CHAPTER 29 Makeover

12 0 0
                                    

Keira Monique Lee

"So, dahil lang sa kaunting pagkakamali kahit hindi ikaw ang may kasalanan ka papagalitan parin siya?" Hindi makapaniwalang usal ni kyle.

"Oo, para daw ako na ang kusang umiwas sa gulo." Yukong usal ko.

"Eh sa mga kapatid mo ganyan ba kung pagalitan sila?" Umiling ako.

"Hindi ako lang ang pinapagalitan ng ganyan."

"Bakit?" Sabay sabay nilang tanong.

"Nagsimula yan nung elementary palang ako, hindi sila nagpunta sa graduation ko dahil akala nila ay wala akong award ang totoo non surprise ko sana ang pagiging class valedictorian ko pero hindi sila nagpunta, sobrang sama ng loob ko non kaya itinago ko ang mga awards ko. Kahit itanong niyo kila jihyo may isang kwarto dun na puro awards ko at tanging ako sila jhianne at si grandma lang ang nakakakita." Mahabang paliwanag ko.

"Gusto naming makita!" Sabay-sabay nilang sigaw at bahagya pa akong napatakip ng tenga.

"Grabe naman kayo makasigaw." Umiling ako.

"Bakit?!"

"Ayoko lang may magagawa kayo?" Mataray kong sagot.

"Wala,"

"Wala naman pala eh wag na kayong makulit jan." Tumayo ako.

"Tara na two minutes nalang time na." Mabilis naman silang tumayo at sabay-sabay kaming naglakad pabalik ng classroom.

"Okay ka na ba?" Alalang tanong ni blaze ng makaupo kami sa kanya-kanyang upuan sa classroom.

"Oo naman, makita ko lang na ngumiti kayo lalo na yang ngiti mo ayos na ayos na ako at nakakalimutan ko na lahat ng nangyari kanina." Sumilay ang mga ngiti ni blaze kaya napangiti narin ako. Mabilis na nagsimula ang klase.

Matapos ang klase ay inaya ko muna sila blaze,zayne at jhianne sa cafeteria.

"Jhianne, may gagawin tayo." Bulong ko habang naglalakad kami dito sa mahabang hallway.

"Ano naman?"

"Eleigh, accept our longtime offer so will you help me?" Ngumiti naman siya.

"Call ako jan." Tinanguan ko siya sabay baling ko kay blaze.

"Blaze, diba sabi ko sayo kanin pupunta tayo sa mall kasama si eleigh?" Sinadya kong lambingan ang boses ko.

"Yeah," simpleng sagot niya at ang paningin ay na saakin.

"Pwede bang kasabay natin si eleigh sa kotse mo pero iuuwi ko muna yung kotse ko."

"Sure, kung yan ang gusto ng reyna ko bakit hindi." Nakangiting usal niya.

"Thank you," nakangiting usal ko sabay kiss sa kanya sa pisngi halatang nagulat siya dahil hahaha namula yung tenga niya.

"Jhianne, okay na?" Baling ko kay jhianne.

"Oo," pagkasabi niya nun ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni blaze at sabay namin silang hinila ni jhianne papuntang parking lot. Napadaan kami ng classroom. Palabas palang kami classroom si eleigh.

"Eleigh, bilisan mo." Sigaw ko pansin ko namang bumilis ang paglakad niya nakarating kami sa parking lot at nagtungo sa pwesto ng kotse ko. Maya-maya ay lumapit na saamin si eleigh at mukhang napagod siya.

"Eleigh, dun ka muna sumakay sa kotse ni blaze ihahatid ko lang sa bahay tong kotse ko, susunduin niyo naman ako ni blaze dun." Tumango naman siya, sumakay ako nv kotse ko at saka inistart ang engine at nagmaneho palayo. Nakasunod lang saakin sila blaze hanggang sa makarating sa bahay mabilis kong ipinarada ang kotse ko sa garage saka pumasok sa loob para kunin ang wallet ko at yung dress narin cellphone. Inilagay ko sa paper bag ang dress at sa sling bag naman yung wallet at phone, matapos yun ay bumaba sa ako at naupo sa tabi ni blaze.

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon