CHAPTER 45

1.5K 94 152
                                    

CHAPTER 45

"Happy Birthday Yoonji!" Bati namin ng sabay sabay kay Yoonji. Karga ko si Yoonji dahil hindi nya abot yung cake na nasa table.

Sabay kaming umihip ni Yoonji sa candle nya. 2 years old na si Yoonji at unti-unti nang nagkakaisip yung anak ko. Natatakot tuloy ako kapag lumaki na yung anak ko dahil masyado syang maganda. Nagmana kasi sakin tapos maganda pa yung nanay nya.

"Say thank you, baby." Sabi ko kay Yoonji.

"Thank you po." Sabi nya at napangiti ako. Ang bait ng anak ko, nagmana sa tatay nya.

Pinaupo ko si Yoonji sa uupuan nya at binigyan sya ng pagkain. Nagsimula na ring kumain yung ibang tao. Sinusubuan ko lang sya ng pagkain nung biglang lumapit si Taehyung para bigyan ng regalo yung anak ko.

"Hi, Yoonji. Pa-hug naman ako." Sabi ni Taehyung pero pinigilan ko sya.

"Ano na naman?" Tanong ni Taehyung dahil alam nyang hindi basta bastang pwedeng lumapit sa anak ko.

"Ikot." Sabi ko. Inirapan muna ako ni Taehyung bago sya umikot. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa kung malinis ba sya dahil baka biglang magkasakit yung anak ko kapag niyakap nya yung tito nyang may saltik.

"Taas kamay." Sabi ko. Mukhang naiinis na si Taehyung pero tinaas pa rin nya yung kamay nya kaya kinapkapan ko sya.

"Sana guard na lang yung kinuha mong trabaho at hindi manager." Sabi ni Taehyung bago nya niyakap yung anak ko.

Maarte talaga ako dahil sa oras na magkasakit yung anak ko, hinding hindi ko na papalapitin sa kanya yung mga taong lumapit sa kanya bago sya magkasakit.

"Buksan mo na yung gift ni Ninong Pogi." Sabi ni Taehyung. Parang gusto kong sumuka dahil sa narinig ko pero tinulungan ko na lang si Yoonji na magbukas ng regalo.

Halos mapalo ko na sa mukha ni Taehyung yung regalo nya nung nakita ko, "Bakit Transformers to? Mukha bang lalaki yung anak ko?" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat naman si Taehyung sa pagsigaw ko sa kanya at rinig na rinig ko yung pagtawa ng mga kaibigan ko na nasa kabilang table, "Anong masama sa Transformers? Favorite nga ni Jisoo yan eh!" Sigaw din nya sakin.

Hindi ko na natiis at pinalo ko na sa ulo nya yung regalo nya, "Magkaiba yung anak mo at anak ko. Sipain kita eh. Iluwa mo yung spaghetti na kinain mo at lumayas ka sa harapan ko." Sabi ko sa kanya.

Napailing na lang ako nung nilabas ni Taehyung yung dila nya na parang bata bago sya bumalik sa table nila, "Tarantado." Bulong ko.

Pinakain ko lang si Yoonji at ako na yung umubos ng pagkain nya nung hindi na nya kaya. Eto siguro yung trabaho ko sa bahay... yung ubusin yung natitirang pagkain ng anak ko.

"Jimin hyung." Napatingin ako kay Jungkook nung lumapit sya.

"Magbibigay ka rin ba ng regalo? Kung pwede, yung matino naman kasi isasampal ko talaga sa mga mukha nyo kapag katarantaduhan lang yung ibibigay nyo sa anak ko." Pagbabanta ko kay Jungkook.

Napanguso naman sya bigla, "Sige na nga, di ko na lang ibibigay yung regalo ko." Sabi nya. Lahat ba ng kaibigan ko puro katarantaduhan yung dalang regalo?

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon