1

13.3K 145 4
                                    

TUMITILI si Sofia habang kinikilig na nanonood ng Moon Lover: Scarlet Heart. Nakahiligan na niya ang manood ng KDrama at kumukurting puso ang mga mata niya tuwing nakikita ang mukha ni Lee Jun Ki, na gumaganap bilang Leading Actor ng palabas.

"Ang gwapo nya talaga Couz, noh??" Saad nya sa pinsang si Yeshia habang nakatutok sa TV.

"Sinabi mo pa!! Jusko, kung papayagan lang talaga ako ni Dad na pumunta sa Korea, ay naku!" Palatak nito habang yakap ang unan. Magkatabi silang nakaupo sa couch, sa loob ng kwarto ni Yeshia. Sabado kaya walang pasok, at panonood ng mga Korean Drama ang past time nilang mag-pinsan.

Tuwing sabado ay pumupunta siya sa Mansion ng Tito Wayne at Tita Altheah niya para makapag-bonding sila ni Yeshia. At pagdating ng hapon, sabay din sila sa dance rehearsal. Mahilig siyang sumayaw at kumanta. Gusto niya ang magperform at pangarap niyang maging isang total performer.

Impit na tumili ulit siya habang kagat ang supot ng Piatos.
"My Gosh!! Sana ako nalang si IU!!" Dasal niya.

Natigil ang masayang panonood niya ng pumasok ang isa sa mga bodyguard niya. Wala sa mood na pinindot niya ang pause ng remote at tumigil ang pinapanood nilang palabas. Agad na nilibot nito ang mga mata sa loob ng kwarto ni Yeshia. Nagkatinginan sila ni Yeshia.

"Okay lang po ba kayo, Ma'am Sofia?" Tanong nito.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya.
"Oo naman, kuya. Nanonood lang kame ng Scarlet Heart oh." Aniya.

"Narinig po kasi namin na tumili kayo kaya pumasok ako para icheck ang kalagayan nyo." Anito.

"Ahh, yun ba? Naku, nagkakamali ka kuya. Tumitili ako kasi kinikilig ako sa pinapanood namin." Natatawang sagot niya. Napakamot ito sa ulo at nagpaalam na lalabas.

"Grabe ha! Pati sa panonood ng KDrama kailangan i-check ng bodyguard. Napaka-strict talaga ni Tito Jake!" Palatak ni Yeshia.

"Sinabi mo pa! Ilang beses ko na nga kinausap si Dad na malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Hello! 21 na ako pero ang tawag nya sa akin, baby girl parin!! Grabe! Akala nya hindi ako umalis sa edad na 10 years old!" Reklamo niya ng maalala ang Ama.

"Ganyan din si Dad minsan pero hindi nya naman ako pinaghihigpitan to the point na kailangan may bodyguard. Gusto nya din na maenjoy ko ang buhay dalaga." Anito. Nakaramdam siya ng pagka-inggit sa pinsan. Mabuti pa ito, pwedeng magdesisyon para sa sarili. Malaya. Samantalang siya? Kulang nalang ay lagyan ng CCTV ang kwarto niya o di kaya ay talian siya sa leeg.

HAPON at nasa rehearsal na si Sofia at Yeshia. May gaganaping program ang school nila at may kanya-kanya silang dance number ng pinsan. Kailangan niyang matapos ang mga steps ng number niya dahil sa byernes na ang program nila. Ang hirap kasi ng sitwasyon niya, kapag nasa bahay siya ay hindi siya nakakapag-insayo, at ano pa nga ba ang dahilan? Ang Dad niya. Palagi siya nitong pinapatawag sa library o pinupuntahan sa kwarto niya. Ang Mom naman niya ay ganoon din. Baby parin ang tingin sa kanya. Mabuti pa nga sa kwarto ng pinsan niyang si Yeshia, nakakaramdam siya ng kalayaan.

LUNES.
ZAC was walking inside the campus. Tinitignan niya ang kabuohan ng bagong skwelahan na papasukan niya. Kadarating lang niya galing ng Cebu. May malaking negosyo ang mga magulang niya sa Cebu, isama pa ang kaliwa't kanang mga resorts sa Visayas at Mindanao na pagmamay-ari ng mga ito. Kaya sa Cebu na siya nag-aral. High School hanggang college. Nakapagtapos na siya ng kursong Business Management. At may iilang business na din na siya ang namamahala.

Pero gusto niyang mag-aral ulit, gusto niyang ituloy ang pangarap niya. Ang maging isang photographer. Yun ang nakakapagpasaya sa kanya. He love to take pictures. At gusto din ng Mom niya na i-pursue niya ang hilig. Hindi naman sa ika-career na niya ang pagiging photographer pero gusto lang niyang matuto pa at madagdagan ang kaalaman niya sa pagkuha ng litrato.

BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon