Should I give up? </3

56 1 0
                                    

March 2011

March naaa! :) Pero syempre, kami pa. March 4 yun, Friday. Mga 10pm na yun ng may nagtext sakin:

Tita Tracy: Aileen. Gising ka pa?

Aileen: Opo tita. Bakit po?

Tita Tracy: Sama ka samin bukas, Tagaytay.

...Natuwa ako nun at sila Mama at Tita Tracy yung nagusap nun. At syempre, pinayagan ako ni mama. :)

Sabi 7:30am daw ako susunduin ni Tito Ryan. Kaya nag alarm ako 6:45 para maligo.

E pagkagising ko, daming texts sakin, nasa baba na daw si Tito Ryan.

Tumakbo ako pababa kahit di pa naghihilamos, etc.

Aileen: Di pa ko ako nakakaligo e. Sabi nyo po kasi 7:30

Tito Ryan: Sige, okay lang. Magaantay ako.

At ayun, sobrang nagmadali ako at kahit ano na lang yung masuot kong damit. Pagkatpos kong maligo, andun si Tito Ryan, tumakbo na ko kahit di pa nagsusuklay. (Lagi naman kasi akong may dalang suklay.)

At ayun, e ang totoo kasi galit kami ni Richard. So, nasa byahe, di kami nagpapansinan. Dalawang babaeng kapatid nya yung katabi ko. Sya, nasa likod. Nung nakapikit na ko, may naririnig padin ako. 

Kapatid nya: Mama? (at parang tinuro nya ko sa mama nya)

Tita Tracy: LQ pala sila e. Si Richard andun sa likod tulog na din.

At maya maya, nagising ako:

Tita Tracy: Si Aileen, kumain na ba?

Tito Ryan: Di pa yan kumakain. Nung sinundo ko yan bagong gising lang yan. 

Tito Tracy: Bili tayo ng tinapay.

..Binilhan ako ng mamon kasi nga may ulcer ako, bawal magutom. Natuwa ako sa parents nya kasi inaasikaso talaga ko kahit si Richard, parang walang pakelam sakin.

At yun, nakarating na sa Tagaytay. Nagpunta muna sa lugar na may horseback riding at doon kumain kami. Pagkatapos nun,nagpunta kami sa Caleruega, isa syang simbahan sa dulo. Ganun ganun. Pero buong araw, mga kapatid lang nya at hindi sya yung nakasama ko. Nung pauwi na, sasakay na ko. Pagkabukas ko ng pinto:

Tito Ryan: Aileen, dun ka daw sabi ni Richard sa likod. (Para magkasama kami.)

At ayun, magkasama kami. Una, sobrang opposite pwesto namin hanggang sa nauntog ako! =)) Kaya ayun, pinatabi na nya ko sakanya.

Nung time na yun, naramdaman kong prang last na. Ewan ko. Pero natutulog sya sa lap ko, nakatitig ako sakanya. Tinititigan ko mukha nya. Parang kinakabisado ko yung mukha nya. Basta parang, LAST NA TLGA. </3 Tapos nung matagal na, Nakahiga na sya sakin. Yung parang unan ako na parang tandayan. Parang baby na nakayakap sa hotdog na unan. Ako yung unan, sya yung baby. At ayun. Mga 8pm na ko umuwi nun. Parang sinulit ko na talaga.

At nagdaan ang March 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13.

March 14

1st day ng last periodical test namin, gusto ko sanang yayain si Richard kumain para maayos lahat samin. Para maayos namin yung kami. Tapos tagal ko syang inantay lumabas ng classroom:

Aileen: Kain tayo.

Richard: Uh? Ehhh--

Aileen: Lika na. Usap tayo.

Richard: Dito na lang tayo magusap.

Aileen: Bakit? ANO BA?!

Richard: Dito na nga lang.

Aileen: Bakit ba?

Richard: E ksi-- madami pa kong gagawing projects.

Aileen: Sige na. Last na to.

Richard: Eh.. Kasi--

...Tinalikuran ko sya.

Aileen: Edi umalis ka na!

...Tapos umalis sya.. Iyak na ng iyak ng iyak ng iyak ng iyak,

Niyakap ako ni Marra at lalo akong naiyak ng naiyak.

Si Marra at Marie ksama ko.

Marie: Naawa ako sayo nung nakita kong nakatingin ka sakanaya taspo papalayo sya at ikaw, iyak ng iyak. Di man lang sya lumingon. :(

At ayun, di kmi umalis.

Yung araw na yun, umiyak nanaman ako ng umiyak. :( Nadudurog nanaman puso ko. </3. Sabi ko sarili ko nun "Bukas last na, pag wala pang nangyre, siguro time na para sumuko na ko. Sobrang sakit na."

March 15, 2011

Kagabi, nagpaalam ako kay mama 

Aileen: Ma, punta ko kila Richard bukas please? Tutulungan ko sya gumawa ng projects nya. Tsaka dun na din kami sabay na magrereview. Dalawa na lang naman itetest bukas e. Ha ma?

Mama: Alam nya bang pupunta ka? Baka magmukha ka nanamang tanga?

...Yung yung sabi ni mama. Pero kasi, totoo naman. Alam lahat ni mama samin ni Richard. Lalo na pag umiiyak ako, sya at si papa pinagsasabihan ko ng problema.

Yun nga, uwian naaa. Inantay ko ulit sya.

Aileen: Punta ako sainyo. Tulungan kita sa projects mo.

Richard: Wag na. Patapos na din naman e.

Aileen: Sge na. Di ka pa nga patapos e. Dami mo pang gagawin. Pinagtanong ko nga sa teachers ano mga wala ka pa e. (Totoo kasi, nagtanong ako sa ibang teachers kung ano pa kulang nya.)

Richard: Wag na.

Aileen: Sige na, para makapagusap tayo.

Richard: Wag na ngaaaa!

Aileen: >:(

Richard: Ikaw talaga. Pag gusto mo, gusto mo e noh!

Aileen: Sge na! Nakapagpaalam na ko kay mama e!

...Pero ayun, di nga sya pumayag kahit na pinilit ko pa.

Hanggang sa kahuli hulihan, pinilit ko naman e. Ginawa ko lahat mabalik lang yung dati, magkaayos lang kami. Pero baka oras na nga para sumuko na. 

March 15, 2011 6pm:

Tinext ko sya.. (Di na rin kasi kami nagkakatext e. Huling text namin last month pa.)

Aileen: Baby ko? I love you. Pagkabasa mo nito, break na tayo.

At ayun nga. :( Pero may last day pa. Akala ko di nya alam na wala na kami kasi naman walang reply.

Nung nandun ako, narining ko.

Friend1: Si Aileen oh. (Tinuro nya ko kay Richard.)

Friend2: Tanga! Wala na sila.

Friend1: Oh? 

Tapos umoo ata si Richard. At ayun. WALA NA NGA.

ENDING NA BA TALAGA?

Igniting the Flame of Love (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon