First Day of School

3 0 0
                                    

I'm Althea Marie B. Garcia. A simple girl with a happy family. Hindi kami mahirap pero hindi rin mayaman. Kumbaga, napapabilang ako sa balanseng lipunan. Pantay lang. Walang nilalabis, walang kinukulang. I'm 2nd year College student sa Pacific International Academy. ang nanay ko ang nagiging guardian namin sa bahay kahit malalaki na kami at ang dad ko naman ay nasa dubai nag tratrabaho bilang engineer. apat kaming magkakapatid ako ang bunso at ako lang din babae. super protective na sila saken ngayon simula nung nag karoon ako ng heart broken, di ko masasabing ex ko sya kasi di naman nya ako niligawan parang ano lang landian ganon. ako lang talaga nag assume na kami. yung tipong nag sasabihan naman kami ng iloveyou, kahit hindi kami, as in ako lang nag assume. hatid sundo nya pa ako, napaka gentleman nya sa 'kin pero wala lang pala lahat ng 'yon kasi bestfriend lang pala turing nya saken then he's taken na pala. ang ganda pa ng girlfriend nya. at si Clara lang ang talagang naging kasama ko sa lahat-lahat ng mga pagsubok na dumating saken. Childhood bestfriend ko sya. alam namin isa't isa as in lahat. sya lagi kong kasama. 

ALTHEAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!, ay sh*t ano ba yan, ano bang nang yayari???! nakakagulat naman yung sumigaw na 'yon, nadulas pa tuloy ako dito sa CR, 'di pa pala ako nag babalnaw, punong puno ng sabon katawan ko. "bakit ba?? anong problema mo? bat sigaw ka ng sigaw dyan. ang aga aga?" sabi ko. "eh paano naman ako di ako mag sisigaw-sigaw dito?, mag 3-3hours ka na kayang nasa banyo!, ganyan ka ba ka excite pumasok ng school? kailangan sobrang bango mo? malelate ka na kaya sa First Days of School mo!!!" sabi ng kuya ko. gosh, First Day of School nga pala ngayon omg omgggg, nag madali akong magbuhos at kinuha ko na agad towel ko at lumabas na ng CR. ano ba kasing nangyayari saken? sabog ako masyado kanina pa pag gising ko. chineck ko ang oras sa phone ko kasi ayun ang oras sa school namin. WHAT? 8:47 AM NA????  LATE NA AKO OMG. 7:15 AM PASOK KO at ang uwian naman ay minsan 5 or 8 pm na, papasok pa ba ako? hay nako namang tanong na yan. nag promise pa pala ako kay Clara na magkikita kami sa gate ng before 7am. nagmadali nalang akong magbihis at magligpit ng dadalhin kong gamit. nag shoulder bag ako at dalawang notebook lang dala ko. dalawang ballpen, wallet, earphones at phone lang din. nag pahatid nalang ako sa motor ng kuya ko para mabilis ako makapunta sa school.

andito na ako naglalakad sa hallway ng school papunta sa classroom namin, chineck ko uli ang oras sa phone ko. HUH??? 9:53 AM NA? GANTO NA BA AKO KA BAGAL KUMILOS???? FIRST DAY NA FIRST DAY LATE AKO?? what should I do? papasok pa ba ako? goshhh nakalimutan ko pa panyo ko ano ba yan, sobrang haggard ko na wala pa akong suklay-suklay sa buhok, pero buti nag conditioner naman ako. hindi muna ako dumaretso sa classroom namin. ang tanga ko talaga first day palang pala ngayon hindi ko pa alam classroom ko. muntik na akong pumunta sa classroom ko nung 1st year College pa ako. gosh di ko alam kung san titignan mga classroom namin. binlock ko kasi sa fb mga teachers namin para di malaman mga kalandiang post ko sa fb. kaya ayun diko nabasa post nila. nag left pa ako sa mga gc. haaay. 'di ko din makita si Clara. for sure nagtatampo sakin 'yon. nag promise pa kasi ako na magkikita kami sa gate ng before 7am. nag lalakad lakad lang ako dito sa campus. may gumagala din namang maraming students eh. ayoko nga din mag tanong sakanila. bahala na nga hahanapin ko nalang si Clara. pumunta ako sa canteen kaso wala sya don. pumunta na rin ako kung saan kami tumatambay kaso wala sya. ganun na ba sya mag tampo sa'kin?, huhu. naglalakad lakad nalang ako hanggang sa makita ko sya. asan kaya yung babaeng 'yun?. sa pagkakaalam ko di naman 'yon nag lalakad lakad mag isa. bigla akong nakaramdam ng gutom ayokong kumain mag isa sa canteen, bibili na nga lang akong ice cream. habang naglalakad lakad ako, kumakain ako ng ice cream. "ayiiieee" "omg" "hala? sila na ba?" "ang alam ko dare lang daw 'yan" -narinig kong usapan ng mga babae sa likod ng HS Building, nagtitilian pa sila. first day palang ng school may landian ng nagaganap?, ganun na ba ngayon?, landian first before you go to your respective classroom? sino kaya yung naglalandian na 'yon?. dahil wala naman akong magawa tinignan ko nalang kung ano nagaganap. "what the f*ck?" nasabi ko nang makita ko si Clara ang bestfriend ko may kahalikan na lalaki? tas ang madami pang nakakakita???, nahulog ko yung kinakain kong icecream, what the hell happened to her?, ang alam ko talaga hindi magagawa ni Clara 'yon kasi inosente sya?, yah right. alam kong napaka buti ni Clara at simple lang din. wala syang kaalam alam sa mga ganyan. study first ang inaatupag ni Clara. wala syang bisyo puro good lahat ng mga ginagawa nya. at kanino naman na bi 'yan? hindi nyo masasabi saken kasi di naman ako ganyan. talagang tanga lang ako pero hindi ako magiging bad influence sakanya. shocks issue nanaman 'to. 'di ko alam ginagawa ko bigla nalang yung paa ko humahakbang papalapit sa kanila. bigla ko nalang hinawakan kamay ni Clara papalayo sa lalaking 'yon at umalis kami don. kinausap ko si Clara sa CR. "Clara, ano 'yon?" sabi ko. tiningnan ko mga mata nya, paluha na sya na tila pa kinakabahan. "Ano bang pake mo?" sabi nya. huh? hindi nya ugali 'yan. nakakapag taka bakit ganyan trato nya saken?. bat bigla syang nag bago? ilang months lang kami 'di nagkita at nag usap kasi nag bakasyon ako sa province namin,  tapos kahapon lang ule kami nag chat para mag sabay pumasok ngayon sa school, tapos ganto na sya?. tinignan ko lang sya, hinihintay ko mag sabi sya sa 'kin. pero wala akong napala. binangga lang nya ako tas umalis na sya. so ano 'yung pinakita nyang ugali sa bestfriend nya?, ayun na yon?, pag katapos ng 12 years of friendship bigla nalang nya akong susungitan ng ganto?, ilang araw din ba ako nawala?. naglalakad lakad nalang ako ng makita ko 'yung board na may list ng sections at classrooms.  room 104 classroom ko. pangalan ko lang naman hinanap ko diko na hinanap pangalan ni Clara. breaktime daw pala. buti nalang break time para di halatang late ako. 

*nag ring ang bell* tapos na yung breaktime. kailangan na namin bumalik sa classroom. nauna na ako pumasok sa classroom namin para di na rin ako mahalata na na late. yumuko nalang ako. nang marinig ko na may pumapasok na sa classroom nag kunwari akong natutulog. "hoy ikaw anong ginagawa mo sa upuan ko, akin 'yang upuan na 'yan?" narinig ko na may nag salita, hindi ko alam kung sino kinakausap kaya tuloy parin ako sa kunwaring natutulog, "ano ba? hindi ka pa ba aalis?, ba ka gusto mong kaladkarin pa kita paalis sa upuan ko?", naramdaman ko na may humawak sa balikat ko na pilit pang hugutin uniform ko, pag taas ko ng ulo ko ako pala ang kinakausap, nag sisitawanan pa mga classmates namin. napatayo nalang ako agad. "oh ano tinitingin mo dyan? alis na." sabi nung girl saken. "ikaw ba bumili ng upuan na 'to? para sabihin mong sayo?" sabi ko, "ooohhhh" sabi ng mga lalaki naming classmates. "who the hell are you?" sabi nya saken. "wala ka ng pake kung sino ako" sabi ko. ang kapal naman kasi para taasan ako ng boses, pereperehas lang kaming nag babayad ng tuition dito. dapat pantay pantay lang. hindi na sya nag salita at umupo nalang kung saan may bakanteng upuan. hindi ko na tinignan mga classmates ko para makita kung sino-sino sila. yumuko nalang ako. pumasok na ang adviser daw namin si Ma'am Alessian Cruz. habang nagsasalita sya kanina nya pa ako tinitignan. kinabahan ako, siguro ngayon lang nya ako nakita kasi wala ako kanina, nalate kasi ako. hindi ko namalayan na nag papakilala pala. oo nga pala first day palang di pa namin kilala isa't isa. it's my turn. pumunta ako sa harap at sa kay Ma'am Cruz lang ako nakatingin dahil lumipat sya sa likod para makita kami. hindi ko tinitignan mga classmates ko. wala naman kasi akong pake sa kanila. "Hi My name is Althea Marie Bernal Garcia, 16yrs old...."bla bla blaaa.

fast forward

*nag bell* ibig sabihin lunch time na. napatayo lahat ng classmates ko at agad-agad lumabas. ako na humuli lumabas ayoko kasing makipag siksikan sa kanila kahit dalawa pintuan. iniisip ko parin yung ugali ni Clara. bat kaya sya nag bago?. hindi na ako nag lunch. hinahanap ko lang si Clara para kausapin sya. "girls, wait look oh diba bestfriend ni clara 'yon hahaha" "Clara bestfriend mo ba talaga 'yan?" "childhood bestfriend pa nga daw eh hahaha" "ang weird ka nyan girl, paano mo naging bestfriend 'yan?"- sabi ng mga friends ni Clara na nag sisitawanan pa. ang alam ko wala syang friends dito sa campus kundi ako lang. kami lang lagi mag kasama. paano nya naging mga kaibigan 'yung mga mean girls dito sa campus namin?, at nakakasama nya pa. "at kanino nyo naman nalaman ng bestfriend ko si althea?, kailanman hindi ko magiging bestfriend ang weird na yan"- sabi ni Clara at napatingin pa sa 'kin. lumapit sa 'kin ang mga friends ni clara at binuhusan ako ng juice. "WHAT??!" nasabi ko. "ayan ang mga mabubuti sa weird, cheap at PANGET na tao" sabi nila saken at nagtatawanan pa. nahihilo ako, ang lamig ng mga juice na binuhos saken. nag dilim paningin ko.

*bell for dismissal time* "gosh" sabi ko, nagulat ako sa bell, nagising ako at ha? anong ginagawa ko sa clinic?. "mabuti naman at nagising ka na" sabi ng nurse. "po? bakit po ako nandito?" sabi ko. "hinimatay ka kaninang lunch time, siguro 'di ka rin kumain?, pag labas mo dito sa clinic kumain ka ha tapos inumin mo 'tong gamot sa sakit ng ulo after mong kumain" sabi ng nurse, at inabot sakin 'yung gamot. medyo nahihilo ako at lumabas kinuha na rin nila yung bag ko. binuksan ko ang bag ko para kuhain 'yung phone papahatid nalang ako sa panganay kong kuya sa kotse nya, ayoko makita ako ng ibang tao na madumi, at amoy hinalong orange, grape, mango at ice tea na juice. kanino naman 'to? may nakita akong white t-shirt sa bag ko. at may apelyido sa likod na 'Dela Tores', pang basketball 'tong t-shirt. at sino naman 'yung Dela Tores na 'yon?, at paano na punta sa bag ko damit nya?. pumunta nalang ako sa principal office para isoli 'yung damit na 'yon. naglalakad na ako papuntang principal office nang biglang may humila sa 'kin. tinakpan bibig ko para 'di ako sumigaw, inakbayan pa ako, at bigla nya akong dinala sa garden ng school at inupo, tinanggal nya kamay nya mula sa pagtatakip sa bibig ko at pag akbay nya sa 'kin. "at sino ka naman?, hindi naman kita kilala para hilain mo ako ng ganon-ganon lang" sabi ko na may halong pag tataray. nakakapag taka kasi bakit nya ako hinila, hindi ko naman sya kilala. "I'm Kyle Dela Tores" sabi nya na may kindat pa. "yuck mandiri ka nga 'di ka gwapo para kumindat" sabi ko, ay teka Dela Tores? hmm? "sa 'yo ba 'tong t-shirt na 'to? nakita ko kasi sa bag ko kanina" sabi ko, pinakita ko sa pagmumukha nya yung t-shirt at may irap pa haha nakakainis kasi sya bigla-bigla akong hinahatak. "pinahiram ko 'yan sa 'yo, dugyot mo kasi tignan pag tapos mo buhusan ng mga babae kanina" sabi nya, sya ba nag dala sa 'kin sa clinic? hinimatay daw kasi ako sabi ng nurse, imposible namang na bigla lang akong napunta don ng walang nagdadala sa 'kin. ningitian ko sya ng plastic "haha thank you pero hindi ko naman hinihiram" sabi ko at inirapan uli sya. "wow ha ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pa 'tong nag iinarte" sabi nya. "hindi ko naman kailangan tulong mo" sabi ko. "edi mas mabuti palang nakahiga ka sa sahig na punong puno ng juice? at maraming nakatingin na tao sayo?" sabi nya. so sya pala nag dala sa 'kin sa clinic. "thank you po ha" sabi ko at ningitian sya ng plastic at inirapan. "ang arte mo mag bihis ka na nga lang, suotin mo na 'yan" sabi nya. ha? susuotin ko 'tong t-shirt nya?, no way mas mabuti na lang na ganto ako kaysa mapag kamalan pa ng iba ng girlfriend nya ako. "no thank you nalang, mas gugustuhin ko pang ganto ako kaysa mapag kamalang girlfriend mo!" sabi ko. "ikaw pa talaga nag inarte, ang dami ngang babae dito sa campus na gusto akong i-boyfriend, at alam kong isa ka na don, nagpupumilit ka lang ata eh. haha" sabi nya. "Kyle, pwede ba bawas bawasan mo naman po yung kakapalan ng mukha mo, kung sila may gusto sa 'yo pwes ako hinde!!" sabi ko at binato sa mukha nya yung t-shirt nya. at umalis ako agad. andito ako ngayon malapit sa classroom ko, wala namng tao kaya papasok ako at para i-text si kuya na magpapasundo ako. kumuha ako ng chalk para magsulat sulat sa board wala kasi akong magawa. ayan nag reply na rin si kuya. 'sorry theang nasa trabaho pa ako eh, pasundo ka nalang sa kuya mo allen' text ni kuya, haay nako naman, wag na nga lang sasakay nalang ako sa jeep. binura ko na mga pinagsusulat ko sa blackboard na hindi ko maintindihan at lumabas ng classroom. habang papalabas na ako sa school at ng bigla may tumalsik na putik sa uniform ko. nako naman I hate this day grrrrrrrrr pinaka worst day ko talaga 'to. "HOY!! hindi ka manlang ba magsosorry sa ginawa mo sa uniform ko?" sabi ko. umalis na yung sasakyan na 'yon at bigla nalang may humila uli sa 'kin at dinala ako malapit sa CR ng girls. "Oh ayan sa ayaw at gusto mo mag palit ka na! mukha ka ng taong kalye sa itsura mo, mahiya ka naman sa mga makakasabay mo sa jeep!" sabi ni kyle. "ikaw nanaman ba?" sabi ko at inirapan sya inabot nya sa 'kin yung t-shirt nya, hindi ko namalayan na inabot ko pala, no choice na rin ako, ayokong ganto itsura ko na mag cocomute, kaso nga lang magiging issue naman 'tong pesteng t-shirt na 'to dito sa school pag nakita nilang eto suot ko. bahala na nga. pumasok ako sa CR ng Girls at nag bihis. pag labas ko "oh ano okay na?, mukha naman ako ngayong gangster?, pero keri ko na 'to, salamat, bye!" sabi ko at umalis na narinig ko lang na tumawa sya bago ako makalayo.

pag-uwi ko sa bahay andun tatlo kong kuya, si mama wala daw bumili daw kasi ng notebooks ko. "Althea Marie Bernal Garcia" sabi ni kuya renz na pangatlo sa amin. "oh bakit? kailangan fullname talaga? kuya?" sabi ko at ningitian sya. "kailangan talaga Althea Marie Bernal Garcia" sabi nya. ano nanaman bang problema nila at nakatingin sila sa 'kin? hinila ni kuya renz kamay ko at pinaupo ako sa sofa sa sala. "bakit ba?" sabi ko. "anong bakit-bakit?, ako nga dapat mag tanong sa 'yo" sabi nya, ano bang nangyayari? alam na ba nila yung tungkol sa school kanina? ganun na ba kabilis kumalat 'yon. "ano po bang itatanong nyo?" sabi ko. "umamin ka nga sa 'kin theang, satin lang naman 'to hindi 'to kakalat sa pamilyang 'to" sabi nya. "huh? anong pinagsasabi mo?" sabi ko. "theang don't deny, sino yung lalaki ha? sabihin mo sa 'kin, I know naman na wala ka ng virgi---" "WAAAAAAAAH KADIRI KA KUYA EWWW HINDING HINDI KO MAGAGAWA 'YANG MGA BAGAY NA 'YAN, HALIK NGA WALA PA EH 'YANG GANYAN PA, NAKOOOOO" sabi ko, naputol ang sinabi nya sa pagsisigaw ko, baliw talaga si kuya bat nya naman iisipin 'yon. "bakit anong nangyayari ba??" sabi ng dalawa kong kuya, "Kuya kasi si kuya renz, sinabi nya sa 'kin na wala na raw akong virg-- basta alam nyo na 'yon" sabi ko na naiinis pa. "paanong hindi namin iisipin 'yon eh pag uwi mo nga iba na suot mong damit, ba ka kasi sa sobrang pag ungol mo at gulo mo sa kama napunit nya damit mo kaya ayan pinahiram ka nya ng t-shirt nya, sino si Dela Tores ha?" sabi nila kuya. "YUCKKK KADIRI NAMAN KAYO ANG DUDUMI NG PAG IISIP NYO KUYA" sabi ko "eh bakit nga ganyan damit mo?" sabi nila kuya. "tinapunan kasi ako ng mga girls sa school ng juice tapos hinimatay pa ako tapos papasundo sana ako kay kuya bryan kaso nasa trabaho pa daw sya kaya kay kuya allen nalang daw ako magpapasundo eh ayoko na kaya mag cocommute nalang sana ako ng biglang may pesteng kotse na talsikan ako ng putik tapos yung kyle na bwiset na 'yon na ang alam ko basketball player sya, pinahiram nya ako ng t-shirt nya!! no choice ako!" sabi ko, napatulala sila at dumeretso ako sa kwarto ko nag shower agad ako kasi ang lagkit ko dahil sa juice at tinanggal ko agad 'yung t-shirt ng kyle na 'yon.




Don't be a Good GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon