One Step Closer

4 0 0
                                    

" Just take a one step. One step closer... Closer to your own or should I say our goal. "bulong sa akin ng taong maaaring makatulong sa akin at sa pamilya ko.

Narito na ako at isang hakbang na lang para sa magandang kinabukasan ng pamilya ko. Iyon lang naman ang goal ko.Walang iba kundi makawala sa kahirapang nararanasan nila at sigurado na akong gagawin ko ito.

" Yes,sir. I will ." sagot ko at humakbang na dahilan para madulas at mahulog sa banging hindi masukat ang kalaliman pero may hangganan naman at paniguradong lasug-lasog na ang buong katawan ko maya-maya lang.

Di ko akalaing ito ang kahihinatnan ko matapos akong ibenta ng pamilya ko kaya sa ayaw o sa gusto ko man wala na akong kawala pa.Ano namang laban ng isang grade school pupil laban sa malaking mamang nang-utos sa akin?Wala as in wala.Nasa reyalidad at walang kawala.

Pero ang hindi ko maintindihan bukod sa kung bakit masaya ang mamang nang-utos sa akin na gawin ito ay ang isa pa...

Teka? Bakit nya sinabi iyon.
" Don't worry my precious daughter.I will follow you ."

Kasabay ng pagbagsak at pagkalasug-lasog ng katawan ko ay ang unti-unting pagpikit ng mata ko.

Nagising ako. Teka?! Nagising?!Ang alam ko nagkalasug-lasog ang katawan ko kanina pero bakit wala naman akong galos ni isa.

" Mabuti naman at nagising ka na anak. Halika may trabaho pa tayong dapat gawin." nakangiting sabi sa akin ng mamang bumili sa akin este ng aking tunay na ama.

" Ano pong trabaho?" nag-aalangang tanong ko.

" Maging sundo at tagahatol ng mga kaluluwang pumanaw kung karapat-dapat ba silang makalimot o magdusa sa nakaraang buhay . I am the Grim Ripper and you are my daughter." nakangiti at nagmamalaking pahayag niya.

One Step Closer ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon