Simula.

8.5K 46 15
                                    

 Simula.

Hindi ko mapigilan mamangha sa paligid matapos ko itong hindi makita makalipas ang ilang taon. wala paring pag babago dito. maganda parin ito katulad ng dati, ang pinagkaiba na nga lang ay maraming tao dito at halata na nagkakasiyahan sila. 

Agad kong nakita si Tita Karla na papalapit saakin.

"Mabuti naman at nakarating ka Hija. Sobrang namiss kita." Sabi nito at hinagkan ako ng mahigpit. 

"Oo naman po, Tita Imposibleng mawala ako dito. namiss ko rin po kayo.. kayo nina Maggie." Napasulyap ito saakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Tita please.." Tumawa ito.

"Biro lang ano kaba. I'm glad you're fine now.. I'm so happy for you." 

"Thank you Tita.. Let's just all leave them to the past, where it belonged po. I'm glad he moved-on din po. I'm so happy for him." Sincere na sabi ko kay Tita ngunit ngiti lang ang tinugon nito saakin.

Nagpaalam na muna siya para kausapin pa ang ibang mga guest. 

Isang sulyap pa muli. I sighed. Napakasarap bumalik sa lugar na ito ng wala ng sakit.. walang pait kundi puro kasiyahan lamang. 

Napalunok ako ng makita ko ang grupo ng maiingay sa isang malaking lamesa. Napangiti ako sa isip ko ng mamukhaan ko kung sino ang mga ito.

"Omg! Kathryn!" Sigaw ni Kiray at agad na tumayo at yinakap ako ganun din ang ginawa ko sakanya.

Halata na naagaw ko na ang atensyon nila kaya naman ay natahimik sila panandalian at agad din nakarecover ng batukan ni Kiray si Neil.

"Aray ko ha.. masakit yun Kiray." Nagtawanan ang lahat.

Nginitian ko sila isa-isa. Si Julia naman ay lumapit saakin na naiiyak. 

"S-sorry Kath... " Napangiti ako sa ginawa niya at niyakap ko siya na mahigpit.

"It's okay, Julia.. It's all from the past now.. let's just move-on please?" bulong ko dito at agad niya akong hinarap sakanya, may luha parin sa kanyang mga mata. Pinunasan ko ito gamit ang aking daliri.

"Ano ka ba naman, napakaiyakin.. Hindi na nagbago ang Bestfriend ko ah." 

Nagtawanan kami at ganun narin siya. Nakangiti naman nalumapit si Diego kay Julia at inakbayan ito. Nakita ko rin na magkaholding hands na lumapit saakin sila Cassie at Neil, EJ at Kiray. Sa tagal ng panahon kong nawala dito. May bagay rin palang hindi nagbago. 

Naagaw ng atensyon ko ang malakas na sigaw ng isang sobrang pamilyar na lalaki.. natawa ako ng makilala ko siya.

"Katsumi naman, parang tanga." 

"Taena mo Lester.. kahit tanga ako gwapo parin ako." 

"Tumigil nga kayo.. Te-ka.." napalingon dito si Sed ng mahagip ng tingin niya ako. Ngumiti ako sakanya at kumaway. 

Halos manlaki ang mata niya at agad na lumapit sa table namin at niyakap ako. 

"Kath! Kailan ka pa nakarating?!" 

Natawa ako ng ganun din ang naging reaksyon ng dalawa pa at mahigpit akong niyakap. Group hug.

"Kamusta ka naman? Kamusta ang Macau? Lalong gumanda ah?" 

"Eto ayos naman... masaya na ... " 

"I'm glad you are." 

Natahimik ang lahat at lumingon kaming lahat sa nagsalita. 

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Eto nanaman ... sa tagal ng pagkawala ko satingin ko.. isa ito sa hindi magbabago. 

Parang kumirot ito ng makita ko kung sino ang babaeng nakahawak sa braso niya. 

"Hi Kathryn! Long time no see." 

"Yeah. Long time no see, Danna." 

She smiled at me sweetly . At ganun din ang binigay ko sakanya. 

Tinignan ko ang katabi niya. Nakangiti ito at mukhang sobrang saya na. 

"Congratulations, nga pala sainyong dalawa, kelan ang kasal?" 

Pumalakpak si Danna na parang excited.

"Omg! Thank youuu.. pero di pa namin alam eh.. pinag-iisipan ba kung Next year na or after  i-take ni Dabiel yung masteral degree niya."

"Ohh.. It's that so? Well.. Good luck." 

-

Napasalampak ako sa kama ko pagkauwi ko ng Condo ko. Bahagya kong hinilot ang batok ko at agad ininom ang aking gamot. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero mas higit dito ang sakit na nangingibabaw. Hindi ko alam na kahit almost 3 years akong wala at hindi siya nakikita ay halos pareho ng sakit parin katulad dati ang nararamdaman ko. Pero ang pinag-kaiba lang ngayon ay tanggap ko. 

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng makarinig ako ng malakas ng kalampag ng pinto sa labas ng Condo ko. 

1:03 am. Damn! Halos kabahan ako dahil sino ba naman ang matinong tao ang mambubulabog ng ganitong oras? Kaya naman ay kinuha ko ang phone ko at niready ang 911 .. para kapag masamang tao ang nasalabas ay agad ko silang makokontak. Pero halos malalaglag na ang hawak ko ng cellphone sa pagkabigla ng makita ko si Daniel sa labas. 

"D-daniel, ba---"

Nagulat ako ng bigla itong yumakap saakin ng sobrang higpit. Sobrang higpit na feeling ko hindi na ako makakahinga. Naramdaman ko na nanginginit ang gilid ng mata ko. Ghad ..

I missed him.. so much.

"I missed you.. Baby.. I badly missed you.." 

Pilit akong kumawala sa mga bisig niya ng marealized kong mali itong ginagawa niya. 

"Daniel, mali ito Engage ka na.. Alam mo lasing ka lang, umiwi kana."

"Fucking Engagement! Wala akong pakealam.. at hindi ako lasing.. Miss na miss lang kita.. baby .. please.."

Napapikit ako ng mariin at napadilat ako sa gulat ng halikan ako nito..

"Hmm--D-aniel--hmm" 

Tunulaktulak ko siya.. 

"Please.... Kathryn.. baby, tayo nalang ulit..please.."

Hindi na ako nakapiglas ng hinalikan niya ulit ako.. alam kong mali.. alam kong hindi na pwede.. it's forbidden.. Simula palang Forbidden na ang lahat. Maling mali ito. 

Ngunit hindi ko napigilan tumugon sa halik niya.. mga halik niyang mapupusok ngunit puno ng damdamin.. 

Kahit ngayon lang.. Let me cherish this moment.. 

Kahit ngayon lang.

Tao lang rin naman ako, nagkakamali.. nasasaktan.. natutukso at nagmamahal.


I Do Cherish You. (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon