Chapter 2: Getting Up

6.4K 59 2
                                    



Hindi ako magsisinungaling: simula noong kumalat ang balita na wala na kami ni Patrick, dumami ang nagbalak na ligawan ako ulit. 'Yung mga manliligaw ko noon na hindi ko sinagot dahil si Patrick ang pinili ko, nagparamdam ulit. Pero kagaya ng dati, hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko. Sinabi sa akin ni Kyle, best friend ko mula elementary, na wag na raw akong magpakalunod sa lungkot. Bigyan ko daw ng chance 'yung mga nagbabalak na manligaw. Sa tuwing ikekwento ko sa kaniya na mayroong nagpaparamdam na manligaw, kukumbinsihin at sesermonan niya ako. Kagaya ngayon, dahil ikinwento ko sa kaniya na nanliligaw na naman ulit sa akin si Carlo, kabatch namin na mula pa noong high school ay nanliligaw na sa akin.

"Girl, wala namang mawawala sa'yo, 'di ba?" sabi niya sa akin habang magkasama kami ngayon sa coffee shop at nagtatapos ng report para sa anthropology class namin. "At isa pa, Ben, kahit naman pumayag ka lang na lumabas. Kahit isang beses! Tapos kung ayaw mo, eh di-"

"Wag ko nang ituloy? Kyle, don't you think parang papaasahin ko siya kung gagawin ko 'yun?"

"Ben, please. Alam nating lahat na hindi ka pa nakakamove on kay Patrick." 

After that night, nag-transfer ng school si Patrick. Binlock na rin niya ako sa lahat: Facebook, Instagram, Twitter. Thankfully, hindi niya binlock si Kyle, kaya minsan ginagamit ko 'yung phone niya para tignan ang profile ni Patrick. Every time na mahuhuli ako ni Kyle, napapailing na lang siya. Minsan, hindi ko maiwasang umiyak na lang. Kasi bakit ganoon? Bakit ang bilis niyang humanap ng kapalit? Kahit sa pictures lang, ang hirap tanggapin. Ganoon lang ba kadali lahat? Kalimot-limot ba ako? 

"Kaya nga ayaw ko pa munang makipag-meet sa iba, 'di ba?"

"Can't you just do this for me? Ayoko nang makita kang malungkot, Ben. Look, hindi ko sinasabing mag-boyfriend ka agad.  We both know you're not yet ready for that. I'm telling you to just open up. Don't build walls."

"Okay, okay. Fine, I'll go on dates, pero promise me one thing?"

"Shoot it."

"Promise me na on-call ka to save me if something goes wrong?"

"Ben, kailangan ko pa bang mangako sa'yo? Kahit di mo sabihin, ako ang sasalo sa'yo at palaging aalalay."

***


Noong gabi na 'yun, sinundo ako ni Carlo sa bahay namin na may dalang bulaklak: sunflowers. Paborito kong bulaklak 'yun dahil sa tuwing nalulungkot ako, kapag nakakita na ako ng sunflower, gumagaan na ang pakiramdam ko. Wala na akong ibang nararamdaman na mabigat dahil sumasaya na ako sa simpleng bulaklak na iyon. Palagi rin akong binibigyan ng sunflowers ni Patrick, may okasyon man o wala. Minsan kapag napansin niya na malungkot ako, bigla kaming pupunta sa Dangwa at hindi kami uuwi na wala akong sunflower. 

"Thank you, Carlo," sabi ko at bumeso sa kaniya. Sumakay kami sa kotse niya at kagaya ni Patrick, pinagbuksan niya ako ng pinto. Sobrang katulad siya ni Patrick, sa kilos, sa pananamit. Una kong nakilala si Carlo, at oo, aaminin ko na minsan nang sumagi sa isip ko na sagutin siya noon, pero hindi gaya ni Patrick, hindi ganoon katindi 'yung naramdaman ko para sa kaniya kaya si Patrick pa rin ang pinili ko. 

Sa lahat ng restaurants dito, at hindi ko alam kung isa na namang biro ng tadhana, pero nandito kami ngayon sa paboritong restaurant ni Patrick. At katulad ni Patrick, napakagentleman din ni Carlo. Pinagbuksan ako ng pinto, binigyan ng upuan, at mabait din siya at maalalahanin, mula sa pag-order, hanggang sa pagkain. 

Alam ko na mali pero hindi ko pa rin mapigilang maisip si Patrick. Alam ko na hindi kasalanan ni Carlo na maging sobrang katulad ni Patrick. Hindi niya naman kasalanan na iisa lang rin ang mga gusto nila. Pero mali e. Mali na iba ang iniisip ko habang siya ang kasama ko. 


Pagkatapos naming kumain, hinatid na niya ako pauwi. 

"Um, Benice... can we go out for dinner again sometime?"

At kahit na mahirap at alam kong masasaktan siya, kailangan kong sabihin ang totoo dahil ayaw kong paasahin siya. "Carlo, I'm sorry... hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko."

"Okay lang, Benice. Alam ko namang siya pa rin. Okay na sa aking ang friends lang." At kahit na ang sakit tignan, nginitian niya pa rin ako, kahit na nakikita ko na malungkot ang mata niya.

"I'm really sorry, Carlo." Niyakap ko siya at hindi ko maitatanggi na tumagos sa akin ang sinabi niya.

"Sana ganoon lang kadali na makalimot sa pag-ibig, no?"

Sana nga madali lang, Carlo.

Afraid to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon