Prologue: The Wounded Girl

16.8K 167 11
                                    



 "Love is a game. People take it seriously and put a lot of effort. Some people just play with it and play it the way it'll hurt. So for a reason, somebody wins and loses."

Nakilala kita at hindi ko itatanggi kung gaano kita minahal. Minahal kita nang sobra. Pero bakit umabot tayo sa ganito? Hindi ba, okay naman tayo? Masaya naman tayo? Ganito ba talaga ang pag-ibig? Lahat ba talaga ng nahuhulog, nasasaktan? Lahat ba ng umaasa, umiiyak lang sa huli?

Akala ko ikaw na 'yung lalaking makakasama ko habangbuhay. Akala ko tayong dalawa na 'yung magkasamang lalaban para sa ating dalawa. Para sa kinabukasan natin at sa mga pangarap na tayo mismo 'yung bumuo nang magkasama. Pero mali yata ako, kasi naiwan ako sa ere. Iniwan mo ako sa ere. Lumulutang, nag-iisa, naghahanap ng sagot sa mga tanong na ikaw lang naman ang makakasagot. Humahanap ng gamot sa sakit na ikaw mismo ang nagdulot.

Mas mabuti na sigurong wag na lang umasa pa. Mas mabuti na sigurong manatili sa ere kahit na ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na hindi ka na babalik. At 'yung mga sagot na hinahanap ko, matagal ko nang nakuha 'yun. At kahit ilang beses ko pang itanggi ang katotohanan, alam kong hindi na ako ang laman ng puso mo.


Mas mabuti na sigurong wag na lang magmahal pa. Mas gugustuhin ko nang ikulong ang sarili ko at protektahan ang puso ko, kaysa sumugal pang muli para lamang masaktan. Baka hindi na kayanin pa ng puso ko.

Afraid to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon