"Mom, I need to know who is my father. Kahit ano man ang nagawa niya, he still deserves to know his daughter. I also deserve to meet him." Sigaw ko kay Mommy sa telepono. Kanina pa kami nagtatalo dahil ayaw pa rin niyang sabihin kung sino ang ama ko.
"I'll tell you soon. Uuwi ako diyan." Saad ni Mama at pinatay na ang tawag without letting me na makasagot.
It's been two years nung huli kaming magkita ni Mommy. Nasa London siya ngayon para sa bussiness niya.
Gusto kong makap-isip nang maayos. Gusto kong mafreshen up ang utak ko.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naka-upo sa isang swing sa park.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako dinukot. Hindi ko pa rin kilala kung sino sila.
Bakit si Xander? Sino ba talaga si Xander?
Si Jaimee? Sino ba talaga siya at palagi na lang siyang andyan? Bakit may alam siya sa pagkidnap sa akin?
Gulong gulo na ako.
Loro? Lendro? Ano ba talaga sila?
Yung patayan sa school? Magkakakonektado ba sila?
Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ito o kung bakit ko ito pinoproblema. Basta ang alam ko lang, matatahimik ako kapag naayos ko ito.
"Taho! Taho! Oh Iha, andito ka ulit. Gusto mo ng taho? May strawberry flavor ako." Naputol ang aking pag-iisip nang lumitaw si Tatay Miko sa harap ko at inaalok sa akin ang taho niya.
Kinuha ko naman ito at inabot ang bayad ngunit tumanggi ito.
"Huwag na Iha. Libre ko na yan sa iyo." Ani niya at ngumiti. Pansin ko lang, parang kahawig ko siya pero hindi ako sigurado. Sa tuwing ngumingiti siya, parang nakikita ko yung sarili ko sa kaniya.
Shunga Lisa, sabi ni Mommy, kriminal ang tatay mo hindi magtataho.
"May problema ka ba Iha at panay ang pagbuntong hininga mo." Saad ni Tatay Miko at inaayos ang kaniyang paninda.
"Wala ho ito. Maliit na problema lang po." Ani ko at binigyan ko siya ng assuring smile.
"Ah ganun ba iha? Kapag kailangan mo ng kausap, huwag mong kalilimutan na andito lang ako at handang makinig sayo." Saad nito at kumuha ng taho para sa kaniya.
"Tatay Miko, bakit ho ba ang gaan ng loob ko sa inyo?" Biglang tanong ko at napangiti naman ang matanda.
"Hindi ko rin alam Iha pero pareho tayo. Magaan din ang loob ko sa iyo." Sagot niya sa tanong ko. "Sige na, kailangan ko pang magbenta. Hanggang sa muki Iha." Dugtong pa niya at nilisan ang parke.
Mag-aalas dyis na ng umaga nang mapagpasyahan kong bumalik sa school at simulan ang plano ko.
Aalamin ko muna ang nangyari sa mga naganap na patayan nitong nga nakaraang linggo.
Isusunod ko ang Loro at Lendro.
At ihuhuli ko si Jaimee at Xander.
Walang tao sa kwarto at malamang ay wala na naman si Jaimee. Naabutan ko siyang kasama ang anak ng new investor ng school kanina, malamang ay ito ang kasama niya.
Naligo lang ako at agad na umalis.
Pupuntahan ko siya.
Ang taong makakatulong sa una kong plano.
"How may I help you Mis?" Utas ng isang batang pulis na naabutan ko sa lamesa sa prisinto.
"I need to talk to Cheif. Rosales." Sagot ko at nanliit ang mata niya.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
AcciónLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...