Chapter 9 - Mango Tree

24 8 3
                                    

“Today, I caught myself smiling for no reason then I realized I was thinking about you.”

Andrew's POV


"Katie! Sandali lang." Hinabol ko si Katie habang naglalakad siya sa tapat ng bahay namin.

"O, Andrew. Bakit hinahabol mo ako?" tanong sa akin ni Katie.

"Nag-iisa ka lang yata. Si Ellie?" ang tanong ko sa kanya.

"Ikaw ah. Lagi na nga kayong magkasama hinahanap mo pa rin" nangingiting sabi ni Katie sa akin.

"Ah...e...may itatanong sana ko sa iyo?" ang sagot ko sa kanya.

"Upo muna tayo doon sa garden namin" ang yaya ko kay Katie.

"O sige. Maaga pa naman e. Ano ba iyon? Parang napaka-importante naman niyang itatanong mo" usisa ni Katie habang naglalakad kami papunta sa aming hardin.

Umupo kami sa gilid nung mga halaman. Luminga-linga ako baka may ibang tao sa paligid.

"Katie, alam ko na malapit kayo ni Ellie sa isa't isa. Ikaw talaga yung best friend niya sa inyong mag kakaibigan kaya sa iyo ko itatanong ito?" ang bungad ko kay Katie.

"O ano ba yung tungkol kay Ellie na gusto mong malaman?" nagtatakang tanong ni Katie.

"May crush ba si Ellie sa...dito sa amin mga kalaro nyo?" tanong ko kay Katie.

"Naku, Andrew ah. Mukhang iba na yan. Bakit gusto mong malaman?" usisa ni Katie sa akin.

"Wala lang...ah...may nagpapatanong lang" ang sagot ko sa kanya. Hindi ako makahagilap nang isasagot sa kanya. Medyo kinakabahan din ako.

"At sino naman yung nagtatanong? Si Mike ba? O ikaw talaga?" nakangiting tanong niya ulit.

Natawa ako sa tanong niya at napakibit-balikat. Hindi ko alam na itatanong sa akin ni Katie yon.

"Alam mo kasi Andrew... totoo yung sinabi mo best friend ko si Ellie. Kaya lahat ng sekreto niya ay alam ko. Pero nag promise din ako sa kanya na walang makakaalam kung sino ang crush niya. Ayaw niyang ipaalam kahit kanino, kahit sa iyo. Kaya hindi ko masasagot yang tanong mo." Ang paliwanag sa akin ni Katie.

"Ah, ganun ba? Pero best friend niya rin naman ako di ba? Bakit ayaw niyang ipaalam sa akin?" ang tanong ko ulit kay Katie.

"Nahihiya kasi si Ellie. Feeling niya kasi alangan siya dun sa crush niya. Tsaka, iniisip niya na baka layuan lang siya nun kung malalaman niya." Paliwanag ulit ni Katie sa akin.

"Bakit naman? E maganda naman si Ellie" ang bigla kong naisagot sa kanya.

"Aba! Dalawa na kayong nag sabi niyan kay Ellie ah" nabiglang sabi ni Katie sa akin.

"Dalawa? Sino yung isa?" Ang tanong ko sa kanya pero kinukutuban na ako kung sino yon.

"Ah..e..si Mike. Pero wag mong sasabihin kay Ellie na sinabi ko sa iyo yan ah" pag-aalalang sabi ni Katie sa akin.

"Hindi ko sasabihin...kung sasabihin mo sa akin kung sinong crush ni Ellie" nakangising sagot ko kay Katie.

"Ano ito blackmail?" mataray na tanong ni Katie sa akin.

Tumawa ako nang malakas at tumawa na rin siya.

"Okay, sige Andrew sasabihin ko sa iyo kung sinong crush ni Ellie pero sasabihin mo rin sa akin yung totoong dahilan bakit gusto mong malaman. At wala kang pagsasabihang iba, okay?" ang hiling sa akin ni Katie.

Nangako ako kay Katie na walang ibang makakaalam ng sekreto ni Ellie at sinabi ko rin sa kanya ang totoong dahilan ko kung bakit gusto kong malaman kung sino ang crush ni Ellie.

"O....o...oo meron." Ang isinagot ni Ellie kay Mike.

"Sino?" ang tanong ulit ni Mike kay Ellie.

Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Si Mike ang crush ni Ellie at si Mike gusto niyang ligawan si Ellie. Parehas silang may gusto sa isa't isa. Kung sa tutuusin pwede ko nang sabihin kay Mike na crush siya ni Ellie pero hindi ko magawa parang may pumipigil sa akin na sabihin sa kanya ang nalalaman ko at bukod doon ayoko ring sirain ang pangako ko kay Katie.

"Selfish ba ako?" ang tanong ko sa aking sarili. Ayokong maagaw ni Mike ang atensyon na ibinibigay ni Ellie sa akin at ayokong mas maging malapit si Ellie kay Mike. Nakakagulo lang ba ako sa dalawa? Siguro nga mas magandang ibaling ko na lang sa iba ang atensyon na binibigay ko kay Ellie.

May practice pa kami sa school. Nauna nang umuwi si Ellie. Kasama ko si Kiko habang naghihintay kami sa oras ng practice ng sayaw para sa gaganapin na programa sa susunod na linggo.

Napansin ko si Sarah na nag-iisa sa ilalim ng puno ng mangga.

"Kiko, halika lapitan natin si Sarah" ang yaya ko sa kanya.

Eto na siguro ang panahon para si Sarah na lang ang pansinin ko. Kung matuloy man ang panliligaw ni Mike kay Ellie e hindi ko na ma mi-miss pa si Ellie kung sila palagi ang magkasama.

Nilapitan namin si Sarah sa ilalim ng puno ng mangga.

"Hi, Sarah" ang bati ko sa kanya.

"Hello, Andrew" nakangiting sagot naman ni Sarah.

"Bakit nag-iisa ka lang dito?" ang tanong ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit nag-iisa ka lang dito?" ang tanong ko sa kanya.

"Nag-lalaro kasi sila Sheila. Ayoko kasing pag-pawisan baka mangamoy pawis na ako mamaya pag nag practice na tayo." Ang kwento sa akin ni Sarah.

Dalagang-dalaga na talaga tingnan si Sarah pati kumilos. Maayos palagi ang buhok niya at nanalamin. Magka-iba sila ni Ellie. Ni hindi ko man lang nakitang nag-suklay ng buhok si Ellie at wala siyang pakialam kung anong itsura niya. Wala rin siyang pakialam kung pag pawisan siya basta makapag-laro lang siya. Hay, si Ellie talaga isip bata pa pero kapag seryoso naman ang pinag-uusapan seryoso din siya at marunong din mag bigay ng payo.

"Andrew? Ang lalim yata ng iniisip mo? Naka-ngiti ka pa dyan." Kinakausap pala ako ni Sarah.

"Ahhhh...wala...may naalala lang ako" ang sagot ko kay Sarah.

Hayyy, ano ba ito? Si Ellie pa rin ang naaalala ko kahit si Sarah na ang kaharap ko ngayon. Nakakainis...hindi siya maalis sa isip ko.

---oOo---

A/N:

The image used in this chapter is not mine and credited to the owner.

Hello!!!

Dahil sa nakikita kong tumataas ang bilang ng Reads and Votes sinisipag din akong mag-update agad. Kaya ipag-patuloy nyo lang ang pagbabasa at ang pag-boto para lagi akong sipagin mag-update. :)

Mukhang lumalabo ang AnLie team at lumilinaw naman ang MikLie team. Sino nga kaya ang mag-wawagi sa puso ni Ellie? Si bes o si crush?

Abangan...

Please write your comment & vote.
Thank you!

Best Regards,
Rap

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon