Sa pait na dulot ng nakaraan,
Sumabay pa rin sa agos ng karagatan.
Umiyak, nalugmok, nasaktan!
Ngunit siya’y uliran, kaya’t bumango’t lumaban.
Noon pa ma’y sandalan ka na ng musmos mong anak,
Gabay nga’t patnubay mo’y talagang iginawad.
Kung sa bulaklak ay inalagaang sapat,
Walang kawangis at tunay na angat.
Pagsalubong sa bukangliwayway,
Bagong umaga’y binigyang kulay.
Pag-alis mo’y hindi paglisan,
Bagama’t patotoo lamang sa’yong ramdam.
Ligayang nadarama’y walang kapantay,
Tulad ng malayang ibon, langit ma’y baybay.
Pagmamahal mo, sa’king puso’y nangingibabaw
Kahit malayo ma’t mata’y hindi ka tanaw.
Pagsinta at paggiliw ko’y sa’yo inaalay
Sa puso, isip, maging sa dugo’y nananalaytay.
Aking ama, minamahal kitang tunay
Nag-iisa ka lamang sa akin ay bigay.
thanks for reading ..
-k3u17 ",)