Chapter 21

1.3K 38 29
                                    


Mika's

Papunta na kami ngayon ni Rad sa bahay namin, pero syempre bago yun dinalhan ko muna ng breakfast si papa, same lang naman ang results haha pero I'm planning to do it everyday kahit paulit ulit niyang itapon, or ipakain sa iba, I won't get tired.

"Babe, bat naisipan mo pumunta ngayon sa amin?" tanong ko sa kanya.

"Namiss ko na si tita Bhaby, bakit? Bawal ba? May pinakilala kang ibang babae dun noh? Malaman laman ko lang Reyes nako." natawa naman ako sa rant niya.

"Mukha ba akong babaero babe? Loko ka."

"Joke lang. Wala to make it official na din, ayaw mo ba? Have they grow fond of Cha na?" malungkot niyang tanong.

"Don't be sad babe, ikaw pa din ang paborirto ni mommy. Lagi kang hinahanap, aba kung pwede lang noon aaraw arawin ko talaga. Tsaka di ko alam kung nasaang lupalop ka ng Pinas." sagot ko.

"Asus, iniistalk mo nga ako."

"Noon yun uyy."

Nakailang diskusyon pa kami ni Rad, natatawa na lang ako sa mga pinagtatalunan namin eh. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ni mommy na nagsasampay.

"Anaaaaak!" sigaw niya at yumakap kay Rachel.

Wow mommy, why you do this to me?

"Si Rachel na ba ito? Hija ang ganda ganda mo pa din. Bagay pa din kayo ni Mika." natawa na lang si Rad at yumakap kay mommy pabalik.

"Pasok muna tayo mommy." saad ko.

Nagpresinta na ako na lang magluluto, ayun hindi na ako tinulungan dito, mga bastos eh haha. Nang makatapos ako ay naghain na din ako at agad na din kaming kumain.

"Bakit napadalaw kayo dito? Kamusta ka na pala Rachel? Nabalitaan ko ikakasal ka na ah, sayang naman. Gustong gusto ko pa din ikaw para kay Mika." saad ni mommy.

"Mom, sakin siya ikakasal. Akin lang to." saad ko at ngumiti.

"Yung papa ko lang po at ex boyfriend ko ang nag usap. Mika's trying to win his blessing pa po para hindi na din matuloy yung kasal. Ayoko naman po eh, besides. Yung anak niyo po ang mahal ko." palakpak tenga naman ako sa narinig.

"Nako anak, supportado ko kayong dalawa tandaan niyo yan ha." hinawakan pa ni mommy ang kamay ni Rad.

"Ma, akin lang to." sabay kuha ko ng kamay ni Rad kaya nagtawanan kami at nakatanggap ako ng mahinang batok mula kay Rad.

"Siraulo ka anak." mas napuno ng halakhakan ang hapag kainan sa sinabi ni mommy.

Dito na din kami magpapalipas ng gabi dahil na rin sa request ni mommy buti na lang pala nagdala kami ng damit namin.

Wala naman masyadong pasyalan dito kaya nagpunta na lang kami sa resort namin para magswimming.

Parang wrong move na niyaya ko siya mag swimming kasi jusko bakit ganon? Sobrang hot niya. So eto nanaman ang tukso, please lang layuan mo ako.

"Babe suot mo shirt mo please." hindi ako makatingin sa kanya.

"Cute mo." sagot niya at ipinatong na ang damit niya, maigi na lang.

"Babe, pano kung hindi natin makuha yung oo ni papa in time?" malungkot niyang saad.

"Hey, wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko.

"Meron."

"Then trust me on this one babe. Trust me." sagot ko at humalik sa noo niya.

"Okay. Sabi mo eh." sagot niya at nginitian ako.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon