Chapter 12

505 21 1
                                    

(A-Ches' P.O.V.)

Ito na ang araw na pinakahihintay namin!!!

The Grand Fashion Show!!!!!!!!!

"Mas excited ka pa sa akin!" Reklamo ni Sanyel

Sadly, hindi ako nakasama, nag-iinarte kasi si Sir.Min at di ko alam kung bakit di ko siya mapilit na isali ako rito

Hindi raw ako sexy, ang sama!

"Bakit ba kasi pinauna natin si kuya eh," reklamo niya habang naglalagay pa ng checkline sa mata

"Eh kasi nga, para sabihing susunod nalang tayo!" Sabi ko, ang tagal tagal mo kasi!

"Tsk, nakalimutan ko pa yung phone ko, haaay, tawagan mo nga si Kuya," sabi niya

"Opo, Ms.Kim," sabi ko at tinawagan si TaeHyung pero hindi ko siya ma-dial

"Ayaw," sabi ko at inabot sa kanya ang cellphone

"Try ko ulit," sabi niya at dinial ulit pero ayaw talaga

"Itapon mo na cellphone mo!" Reklamo niya habang patuloy na tinatawagan si TaeHyung

"Di ko kaya, nagmamaneho ako," pilosopo kong sagot

(TaeHyung's P.O.V.)

"Sir, hindi ko po sila ma-contact," sabi ko

"Bakit kasi ayaw mong si Ms.Shin nalang!?" Tanong ni Sir.Kim at Manager Jung kay Sir.Min na nakade kwatro lang sa upuan

"Hindi siya bagay," sagot niya lang

"Asaan na ba sila?" Tanong ni Sammy

"On the way na siguro pero ang tagal tapos di ko mpa ma-dial," sagot ko

"Paano iyan, malapit nang magsimula," nag aalalang paalala ni Sammy, napatingin ako sa CEO namin...

"Haha mukha siyang babae!"

Naalala ko nang ipakita ni A-Ches ang picture na iyon at in-edit nila ni Sanyel at pinagkatuwaan

"Bakit ka nakatingin sa akin?" Nagulat ako sa pagtanong niya, napansin niya pala iyon, napailing nalang ako

"Bakit TaeHyung?" Tanong ni Manager Jung

"Iniisip ko lang po, mukha naman po kasing babae si Sir.Min," sagot ko, mukhang naintindihan naman nila ang ipinararating ko dahil tumango tango sila

"Alam mo, mukha ka ring babae eh," sabi niya

"H-Huh?" Tanong ko

"Tutal ikaw ang nakaisip, ikaw dapat ang maunang gumawa," nakangiting sabi ni Manager Jung

"Kalokohan!" Sabi ko

"Ang galing ko talagang mag joke haha," sabi ni Manager Jung, sinamaan ko siya ng tingin

"Ano iyo, teka, ano iyon?" Tanong ni Sir.Kim

"M-Marunong po akong mag make-up," sabi ni Sammy

"Puwede ngang ikaw kaysa ako," sabi ni Sir.Min na nakatingin na rin sa akin ngayon, patay

"Pero Sir-"

"Kawawa naman si Ms.Kim, baka sisantehen ko dahil sa act of tardiness niya," putol niya sa sasabihin ko

"At sayang, tataasan ko pa naman ng 20% yung sahod, tsk tsk," dagdag niya, napaisip ako na nakonsensya sa sinabi niya...

Bakit ba kasi ibinahagi ko pa yung ideya na iyon asaaar!!

"Sige, para kay Sanyel," walang gana kong sagot

📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon