PROLOGUE

16.3K 149 4
                                    


"HI TABA!!" Nakangising bati ni Zac pero ang totoo'y kantyaw niya kay Sofia. Naglalaro ito ng manika kasama ng pinsan niyang si Anastasia o kilala sa palayaw na Yeshia. Tumingala ito at naniningkit ang nakasalamin na mga mata habang galit na nakatitig sa kanya.

"What's the matter with you?" Bulyaw nito sa kanya. Lalong lumaki ang pagkakangisi ni Zac.

"Bakit ang taba mo? Did you sip all the calories in the world?" Nang-uuyam na tanong niya. Namula ang mukha nito at namasa ang mga mata. Tumayo ito at patakbong umiiyak. Natawa siya habang nakikita ang pagtalbog ng mga bilbil nito habang tumatakbo.

"Ang sama mo kuya Zac!! Isusumbong kita kay Tita Rica!!" Asik ni Yeshia at sumunod ng takbo kay Sofia. Humahalakhak na naiwan si Zac sa garden ng Villa Gutierrez. Nasa Mansion siya kasama ang mga magulang, maging ang Tito Wayne at Tita Altheah niya ay nandoon din. Nandoon din ang Ninong Jake at Ninang Monneth niya at syempre kasama ng mga ito ang anak at kababata niyang si Sofia.

Girls are so irritating! Kunting kantyaw lang, iiyak agad. Duh! I hate girls!! Sigaw ng utak niya. Naglakad siya papasok sa Mansyon, wala na siyang maaasar kaya maglalaro nalang siya ng video games sa kwarto niya. Pagpasok niya sa Mansyon ay deretso ang lakad niya patungo sa hagdan, nasa ikalawang palapag ang kwarto niya.

"Zac!" Pasigaw na tawag ng Mom niya. Agad siyang napalingon dito. Nakatayo ito sa bungad ng pinto ng dining area ng Mansyon. Nakapamaywang at salubong ang kilay. Basi sa mukha ng Ina, alam na niya kung ano ang dahilan ng pagtawag nito sa kanya.
"What did you do to the girls?" Tanong nito habang naglalakad palapit sa kanya.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Sumbongera!
Nag-iwas siya ng tingin.
"Nothing Mom, I just wanna have fun." Aniya at kunwari'y ngumisi sa Ina.

Pinaningkitan siya ng mata ng Ina.
"That's not funny, Zac. Ang pagpapa-iyak sa babae ay hindi magiging katawa-tawa, kahit kelan." Seryoso na saad ng Ina. Napayuko sya. Okay, he's a bad guy now. At napapagalitan siya ng Ina dahil sa mataba at abnormal na batang 'yon.
Galit na nilingon niya ang kinauupoan ng Tita at Ninang niya. Hinanap ng mga mata niya ang batang 'yon. And his eyes found her hiding at the back of her mother. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ito. Nag-iwas ito ng tingin at nagtago sa likud ng Mom nito.

Tiimbagang siyang bumaling sa Ina.
"Do you understand?" Tanong nito. Tumango siya kahit wala naman siyang narinig na sinabi nito, lahat ng sermon ng Ina ay pinalagpas niya sa kabilang tenga. Yeah, lagi naman kinakampihan ng Ina niya ang mga babaeng mas bata sa kanya. He knew his Mom loves him pero kapag iiyak na ang mga babae, sya ang laging kontrabida. Nagtataka nga siya kung ano ang nagustohan ng Ina niya kay Sofia? Tabachoy at Abnormal naman ito. Duh!

"Okay, magsorry ka na sa kanya." Nakangiting saad ng Ina at hinawakan ang balikat niya.

Ano? Magsosorry? Ako? No! Hindi ko naman sya inaway, kusa siyang umiyak. I just say 'Hi' to her. Oo, tinawag ko sya'ng taba, pero totoo naman yun! Tabachoy naman talaga sya!! Oh well, the truth sucks and it hurts.

"Zac?? Mag-sorry ka na, Anak.." Utos ng Ina. Wala sa isip na tumakbo siya paakyat sa hagdan.
"Zac!! Come back here!!" Rinig niya ang sigaw ng Ina niya pero hindi na niya pinansin yon. Dere-deretso siya sa silid niya at naglock ng pintuan.

NAPABUGA ng hangin si Rica. Napapansin niya ang pagiging hard headed ng anak. Laglag ang balikat na bumalik siya sa dining area kung saan nakaupo parin si Altheah at ang kumare niyang si Monneth, kasama ng mga anak nito.

Mabigat ang loob niya na umupo.
"Madz, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Monneth. Pilit na nginitian niya ang kumare.

"I'm sorry Madz, sa tinuran ni Zac. I just don't understand kung bakit matigas na ang ulo ng Anak ko. Pinalaki ko naman siya na may respeto sa babae." Hindi na niya napigilan pa ang emosyon. Napahikbi siya at naglandas ang mga luha sa pagkabilang pisngi. May pagkukulang ba siya? Nagkamali ba siya sa pagpapalaki sa Anak?

BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon