Hi Wondy! HAHAHA. :p
Enjoy guys!
=============================
CHAPTER 38
Gising na ang diwa ni Mikay pero hindi pa niya ganap na mabuksan ang mga mata. She waited for the familiar sadness to creep inside her chest. Hindi siya nabigo. Ilang saglit pa ay iyon na ang dadaming naghari sa kanya. Napabuntong-hininga siya habang nakapikit pa rin ang mga mata.
‘I miss you mom,’ tahimik na sambit niya.
Nakatagilid siya nang higa at unti-unti nang minulat ang mga mata. Tumambad sa kanya ang isang kulay pink na rosas na nakapatong sa unan niya. Kasama nito ang kapirasong nakatuping papel na may pangalan niya. Kinuha niya iyon at binasa.
‘Today is a happy day. Don’t let me see a frown on that beautiful face. Happy birthday, love. See you later. I love you.’
Napangiti si Mikay. Nangako kasi siya kay Gino na hangga’t maaari ay hindi siya magpapakita ng kalungkutan sa araw na ito. Ang gusto nito ay buong araw siyang nakangiti. She said she would do her best to keep that promise at mukhang hindi naman siya mahihirapan. He was determined to keep her smiling today.
Nang tumihaya siya ay saka lang niya nakita ang kabuuang ayos ng kwarto niya. Nagkalat ang pulang helium balloons na ngayon ay nakadikit na sa kisame ng silid. Doon ay tuluyan na siyang napatawa.
“Gino…” nailing sa sabi niya habang inaamoy ang bulaklak na bigay nito at nilibot ang paningin sa kwarto. Pinuno rin ni Gino ng sari-saring mga bulaklak ang buong silid. Kaya naman pala mabangong-mabango ang paligid.
Bumangon na siya at dumiretso sa banyo upang maligo. Ang usapan nila ay agad silang pupunta sa puntod ng mama niya. Doon niya gustong dalhin si Gino. That was where she spent her birthday for the last five years.
Ilang sandali pa ay natapos na siya at lumabas na naka-roba. Nadatnan niya si Gino na inaayos ang almusal sa balkonahe. Napalingon ito sa kanya at ngumiti. Wala sa loob niyang hinigpitan ang pagkakatali ng bathrobe niya. She had nothing but underwear on under the robe.
“Good morning,” bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
“H-hi! Aga mo yata?”
Hindi ito sumagot. Sa halip ay inilagay ang kamay sa ilalim ng baba at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. Lihim siyang napalunok.
“W-what?” patay-malisyang tanong niya rito.
“Hmmm. I like this look on you,” pilyong sabi nito at kumindat.
Hindi na niya matagalan ang mga titig nito kaya umirap siya at tinalikuran ito. Nagkunwari siyang abala sa pagpapatuyo ng buhok niya. Dinig na dinig niya ang malutong nitong paghalakhak.
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfikcePara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...