October 10, 2011
Tinatanong ko sino ba crush nya. Tuwing tinatanong ko kasi, chinechange topic nya.
Aileen: May tatanong ako.
Jean: Ano yun?
Aileen: Sino ba kasi yung crush mo? Yung nasa GM mo?
Jean: Wag na yan. Change topic na lang.
Aileen: Bakit ba kasi? Gusto kong malaman.
Jean: Wag na nga.
Aileen: E hindi ko naman sya kilala diba?
Jean: Kilala mo.
Aileen: Bakit? Taga ESPS ba sya?
Jean: Oo.
Aileen: Kilala ko talaga ha?
Jean: Oo.
Aileen: Uhm? Kabatch ba natin?
Jean: Oo. Ex nga sya ng barkada ko e. (Di ko naisip si Richard kasi nga di ko naman alam na close sila. Tas dati pala nagkakasama pala talaga sila madalas. At nung birthday ni Richard, andun din sya.)
Aileen: Ah. Sino na?
Jean: Si Aileen Jacinto. Kilala mo ba yun?
Aileen: HUH? :O
...HUWAAAAT?! Tapos yun, nagalit ako sakanya. Akala ko kasi pinagtitripan ako, pero hindi pala talaga.
October 14, 2011
Eto yung araw na sabi nyang liligawan na daw nya ko. Una kasi may nakapagsabi sakin na "Magpapakatino pa daw muna sya bago ka nya ligawan. Syempre matino ka kasi e"
E akala ko matatagalan yung araw na yun. Ilang araw nga lang nung sinabi sakin yun, nanligaw na sya. Pero yun nga, manliligaw na daw.
October 18, 2011
May usapan kaming magsasabay kami. Ihahatid nya ko malapit sa SM, dun ako sasakay para daw mas mahaba paglalakad natin. At ayun. Mag nagvivideo pa nga samin habang naglalakad e. Daming mga nagreact kasi nga unexected na bigla na lang kaming magkikitang magkasama ni Jean. Dami din kasing may gusto sa lalaking to e.
Bago pa yun. Una, di sya lumalapit. Hanggang sa nainis ako nun. Niyaya ko na sila Jamie na umalis na kami. Tapos, bago bumaba, sabi ko "EHHHH! MAY USAPAN KAMI E!"
Tapos bilang sabi ni Jamie "AY! Talaga? Wait. Dyan ka lang ha?"
Tapos tinawag pala nya si Jean.
Nung papalapit na si Jean, di ko alam pano gagawin ko? =)))) :""">
Nung andyan na nga, umalis ako, kaso nahila ni Cedric yung bag ko kaya nahila din ako. At ayun, nagsabay na nga kami. At yun nga. May nagvivideo pa nga samin nun habang sabay na naglalakad.
Infairness ah? Madaldal dn pala sya. Ganun gusto ko e. Ayoko ng mabobored ako.
At nung kinabukasan naman...
October 19, 2011
May kasama syang kaibigan nun na ksamang maghahatid sakin. Nung nasa labas na kami ng school:
Aileen: Ehh. Ayoko pang umuwi. (Halfday kasi nun e.)
Jean: San ka pupunta?
Aileen: E san ka ba pupunta?
Friend: Sama ka na lang samin.
Aileen: Saan?
Friend: Basketball.
Jean: Wag na. Mainit dun e. Maiinitan ka lang talaga.
Aileen: -_-
Jean: Sge na nga, lika na.
At nagpunta nga kami..
Nung pauwi na, mga 2:30pm umuulan kasi nun, iisang payong lang kami. Bitbit nya gamit ko. At kinuha ko yung payong at ako na naghawak.
Pero, nung hawak ko yung payong, nakahawak din sya sa payong. Ewan ko kung sadya pero yung pagkakahawak nya sa payong, e sa kamay ko. =))))))
Knikilig ako nun. Pero pinipilit kong pigilan ngiti ko. Magmumukha akong ewan nun. Ngumingiti magisa. At yun nga, hanggang sa sumakay na ko. Kawawa naman sya nun, basang basa. Mababa kasi yung payong e, maliit kasi ako. :P Kaya pinipilit nyang pagkasyahin sarili nya sa nakababang payong. =))))
ANO NA KAYA MANGYAYARE. :"""">
Til next time.

BINABASA MO ANG
Igniting the Flame of Love (TRUE STORY)
Teen FictionThis is how an innocent heart fell in love for the first time. :"> 99.9 percent true story to. This really happened to me. Pero, names are changed kaya 99.9 percent lang. Hope you like it. And abangan ang iba pang chapters.