Unrequited Love(JeMik FanFiction)

836 9 8
                                    

"Konti nalang talaga dudukutin ko na mata niyan!" Iritable kong pahayag sa mga Bullies.

"Si Jeron na naman ba Mika?" Si Ara. "Hay nako ye!Masanay ka na nga lang!Tatlong taon ka nang ginaganyan eh!" Ang bruhang si KIm.

"Kim naman!Eh halos bilang niya lahat ng hakbang ng mga paa ko.No wonder!Ipusta ko pa atay ko,alam din niya kung ilan ang ikinurap ng mata ko ngayong araw na ito.Di naman nakapagtataka na MAGANDA AKO.Syempre MIKA AEREEN M. REYES ata toh noh!...pero kasi NAKAKAIRITA!" Reklamo ko.

"Bwahaha.Ano siya?Human converter?" Si kim.

"Uy,tama na nga 'yan.Third year college na tayo!Dapat maaga!" Si Ara.

"AYAW KO NGA!Duh?classmate ko kaya siya" Halos matupi na ang maganda kong mukha dahil sa aking pagkasimangot.

"So what?Pake ko?Isipin mo nga kung ano ang ipinunta mo ditto.Diba para mag-aral?At hindi para MAGMASID ng chinitong mata na nakatitig sayo!" Sagot naman saakin ni Kim na halos umabot na sa rooftop ang taas ng kilay.

"Very Good!Palakpakan!Mahusay Kim Fajardo.Tara na nga!" Sabi ko naman at nauna nang naglakad dahil paniguradong umiiling na naman ang ulo ng dalawa.

______________________________________________________________________________

"Any question?...Okay wala na.Class dismissed." Si Prof.

Yes!Bwahaha.Gutom na ako.Kailangan ko nang lumabas dito dahil ito na naman ang mga titig niyang nakakapag-init ng dugo.Pinapatay siguro ako ne'to sa isip niya.Grr!Creepy!

"Hi MIka." Out of nowhere may lalakeng tumawag saakin.Tsk! Si Thomas Torres pala.

"Ano na naman ang kailangan mong hinayupak ka?" Konti nalang masisipa ko na itong bansot na ito palabas ng earth at nang matamaan ng asteroids sa kalawakan at tuluyan nang mabagok!

"Ito naman,Suplada!Hello daw sabi ni Jeron Teng." Sagot niya.At aba with wide smile pa.Tanggalin ko ngipin ne'to eh!

"Paki-alam ko diyan.Alis nga dyan!Baka maapakan kita ay este dadaan ako,Ano ba?!Aalis ka o gagawin ko munang pintura  yang dugo mo?" Pananakot ko sakanya.Bwahaha ano ka ngayon Torres?

"BURRRRN!"  Ay ang mga supporters ko pala sina AVO at Gabby.Mega tahimik naman ni Teng.Bungi siguro.Haha

"G*go kayo!" Sigaw ni Thomas.Buti alam mo!

   Ganiyan lagi eksena naming sa Room na ito.Bakit ba?Eh sa gusto ko eh.Mga mayayabang naman sila kaya dapat mapahiya rin minsan.Wag niyo na itanong.Basagulera talaga ako.EXCUSE ME?SOSYAL na basagulera!Nag-aral kaya ako ng Taekwondo and I got my green belt title.Pati narin sa Martial Arts nag-eenroll ako noon tuwing summer class noong High School.Wala lang.Sa ganda ko pa naming ito baka gahasain ako,Mahirap na noh!Self Defense lang.Totoo Volleyball Player nga ako.Pero kapag may manyak dapat tumakbo pa ako sa GYM para humanap ng bola at muling babalikan ang Rapist para spikan sa mukha?Ganun?LOL!

"Hi Bullies!" Masayang bati ko sa mga bruha nang makarating sa Cafeteria.

"Hello Ye!" Tugon nila sa akin.

"Teka?Si Teng ba iyon?" Si Kim.Huh?Si Jeron?Nakakaasar na to!

"Asan?" Kami.

"Ayon oh!Diba siya yun?Haba ng hair mo Ye!Itali mo nga baka mahalo sa kakainin mo." Sabi ni Kim habang tinuturo ang lalakeng nasa di kalayuan sa tapat namin.

"Kimmy!Pati ba naman paningin mo itim na ang nakikita?Hindi lang pala skin mo ang maitim pati mata mo narin." Pabiro kong kumento.Eh haba daw nang hair.Naka short haired kaming lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unrequited Love(JeMik FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon