JESTER’S POV
“Hindi ako naniniwala. Yung mukhang nyan? Ugh.” Hindi daw sya sinungaling? Imposible naman yun. Bigla bigla syang makikipagkaibigan sakin? Ayoko ng magtiwala pa. Nasaktan na ako minsan. Ayoko ng maulit pa yun. Naloko na ako at hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun. Kung nakinig lang kasi ako. T.T
“Huwag ka naming masyadong judgmental. Masyado ka. Nakakahurt ka din naman ng feelings. Huhuhuhu T_T *sniff* *sniff*” Sabi nya na may paiyak-iyak effect pa. Parang timang lang noh.
“That was so gay Mr… what’s you’re name again?” OMG. I just forget his name. Jack lang naaalala ko. Ayun lang kasi yung narinig ko ng malinaw nung nagpakilala sya.
“Jack Frozz Filasco, boss.” Filasco? He’s a Filasco? Hindi ko narinig kanina yung surname nya nung nagpakilala sya. Jack lang talaga narinig ko. Hindi ko alam. Waaaaaaaah.
“Don’t call me boss, you jerk! Unless gusto mo talagang maging utusan ko?” Hahahahaha. Paboss-boss pa tong baliw na to. Sapakin ko na ba?
“Sure. Pagsisilbihan kita oh aking prinsesa.” He smiled. Huwaaaaaaaat? Ohhhhh. Masaya to. May instant julalay ako. Pahihirapan ko sya. Pagsisisihan nyang nag-offer sya.
“Magkano ka ba?” Baka mahal naman bayad neto.
“For free lang po boss.” Seriously? Okay;) Madali akong kausap.
“Okay. Kailan mo balak magsimula?” Pahirapan ko talaga to. Waaaaaaaaaah!
“As early as tomorrow, boss.” Hala. Bukas na? Sige.
-------------------------------------------------------
JACK’S POV
Pumayag akong maging utus-utusan nya. Pag ganun ang situation naming, lagi kaming magkasama. Mapapadali yung plano ko. Bwahahaha. Oo nga pala. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nya. Ang aga ko ngang nagising eh. Ang layo kasi. Isang oras byahe -_- Tsk. Sayang pa gas ko. T.T Bumaba ako ng kotse at pumasok. May sumalubong sakin na guard.
“Good morning Sir. Si Lady J po ba hanap nyo? Tulog pa po sya.” Sabi ng guard. Natural. Sino pa ba may-ari ng bahay na to? Sya lang naman. Sya lang pupuntahan ko ditto. Depende nalang kung nandito yung cook nya. Na-love at first taste ako. Meron ba nun? Wait. Whaaaaat? Tulog pa? Anong oras na oh? 1 hr nalang at magta-time na. Babyahe pa kami. Ayokong ma-late. Ayokong bumagsak. Hindi pwede. Nakakahiya sa pamilya ko. Nagcutting na nga ako kahapon eh.
“Ganun ba? Pwede ba pumasok? Kaibigan nya ako.” Sabi ko dun sa guard.
“Bawal po eh. Mahigpit na pinagbilin samin yun ni Lady J.” Sagot ng guard. Ang higpit naman. Bawal pumasok? Mukha ba akong may masamang intension?
“Kaibigan ko sya.Papasukin nyo ako!” Sabi ko sa guard. Please! Papasukin nyo na ako.
“Oscar! Papasukin mo. Kaibigan yan ni Lady J.” May nagsalita. Lalaki. Paglingon ko… Si Kuya… Roger ba yun? Kuya Roger nga ba? Oo. Si Kuya Roger nga. Waaaaaaaaah. Thank you Lord. Allelujah. Hulog ka ng langit.
“See? Sabi sayo eh. :P” Ayaw kasi maniwala. Ayan tuloy. Napahiya sya
“Pasok na kayo Sir. Pasensya na ah? Nandun po sya sa kwarto nya. Unang kwarto po sa right side. Natutulog pa ata yun.” Sabi ni Kuya Roger. Edi pumasok na ako ta pumunta sa kwarto ni Jes.
-----------------------------------------------------
Nasa second floor na ako. Nakita ko na yung kwarto nya.
Nasa tapat na ako ng pinto nya. Weh? Sa kanya ba talaga to? Mukhang hindi kasi eh. Hindi bagay sa mukha nya pero bakit Lady J yung nakalagay sa plate? Katukin ko na nga para malaman ko.
*Tok* *Tok* *Tok*
Aba. Walang nasagot. Tulog nga ito. Try ko kayang buksan? Baka bukas kasi eh.
*Twch*
Pinihit ko yung doorknob at … BUKAS SYA! Walangyang babae to. Hindi nagsasara ng pinto. Eh paano kaya kung pasukin sya? Eh di patay sya? Eh ano naman ba sakin? Eh bakit ba ako concern masyado? Mas mabuti ngang mapatay na sya eh. Para mawala na sya sa landas ng mga naaapi nya.
Pagpasok ko, ayun sya! Natutulog pa nga. Kung nandito sya at natutulog eh sa kanya to? Woah. Unbelievable*O*
Sa pinto kasi nya ay may mga malalaking…
Sticker ng elmo, cookie monster, stitch, tigger, Pikachu at kerokeropi.
*Click*
Binuksan ko yung switch ng ilaw sa may side ng pinto.
At nagulat ako sa aking nakita. Waaaah *O*
Ang daming stuff toys. Puro elmo, cookie monster, hello kitty, mickey mouse, pooh, stitch, tigger, pokemons at kerokeropi. May dango nga din eh. Waaaaaaah :O
Yung wallpaper naman nya ay mga doodles. Kaso hindi ito plain black and white. Colorful ito. ^___^ Ang cute lang.
Yung carpet naman nya ay rainbow yung design. Ano bay un? Ang corny XD
Yung cabinet naman nya ay shapes ang design. Ganto ba talaga sya? Yung totoo?
Napatingin ako sa kama nya. Yung bedsheet nya ay floral. Yung unan naman nya ay plain white. Ayun nlang yung plain sa kwarto nya.
Napalingon ako sa tv nya. Flat screen ito na nakasabit sa wall. May nakabalot ditong ruffles.
Tumingin naman ako sa taas ng pintuan. Merong nakadikit na puzzles na foam. Mga letters yun at nagform ng *WELCOME TO MY KINGDOM* Alam nyo yung parang mat sya na foam. Yung madalas Makita sa mga playroom ng mga bata? Ganun sya.
Lumapit ako sa isang table. Study table nya ata to. Black yung paint nya. Nakapatong sa table yung laptop nya na pink. Hello kitty yung design.
May shelves din sya. Black din yung paint. Ang daming books. Kaso ang nag-occupy talaga ng shelves ay mga pocketbooks as children’s books. Nasa 50+ lang ata yung mga novels. Tapos tatlo lang yung encyclopedia. Meron rin syang sets of dictionaries. Sa taas naman ng shelves ay may mga pencils, ballpens, and pentlepen. May mga coloring materials pa. Mapa-paint, pencil, pen at pastels. Tapos madami ding papel.
Pagkalingon ko naman sa left ng bed nya ay may bulletin. Ang daming nakadikit. Mga drawing na pambata tapos mga post its. May mga letters din na gawa ng mga bata. Halata naman eh. Hindi ko ito iniexpect.
Yung mga cartoon characters, bakit alam ko yun? Nakakagulat noh. Syempre dumaan din naman ako sa pagkabata. Pero ang mas nakakagulat dun ay…
Si JESTER KEITH AMOROSSI ay nagpaiwan? Nandun pa din sya? Walang balak umalis? HAHAHAHA
Lumapit na ako sa kanya para gisingin sya. Kaso napatitig ako. Ang ganda nya. Ang amo ng mukha nya. Mukha syang anghel… pag tulog. Kahit naman gising basta huwag lang magsasalita.
Gigisingin ko ba? Ang himbing ng tulog nya eh. I don’t have the heart to wake her up. Pero kailangan. Malelate na kami. Anong oras nab a? 30 mins nalang bago magstart yung class namin. So 30 mins ko din tong ininspect yung kwarto nya? Ohgeez.
Pero kailangan ko na talaga syang gisingin.