Nang makapagisa nako sa library, nanatili muna ako ng ilang minuto sa loob at Inisa isa kong basahin at pagaralan ang mga dokumentong ibinigay ni Mister Shin, na naglalaman ng impormasyon na posibleng makapagbigay ng lead sa paghahanap ko sa taong nasa likod ng nangyari sa Palawan.
Nang matapos ako sa ginagawa ko, bumaba nadin ako para sumunod sa kabilang kwarto gaya ng sabi ko kay Ken kanina.Bubuksan ko na sana ang pinto ng Saktong lumabas si Ken ng seryoso ang mukha at walang mababakas na emotion dito. "We need to talk!" Seryosong sabi nito at nauna ng maglakad. Sumilip muna ako saglit sa loob ng kwarto bago ako sumunod kay Ken sa paglalakad.
"Anong pinag usapan nyo ni Mister Shin?" bungad nyang tanong ng huminto na kami sa loob ng Garden ng Safe house. Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. "Hindi muna kailangang malaman!" seryosong sagot ko. Ilang sandali muna akong tinitigan ni Ken na para bang binabasa nya ko bago sya nagsalita "I know you! Anong pinaplanong mong gawin? Si Mister Shin walang dahilan para kausapin mo sya Shane! maliban nalang.. kung may binabalak kang gawin!" Panguusisa nya. "You're right! Yung..yung nangyari sa akin at kay Shawn sa Palawan.." pagsisimula ko sa sasabihin ko, ng wala akong makuhang reaksyon kay ken saka ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "Mahigit dalawang taon na simula ng mangyari yon, Pero bakit ganun! yung sakit at yung galit nandito padin" turo ko sa puso ko "Gusto kong may gawin ako! gusto kong maranasan din nung taong may gawa ng lahat kung ano ang pakiramdam ng miserableng buhay masama ba yun? Hindi alam ng taong yun kung sino ang kinalaban nya. Alam kong demonyo na sya! Pero ako hindi nya alam kung ano ang kaya kong gawin! dahil ako ang magiging Kamatayan nya. I'll make sure na hindi pa natatapos ang taong kasalukuyan, eh nabubulok na sa impyerno ang kaluluwa nya at pinagbabayaran na ng demonyong yun ang lahat ng mga kasalanan ginawa nya." nang hindi ko na kinaya, napahagulhol nalang ako at napasalampak sa damuhan at agad naman akong dinaluhan ni Ken ng makita nya ang pagbagsak ko.
"Alam ba ni Tito ang tungkol sa pinaplano mo?" Tanong ni ken habang hinahagod ang likod ko, dahil sa sobrang iyak pagiling na lang ang naging sagot ko sa tanong nya "Pero delikado ang pinaplano mong gawin Shane!" Bakas na sa tono ng boses ni Ken ang pagalala.. "I know! kaya nga hindi ko gustong malaman nyo pa ang gagawin ko diba.. Si Dad hindi nya na kailangan malaman ang tungkol dito dahil alam ko kung anong magiging reaksyon nya once na malaman nya ang pinaplano ko. Ayokong may ibang makakaalam dahil iniiwasan kong may madamay." Sagot ko ng medyo umayos na ang paghinga ko..
"Okay then, I'll help you, if this what you really want i'm willing to help you and make sure that you're in safe" pagsuko ni Ken "Pero hindi mo na ko kailangang tulungan Ken. Ayokong mapahamak ka, I'm sorry pero hindi ko matatanggap ang tulong mo" pagtanggi ko. Eto na nga ba ang iniiwasan ko dahil the more na may makakaalam ng gagawin ko the more na maraming pwedeng mapahamak. "Kung Hindi mo tatanggapin ang tulong ko, then i have no choice but to tell about this to Tito Leo.." banta nya sakin. Nang matigil na ko sa pagiyak inalalayan ako ni Ken sa pagtayo. Nagpunas muna ako ng luha sa pisngi saka ko sya sinagot "Oo na tinatanggap ko na! Tss.. kailan kapa natutong mangblack mail ha?" Inis kong tanong na ikinatawa nya.
"Matagal na kaya wag ka nang magtaka,
By the way! kamusta yung paghinga mo nahihirapan ka pa ba?" Pagiiba nito ng usapan. Ito ang dahilan kung bakit close kami nitong si Kenneth Evangelista kahit sinusungitan ko sya madalas. Bukod sa sya lang ang nagiisang pinsan ko sa mother side eh! thoughtful at maalaga yan pagdating sakin hindi nga lang halata dahil conceited at chickboy sya."I'm fine! hindi naman ako masyadong sinumpong kanina kaya wala kang dapat ipagalala.." paninigurado ko. Tumango naman ito bago nagsalita "I need to go, I'm sure hinihintay nadin ako sa Mansion, You know.. welcome back party na inorganize ni Mommy, since alam kong hindi ka naman pupunta, i decided to visit you instead.. kaya nga ako nandito ngayon. By the way babalik nalang ako dito sa isang araw, dun nalang din natin pagusapan ang pwede kong maitulong sa plano mo and about them! they really adorable.." tinanguan ko lang sya bilang sagot at inayang ihahatid ko na sya sa labas.
Pagkahatid ko kay Ken at nang makaalis na siya dumiretso nadin ako sa kwarto ko para uminom ng gamot at makapag pahinga dahil sa pagsumpong kanina ng sakit ko, medyo sumama na naman ang pakiramdam ko.
3 months later...
Pagbaba ko sa hagdan saktong pagpasok naman ni Dad sa main door at nakangiti akong sinalubong nito ng yakap ng makalapit ako sa kanya. "What's brought you here Dad? Akala ko other day kapa makakadalaw?" Tanong ko rito dahil hindi ko inexpect ang pagdating nya ngayon.
"Well maagang natapos ang contract signing ng mga new investors kaya maaga akong nakadalaw ngayon. Aren't you're happy?" Nakakakunot noo nitong tanong "It's not what you think Dad.. nagulat lang ako sa pagdating mo" paliwanag ko tumango muna si Dad bago tuluyang maglakad papuntang sala na sinundan ko naman."Birthday mo na next week Shane what is your plan?" Bungad na tanong ni Dad nang makaupo nako sa katapat na sofa na inuupuan niya. "Well i'm planning to visit my comport place on that day, Alone!" Sagot ko sa tanong ni Dad. "Sure then Princess if that's what you want. But ofcourse we need to celebrate it before you leave is that fair?" Pangungumbinsi niya na tinanguan ko nalang.
After ng early celebration ng birthday ko kahapon, ngayon ang alis ko gaya ng plano ko.Tomorrow is my birthday kaya mas maganda kung ngayon ako aalis para mas mahaba ang oras ko sa pupuntahan ko.
It takes 1 and half hour bago ko narating ang destinasyon ko na dito lang din naman sa Batangas. Pagka park ko ng sasakyan sa parking area kinuha ko na ang mga gamit na dala ko sa likod ng kotse saka ako naglakad papasok. 'Natures Spring Paradise Farm' ang pangalan ng lugar na pinuntahan ko. Dito ako dinala ni Shawn nung first anniversary namin as a couple, actually its a surprise dinner date na nauwi sa instant swimming. Dahil ang main attraction nito ay isang mini lagoon na sobrang linaw ng tubig na napapalibutan ng rock formation at ibat ibang klase ng puno at mga halamang namumulaklak. I fell inlove in this place nang unang kita ko palang dito. Kaya ay considered it as my comport place. When Shawn passed away after 1 year i decided to purchase this property.
At ngayon nasa pangalan ko na to, i'm free to be here anytime, kapag nalulungkot ako nawawala pag nandito na ako.Pagpasok ko palang sa loob sinalubong na ako ni Manang Lourdes at ni tay Tacio para tulungan ako sa mga dala ko.Sila Manang na ang ginawa kong care taker nito ng makilala ko sila nang minsang dadalaw ako dito at masalubong ko sila sa daan. Kwento ni Manang sakin sapilitang pinalayas sila sa lupang pinagtatayuan ng barong barong nila, nang makita ko sila sa daan dahil nabili nadaw ang lupa at yung may ari balak ng magtayo ng struktura sa nabili nito.
"Kamusta ang biyahe mo Hija? Napagod kaba sa pagdadrive?" Tanong ni Manang ng makuha na nila yung ibang dala ko. "Ah no Manang maayos yung naging biyahe ko hindi traffic kaya hindi naman masyadong nakakapagod." Sagot ko habang sinusuyod ko ng tingin ang nilalakaran namin. "Oh sya! Magpahinga ka muna sa kwarto mo.. malinis at maayos na yon, tatawagin nalang kita kapag nakahanda na ang pagkain." Tumango nalang ako at nagpasalamat kay Manang at kay tay Tacio saka nauna na akong dumiretso sa Kwarto ko rito.
Pagpasok ko naamoy ko na agad yung preskong hangin na pumapasok sa mismong balcony ng kwarto ko. Nakatapat ang balcony ng kwarto ko sa mismong lagoon kaya mas masarap ang hanging pumapasok mula sa labas at syempre makikita ko kung may naliligo sa lagoon o nagbabad na iba.
Nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto ko agad akong umalis sa balkonahe para tingnan kung sino, Si tay Tacio lang pala inilagay lang nito ang ibang gamit na dala ko sa loob ng kwarto saka agad na nagpaalam na lalabas na.
Pagkalabas ni tay Tacio saktong nakaramdam nako nang antok kaya humiga muna ako sa kama para maka pagpahinga.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Innocent Heart
ActionLady Gabriel Clarinth Nakamura Hansons is the long lost daughter of Peter Hansons and Loren Nakamura the Master and Lady of Red Dragon Organization. Leonardo Miyasaki is the bestfriend of Peter Hansons, He is the one who kidnapped Clarinth because...