinapasundo ka. Baba ka na. Dito na kami.

At ayun nga, nagpunta kami kila Tyler.

 Pagkapunta ko dun, nakapagluto na sila ng Pancit Canton at kakain na. Marami rami din kami nun.

Richard: (Sinusubuan ako ng pancit canton)

Aileen: Ayoko. Maanghang. (Di kasi talaga ko kumakain ng maanghang)

Richard: Hindi yan. (Tapos sinubo ko na.)

Sila: AYIIIIEEEEEE.

Richard: Okay na tayo?

Aileen: Uhhhhhm? DI PA.

Tapos ayun nga. Nung andun na kami. Silang lahat naglalaro ng spin the bottle. Pero kami ni Richard, nasa isang tabi lang at naguusap.

Igniting the Flame of Love (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon