Kung ako ang tatanungin niyo, isa lang ang masasabi ko: Hindi ko rin alam at lalong hindi ko inasahan. Hindi ko alam kung paano nila nalalaman kung kailan sila umabot sa dulo, o kung paano nila nararamdaman na patapos na sila, pero noong araw na 'yun, wala naman akong naramdamang mali. Wala naman akong nakitang iba. Hindi ko naman inasahan na iyun na pala 'yun, kasi nitong mga nakaraang araw at linggo, ayos lang naman kami. May kaunting pagtatalo pero normal lang naman para sa akin. Para sa akin wala lang lahat 'yun eh, kasi hindi ba ganoon naman talaga ang mga relasyon? Darating 'yung mga oras na magtatalo at mag-aaway kayo, pero kapag nagkabati na, balik na sa dati. Okay na ulit. Kaya hindi ko inasahan na noong oras na 'yun, guguho na pala ang mundo ko.
Malakas ang ulan noong araw na 'yun, na-late ako sa school dahil may meeting ang organization namin para sa event na binubuo namin. Kakain dapat kami sa labas noon ni Patrick kaya hinihintay ko siya na sunduin ako. Hindi naman siya matagal na dumating, kaya sa totoo lang, walang away o diskusyon na nangyari. Maayos lahat. Normal. Noong dumating siya, sumakay na agad ako sa kotse niya, pinagbuksan niya pa ako ng pinto at pinayungan. Hindi siya malamig sa akin noon. Malambing siya, kagaya lang ng dati. Kinakamusta ako, tinatanong kung anong nangyari sa araw ko, normal lang. Kampante ako kasi normal lang ang lahat.
Dumating kami sa restaurant, okay pa rin ang lahat. Katulad ng dati, gentleman pa rin siya. Pero noong kumakain na kami, bigla niya na lang sinabi 'yung bagay na matagal na pala niyang kinikimkim.
"Love, may sasabihin sana ako sayo."
At dahil wala pa akong alam, inakala ko na mabuting balita 'yun o baka may sorpresa siya para sa akin. "Sure, ano ba 'yun?"
"I'm sorry, Ben... I'm- I'm breaking up with you."
Noong narinig ko 'yan, hindi ako makapaniwala. Hindi ko maintindihan lahat. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin. Kaya kahit na alam ko na 'yung sagot, tinanong ko pa rin siya. "A-ano? Sigurado ka ba? Jino-joke time mo ba ako?"
"Benice."
"Patrick, please. Wag mo akong biruin. I-enjoy na lang natin 'tong food."
"Benice." At noong tinignan niya ako sa mata at narinig ko na siyang sabihin ang pangalan ko nang seryosong seryoso, ang napabuntong hininga, alam ko na. Ganoon siya sa lahat ng bagay kapag seryoso siya. Kapag binabantayan niya 'yung mga pamangkin niya at hindi niya masaway, kapag bumuntong hininga na siya at nagseryoso na ang tingin at ang boses, kailangang sumunod na sa kaniya at seryosohin rin siya. Kaya noong oras na iyon, alam ko na ang sagot na kahit ako mismo iniiwasan kong marinig.
"Pat, bakit? May iba ba?"
"Benice, wala. Sorry, pero... hindi na kita mahal."
Pagkasabi niya noon, nag-iwan siya ng pera sa table, tumayo, at tuluyan nang umalis. At hindi ko na siya nakita, nakausap o nakasama pa. Umalis na siya nang tuluyan sa buhay ko at iniwan ako.
Sino ba naman ang makakapagsabi na sa apat na salita lang, guguho na ang mundo ko?
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
عاطفيةAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...