Sapphire's POV
"Turoooon . Bili na kayoooo. BANANA Q AT TURON BILI NA KAYO DYAN , MESHEREP TO" sigaw ko habang naglalakad . Juice colored tirik na tirik yung araw
"Ang hindi bumili mababaog" sabi ko pa . Biglang nagsilapitan sakin sila Aling Bebe
"Sapphire, napakasipag talagang bata. Pabili ako ng limang turon at tatlong bananaQ" natakot ba sila sa banta ko
"Ayy nakoo mano po Aling Bebe. Kailangan pong kumayod para sa you know para sa kinabukasan ko" pabiro kong sabi dito
"Ito ang bayad , mag-iingat ka palagi iha. May magandang mangyayari sayo" nagtaka ako sa sinabi niya pero umalis na rin ako matapos kong magpasalamat
Mag-iingat ka palagi iha. May magandang mangyayari sayo
Paulit ulit sa isip ko yung mga sinabi ni Aling Bebe
Alas Singko nang hapon ng matapos akong maglako . Aba yung iba humirit pa ng babaan daw yung presyo.
Anim na piso sa turon at twelve pesos sa banana q ang tinda ko , gawin ko daw na 3 pesos at 6 pesos. Aba ayun balat ng turon tsaka isang pirasong saging ang ibinigay ko sakanila.
Napahiga ako sa sofa dahil sa pagod
Mag-iingat ka palagi iha. May magandang mangyayari sayo
Ano kayang ibig sabihin niya dun. Baka pinag titripan nanaman ako ni Aling bebang . Manghuhula yun eh
Sa pag-iisip ko ng mga bagay bagay hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko
"Kunin niyo lahat yan dali" ang kaninang inaantok kong mata ay nagmala mata ng kwago dahil sa laki
Shit ! Pinasok bahay namin. Nakalimutan ko bang i-lock? Sa pagkakaalam ko nilock ko to
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo
Aabutin ko na sana ang kutsilyo ng biglang "MAY TAO" sigaw ng isa kaya pinandilatan ko ito ng mata
Sa sobrang panic ko ay dinampot ko kaagad yung kutsilyo at tinutok sakanila. Narinig ko ang nga yapak ng paa pababa at nakita ko ang apat pang mga lalaki
"H-huwag kayong lalapit , anong ginagawa niyo! Masama yan." Nakita ko silang humakbang , ang bilis ng tibok ng puso ko
"HOY HOY HOY! WAG KAYONG LALAPIT SASAKSAKIN KO KAYO" Sigaw ko sakanila
Nagtaka ako ng bigla silang ngumisi . Aba! Ang mga loko tinawaman pa ako "anong ipansasaksak mo? Ayang kutsaritang hawak mo?"
Napatingin ako sa hawak ko at halos masapok ko sarili ko nang makitang maliit na kutsara nga ang hawak ko
Unti-unti silang lumapit sakin.
"ARAY" napasapo sa noo yung tinamaan ng kutsarita
Nagulantang ang pagkatao ko ng sabay sabay silang humakbang papunta sakin
"T-t-teka , t-time out muna" pero hindi sila tinablan kaya no choice
"Hayaaaaahhh!" Napangiwi ako sa ginawa ko . I feel you kuya , masakit daw masipa sa 'down there' at napatunayan ko yun sa reaksyon niya.
Ganun ang ginawa ko sakanilang lahat bago pa sila makalapit .
First time kong magagamit sa mismong tao yung 'taekwondo' na matagal ko ng pinag aralan
Nakakatakot palang makasakit physically Di ko keri . Pero siguro pag matagal na masasanay na din ako
Ginamit ko yung round house kick habang nakapikit para mapatumba sila . Sisipa pa sana ako pero mas mabilis pa kay flash na nagsikaripas sila ng takbo palabas
Lord , Forgive me.
Nakatulala lang ako nang may maalala ako
O_O . Yung mga iniingat ingatan ni tita na pera at mga alahas
Mabilis akong tumakbo paitaas at halos manlumo ako ng makitang sobrang gulo ng kwarto ni tita .
Nanginginig ang kamay na kinuha ko yung kahon sa ilalim ng kama at binuksan. Para akong naubusan ng dugo ng makitang wala na itong laman.
I'm so dead !