Keira Monique Lee
Linggo ngayon at Ako eto nagreready para magchurch. Matapos ang lahat ay nagpaalam ako kay manang. Nagtungo ako sa garahe.
Sakay ng pulang ferrari nagtungo ako sa simbahan ay saktong pagdating ko ay nagsisimula na ang misa. Naghanap ako ng pwesto ay nakinig sa sermon ng pari. Matapos ang misa ay napagdesisyunan kong pumunta sa mall at mamasyal bago ako mag-aral mamaya sa bahay.
Nagparada ako at nagtungo sa loob ng mall pumunta muna ako sa isang branch ng fashion house ni ate kilala naman ako ng ng staff niya dito kaya pwedeng pwede akong kumuha ng mga dress, kadalasan nga ay dito ako kumukuha ng damit para sa prom or aquintance party namin.
Wala akong mapili sa lahat ng damit masyadong mahirap pumili sa mga magagandang damit. Umalis ako sa shop at nagtungo sa isang branch ng mga masapatos. Kanina nga pala sa parking lot may nakita akong pamilyar na kotse parang kotse ni nevermind?
Tumitingin ako ng sapatos ng may marinig akong boses na naging dahilan ng pangingilabot ko.
"Miss may size pa nito?"
"Meron pa po, wait sir." Napatingin ako kung saan nang gagaling ang boses. Nagulantang ako sa nakita ko. Ang lalaking minahal ko ng sobra, lalaking iniwan ako sa ere, si duke. Napatingin ito saakin. Halata sa ekspresyon niya na gulat na gulat saakin.
"Monique!"
"Duke!" Hindi ko alam ang rereact ko na muling nakita siya, hindi ko ito inaasahan. Bakit pa siya bumalik?
"Monique, kamusta ka na?"
"B-bakit nandito ka? Diba dapat nasa U.S. ka, kailangan ka niya doon."
"Hanggang ngayon ba galit ka parin saakin? Oo nagkamali ako noon pero pinagsisihan ko yun." Wala akong nakikitang sinseredad sakanya.
"Hindi ako naniniwala sayo. Bakit ka ba nandito?" Inis na usal ko.
"Nandito ako para balikan ka monique. Pinikot niya lang ako hindi sakin yun."
"I'm sorry to say this duke pero wala ka nang babalikan pa dito. May mahal na akong iba." Sabay talikod ko.
"Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang ulit."
"Hindi mangyayari yun." Bigkas ko at maglakad palayo at paalis ng shop. Nagtungo ako sa parking lot at nagmaneho pauwi. Nang makarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ay nagpalit ng damit ay wala sa sariling nag-aral ng mga magiging lesson sa eskwela.
Sky Blaze Park
Gusto kong malaman ang lahat kay monique. Oo totoong mahal ko si monique. Yun ang dahilan kaya lagi akonh sweet sakanya. Lagi akong napapahawak sa labi ko pag naaalala ko yung paghalik ko sakanya, sa twing dumadampi ang labi ko sa labi niya kakaibang saya ang nararamdaman ko sayang hindi ko kayang ipaliwanag. Gusto ko siya langing kasama.
*Pak*
"Aray ko!" Napatingin ako may kyle na wagas kung mambatok. Nakalimutan ko kasama ko pala sila.
"Bakit ba?" Inis kong wika.
"Kanina ka pa kasi namin kinakausap hindi ka sumasagot, ngiti ka ng ngiti. Sabihin mo nga may saltik ka ba sa utak?!"
"Wala may iniisip lang." Nandito nag pala kami sa bar nila kieffer. Ito yung bar na puro singer walang babae. Nagkayayaan kasi sila pati ako nadamay. Pero hindi ako iinom may magagalit eh. Oo hindi kami pero tinuturing ko siyang girlfriend ko. Ako na nga lang walang lovelife sa tropa.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...