Chapter 6

1.7K 25 8
                                    

Ysh POV

Hi this is Yshrael Zean Creed, one of the member of Tri Art.

Five years had passed, at sa limang taon na yun hindi ko alam na ganito ang kahihinatnan. Nandito ako ngayon kaharap ang puting kabaong nagmumuni muni, muli kong binalikan ang mga ala ala naming magkasama. Ala alang masaya, ala alang babalik balikan ko, mga ala alang iniwan nya sa mundong to.

Isang espesyal na tao ang nawalay sa kin. Hindi ko lubos maisip na sa lilisanin na nya ang mundong ibabaw ng ganito kaaga.

Kung alam ko lang hindi ko na sana ipinagpatuloy ang pagiging isang singer. Sana ngayon nandito ka pa kasama namin.

Nasa malalim akong pag iisip ng may dalawang lalaking nakaitim ang kumalabit sakin.

"Ikaw ba si Ysh?" Tanong nung isang lalaki.

"Oo ako nga, anong kelangan nyo sakin?."

"Sumama ka samin." sabi naman nung kasama nya. Hindi na nila ako hinintay makasagot dahil pwersahang hinila nila ang braso ko at nilabas ng funeral room.

"Saan nyo ba ko dadalhin?, Sino ba kayo?." Isinakay nila ako sa puting van.

"Wag ka ngang maingay kalalaki mong tao ang daldal mo."

"Meron ka pala nito. Ayos mas mapapadali tayo."

Tinutukoy nya ang relong ibinigay sakin ng isang Fan kahapon. May pinindot sya sa relong suot ko, umilaw iyon. Maya maya pa ay may tinurok sya  sakin, biglang bumigat ang mga talukap ng mata ko.

"Matulog ka muna." At ganun nga ang ginawa ko.

.…

.…

.…

Sapphire's POV

Kasalukuyan akong nasa Paige ngayon, umiinom ng cocktail. kung bakit? Pinapunta lang naman ako ng magaling na kambal, sina Stone at Blaze. Hindi ko alam kung anong kalokohang pinaggagagawa ng dalawang yun isinama pa ako.

Anong nangyari kahapon?. well simple lang.

Flashback

"Aiisshh Sapphire focus!." Sorry naman Excl lumandi lang yung puso ko, hindi ko na pigilan. ٩(♡ε♡ )۶

At bago ko pa maibalik ang diwa ko bigla na lang akong nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

I failed! I failed to protect her. Kinitil nya ang sariling buhay nya dahil sa depression na nararamdaman nya.

Nanghinhinang napaupo ako sa sahig at napatulala. Sana lang hindi ako bangungutin sa nangyare. Hindi ako takot mamatay pero takot akong makakita ng mamatay, lalo na kung sa kamay ko sya namatay.

Feeling ko wala akong kwentang agent hindi ko sya napigilan. Nanghihinang pumunta ako sa hospital nila Tita Autumn para kumuha ng gamot, pampakalma.

May mga taong dapat mahalin pero meron ding kinakaibigan lang. You should know kung saan ka lulugar  baka imbis na pagmamahal ang
iparamdam mo, pananakit na pala ang naipapadama mo.

End of flashback.

Sayang sya, kung tutuusin kasi pwede pa syang gamutin ng mga agent dito. Meron namang gamot para dun.

.…

.…


.…

Nasa malalim akong pag iisip ng may biglang kumanta sa stage.

BHO-CAMP:  His Secret Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon